A cyberspace novel by Tony Perez
Oktubre: buwan ng kugon, mga alay na kandila, at mga bulaklak. ’Tapos ng kalahati’ oras na paikot-ikot sa Barangay Kaunlaran, natunton din nung driver ng limousine iyong tirahan ni Mang Jony sa Cubao.
Bumaba iyong pasahero. Matangkad na lalaki’ nasa’ 30-40 taon’ gulang.
Kasasabit lang ng Halloween décor nina Paolo at Michelle sa bungad nung three-door apartment na balot ng grilles. Isa si Paolo sa mga bedspacer ni Mang Jony sa gawi’ likuran nung mga apartment. Si Michelle naman iyong GF ni Paolo. Pareho sila’ estudyante sa magkaiba’ kolehiyo. Madalas sila’ magsilbi’ assistant ni Mang Jony sa mga kaso’ kababalaghan na nilulutas nito.
Kanina pa nag-aabang si Mang Jony. Lumabas siya para salubungin iyong bisita’ kadarating lang.
“Sir Jony?” usisa nung lalaki. “Rocky Marquez po. Ako po iyong nag-e-mail sa inyo.”
Nag-abot si Mang Jony ng kamay. ’Pinakilala niya sina Paolo at Michelle. Tumuloy sila sa loob nung bahay at pumasok sa study room ni Mang Jony.
Namangha iyong bisita sa nilalaman nung study roon. Malalaki’ bookcase na may iba’ iba’ libro, DVD, CD, maskara, at mga bagay na nakalap ni Mang Jony sa marami niya’ lakbay at karanasan. Sa harap nung isa’ bookcase, may malapad na writing table na natatabunan ng papeles at salansan ng mga notebook.
Naro’n’ nakaupo si Tessa Paloma, propesora ng Panitikan sa isa’ pamantasan at matalik na kaibigan at kasangga ni Mang Jony. Tumayo si Tessa at nagpakilala sa bisita. Naupo sila’ lahat at dinulutan sila ni Mang Jony ng tsaa na nakahanda na sa isa’ side table.
Minasdan ni Rocky Marquez sina Tessa, Paolo, at Michelle. Ngiti niya kay Mang Jony, “This is your team?”
“Gano’n nga,” ngiti rin ni Mang Jony. “Pero, wala pa’ ko’ sinasabi sa kanila.” Kina Tessa, Paolo, at Michelle: “Taga-Bohol si Mister Marquez.”
“Rocky, please,” pakli nung lalaki.
Paliwanag ni Mang Jony, “Younger brother siya ng mayor nung Third District ng Bohol, si Mayor Estrella Marquez, iyong binansagan’ Star of the South nung mga taga-Visayas.”
“May luma’ mapa ng Pilipinas na matagal na sa pamilya namin,” ang s’abi ni Rocky.
Dumukot si Rocky sa dala niya’ satchel at saka siya naglabas ng dokumento. “Photocopy lang iyan.” In’abot iyong dokumento kay Mang Jony, na tumingin sa nakaguhit na mapa rito bago niya ’to iabot kina Tessa, Paolo, at Michelle.
“Looks familiar?” t’anong ni Mang Jony kay Tessa.
“Welcome to the small club,” ngiti ni Tessa kay Rocky. “The very small club. May mapa rin ako’ ganyan.”
Tatlo’ parte lang iyong naka-detalye sa mapa. Tatlo’ kaharian. Isa sa Luzon, isa sa Visayas, isa sa Mindanao. Iyong ngalan nung kaharian sa Luzon, Berbanya. Iyong sa Visayas, Armenya. Iyong sa Mindanao, Reino de los cristales. Tumutugma sa tatlo’ kaharian sa mahaba’ tula’ Ibong Adarna.
“Napansin n’yo ba, na iyong kaharian’ Armenya, nasa Central Visayas?” t’anong ni Rocky.
“Opo,” sagot ni Tessa. “Malinaw na malinaw iyong hugis nito. Nasa loob po ’to ng Bohol Province.”
“Nasa Jagna, sa Third District ng Bohol, to be exact,” dugtong ni Rocky. Naro’n iyong Bundok Ng Mayana, iyong pinakamataas na lupa ro’n.”
Naglabas si Rocky ng isa pa’ photocopy, na ’nilapag niya sa gitna nila’ lahat. “Enlargement ’to ng Jagna. ’Eto iyong Mayana. Naniniwala kami ni Star, ni Mayor Estrella, na naro’n iyong balon papunta sa kastilyo nina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora ng Armenya.”
Bumaling si Rocky kina Tessa, Paolo, at Michelle. “Matagal na kami’ naghahanap ng eksperto’ makakaintindi sa ’min. Tsaka makakatulong. Nabalitaan namin si Mang Jony, tsaka iyong tungkol sa marami na niya’ ginawa.”
“Ano po’ klase’ tulong iyong kailangan n’yo?” t’anong ni Tessa.
“Hanapin iyong mga ginto at pilak na nakatago ro’n.”
“Treasure hunting?”
“Pagbabakasakali lang po,” kibit-balikat ni Rocky.
Marami’ tanong iyong nasasaisip nina Tessa, Paolo, at Michelle, pero sinikap ni Rocky na sagutin iyong mga ’to bago pa man nila sabihin.
“Personal na budget nung pamilya namin iyong gagamitin sa expedition. Naglaan kami ng tatlo’ bilyon. Pangarap kasi iyan nung mga ninuno namin. Pero, huwag n’yo po ’kami’ pag-isipan ng masama. Suportado kami ng National Museum, ng LGU, ng DENR. Wala kami’ lalabagin sa R.A. 4846. Kung may bubungkalin, ibabalik lahat sa dati pagkatapos. Wala’ puno’ papatayin o tatanggalin. Wala’ iibahin sa environment. At, nakuha na namin lahat ng clearances.
“Iyong deal: 10% ng findings sa Pamilya Marquez, 90% sa National Museum. Kung magtatagumpay tayo. Kun’ ’di tayo magtatagumpay, lugi kami nung tatlo’ bilyon, pero, wala’ problema. ’Di kami manghihinayang o magsisisi.
“Obligasyon lang namin iyon kasi sa mga ninuno namin. Iningatan nila’ mapa sa loob nung marami’ taon. Iyong mapapala namin, panatag ng loob. Wala na’ haka-haka. Wala na’ baka-baka. Sa wakas, magkakaro’n na kami ng peace of mind.”
“Limestone po iyong foundation ng Bohol, ’di ba?” t’anong ni Tessa.
“Tama po,” s’agot ni Rocky. “Matigas na bato’ limestone, ginagamit sa paggawa ng semento. Marami rin’ limestone cavity sa ilalalim nung isla. Para’ underground tunnels.”
“Meron din po’ faultline sa ilalim,’di po ba?” t’anong ni Paolo.
“Fault system,” s’agot ni Rocky. Nasa southeast iyon ng Bohol, sakop iyong Tagbilaran. Katabi nung Tagbilaran iyong Jagna, na nasa northeast. Suspetsa namin, sa haba nung panahon, puwede’ nag-collapse na iyong balon papunta sa mga kastilyo ng Armenya. May nakahanda tayo’ heavy equipment na magki-clearing, kung kailangan.”
“May media hype ba ’to?” Si Mang Jony.
Agad umiling si Rocky. “Iyong ipapaalam sa publiko, fertilization project lang ’to sa Mayana Peak. Marami’ turista’ umaakyat do’n, kahit kung tag-ulan. Baka mag-frenzied hunt lahat kung meron sila’ matunugan.
“Oras na magdesisyon kayo, magsisimula na tayo. Tatlo’ team lang tayo.
“Iyong excavation team, apat na lalaki’ ’galing Santander, sa Cebu. Ayaw namin’ kumuha ng laborer sa Bohol, kasi, kung may positive findings, dis-oras na kakalat iyong balita.
“Iyong lead team, ako, iyong dalawa ko’ pamangkin na anak ni Star, tsaka isa’ project manager ng National Museum branch sa Tagbilaran.
“Kayo’ consultation team.
“Sagot namin lahat ng air transport. May mga dedicated van para sa land transport. Nag-offer iyong National Museum na gamitin’ war room iyong conference room nila, pero, mas kumportable ako sa library ng bahay ko sa Panglao.
“Kayo, Sir Jony, magigi’ house guest sa Mayor’s Residence, sa Tagbilaran. Iyong team members n’yo, ibu-book namin sa Alona Beach Hotels, sa Panglao. Malapit lang iyon sa bahay ko.”
Ngumiti si Rocky kina Tessa, Paolo, at Michelle. “S’abi ni Mang Jony, i-timing iyong initial expedition sa sem break, para makasama kayo—at iyong dalawa ko’ pamangkin.”
Bago magpaalam, inanyayahan ni Rocky sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle na mag-dinner sa Novotel, sa Araneta Center, kung sa’n siya naka-check-in. Kaya, nung gabi’ iyon, nagkita sila ’uli sa dining room nung hotel at naghapunan ng Asian cuisine.
’Sinalaysay ni Tessa para kina Paolo at Michelle iyong buod nung Ikalawa’ Aklat ng Ibong Adarna, na ang lunan, Kaharian Ng Armenya.
“Pareho kasi’ bully sina Prinsipe Pedro at Prinsipe Diego,” umpisa ni Tessa. Lagi nila’ pinagtripan at inapi si Prinsipe Juan.
“’Tapos gumaling ni Haring Fernando dahil sa pito’ awat nung Adarna, ’binahay nila iyon’ ibon sa ’taas nung isa’ tore sa kastilyo. Sina Pedro, Diego, at Juan lang iyong may pahintulot na magbantay do’n. Naghalinhinan sila. Isa’ gabi, nung si Juan iyong nakatoka’ magbantay, binuksan nina Pedro at Diego iyong pinto nung hawla, kaya, nakawala iyong ibon.
“Alam ni Juan na magagalit iyong Amang-Hari sa pagkawala nung Adarna. Imbes harapin iyon, lumayas siya sa kastilyo. Napadpad siya sa malayo’ Kaharian Ng Armenya.”
“Mula Cubao, Quezon City hanggang Jagna, Bohol. Malayo nga iyon,” ang s’abi ni Paolo.
“Pinahanap ng Amang-Hari si Juan kina Pedro at Diego. Naglakbay sila sa direksiyon’ pinuntahan ni Juan. Natagpuan nga nila si Juan, sa Armenya.
“Maganda iyong kaharian’ iyon. Detalyado’ description sa mga una’ taludtod. Marami’ halaman, marami’ hayop. Kaya, naengganyo’ rin’ matira ro’n sina Pedro at Diego, kasama ni Juan.
“Isa’ araw, umakyat iyong tatlo’ prinsipe sa mataas na bundok para magsiyasat. Nakahanap sila ng malaki’ balon. May nakatali’ lubid na puwede’ gamitin para bumaba. Si Pedro’ una’ bumaba, pero, bago makarating sa ilalim, sinaklot siya ng takot. Si Juan iyong sumunod na bumaba. Malumanay kasi si Diego, mahina’ loob, at matatakutin.
“Nakita ni Juan na may maningning na kastilyo sa ilalim nung balon. Naro’n si Prinsesa Juana. Nagkahulugan sila ng loob. Kaya lang, pilit pinaalis ni Juana si Juan. Bihag kasi siya nung isa’ Higante. Lumabas iyong Higante. Nakipagtagisan kay Juan. Nanaig si Juan. Napatay niya iyong Higante.
“Niyaya ni Juan si Juana na umakyat sa lubid at lumayo na sa lugar na iyon. Pero, ang s’abi ni Juana, ’di niya maiiwan iyong nakababata niya’ kapatid na si Prinsesa Leonora, na bihag naman nung isa’ Dambuhala’ May Pito’ Ulo.
“Hinanap ni Juan si Leonora. Nagkahulugan din sila ng loob. Lumabas iyong Dambuhala. Tinugis si Juan.”
“Nahirapan si Juan na labanan iyong Dambuhala,” patuloy ni Tessa. Kasi, ’pag nasusugatan ’to nung espada ni Juan, agad-agad din’ gumagaling iyong mga sugat. ’Pag napugot iyong mga ulo nito, agad-agad tinutubuan nung mga panibago’ ulo.
“Nag-abot si Leonora ng engkantado’ balsamo kay Juan. Bi’lin niya kay Juan, bu’san nung balsamo iyong pinagpugutan nung mga ulo nung Dambuhala. Ginawa iyon ni Juan. ’Di na tinubuan nung mga panibago’ ulo iyong Dambuhala, kaya, namatay.
“Pareho’ napamahal si Juan kina Juana at Leonora. Siya kasi’ nagi’ tagapagligtas nila. Umakyat sila sa lubid. Umahon sa ibabaw ng lupa. Saka naala’la ni Leonora na naiwan niya iyong diyamante’ singsing niya sa loob nung kastilyo. Bumaba uli si Juan sa balon para kunin iyong singsing.”
“Ang suwerte ni Prinsipe Juan,” sundot ni Paolo. “Dala-dalawa iyong prinsesa’ nagmahal sa kaniya.”
“’Di pa diyan nagwawakas iyong Ikalawa’ Aklat,” patuloy ni Tessa. “Nagkaro’n kasi nung problema. Nakursunadahan ni Pedro si Leonora. Nagtraydor siya uli kay Juan. Pinutol niya iyong lubid. Nahulog si Juan. Tumama sa ilalim at nagkabali-bali’ mga buto.
“Inangkin ni Pedro si Leonora para magi’ kasintahan niya. ’Binigay niya si Juana kay Diego. Umuwi sila sa Berbanya para pakasalan iyong dalawa’ prinsesa. Kaya lang, pagdating sa Berbanya, sinabi ni Leonora kay Haring Fernando na may panata siya: puwede lang siya’ ’pakasal pagkalipas ng pito’ taon. Tinanggap iyon at ’ginalang ni Haring Fernando. Wala’ magawa si Pedro kun’ ’di tanggapin din at igalang iyon.
“May engkantado’ alaga si Leonora. Isa’ Lobo. Bago nila nilisan iyong Armenya, ’pinasulong ni Leonora iyong Lobo sa balon para sagipin si Juan. Diyan nagwawakas iyong Ikalawa’ Aklat.”
Marami’ palaisipan iyong umantig sa bawat isa sa kanila. Nasa Mayana nga ba’ bungad nung balon patungo sa kastilyo nung dalawa’ prinsesa? Kung nasa Mayana nga, sa’n do’n at pa’ no hahanapin? Patay na iyong Higante, pero, wala kaya’ iba’ Higante ro’n? Patay na rin iyong Dambuhala, pero wala kaya’ iba’ Dambuhala ro’n?
“Wala kaya’ iba’ bantay sa ilalim nung balon?” tanong ni Paolo, na para ba’ nababasa’ isip nung mga kasama niya.
“Marami na ’ko’ napuntahan’ treasure hunting,” ang s’abi ni Mang Jony. “Iyong iba ro’n, kinailangan’ gamitan nung mga rituwal at orasyon para magtaboy nung mga bantay.”
“Mga elemental?” t’anong ni Tessa.
“Mga lamanlupa.”
“Ano’ dapat natin’ gawin para sa expedition natin?” t’anong naman ni Rocky.
“May balita’ mambunong iyong mga Ibaloi sa Nabalicong, sa Benguet. Ilan’ beses namin’ siya kinonsulta, pero, ’di siya pumayag tumulong sa ’min. Baka sakali’ tumulong siya sa project na ’to. Nakakapagtaboy siya nung mga butat-tew, mga spirit na nagpapaligaw sa mga naghahanap ng treasure.”
“Puntahan natin,” pilit ni Rocky.
“Kung Friday ng gabi tayo aalis ng Cubao, aabot tayo sa Nabalicong Saturday ng tanghali. May maghapon tayo para hanapin iyong mambunong at makipag-usap sa kaniya. Bababa tayo Sunday ng umaga. Gabi tayo’ darating sa Cubao.”
Nag-alok si Tessa na gamitin iyong sasakyan niya, pero, tumutol si Rocky. Magpapatulong siya sa hotel na umarkila ng transport service para sa kanila.
Bago magsiuwi sa kani-kanila’ bahay, nagtungo sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa Coliseum. Tapos na nung gabi’ iyon iyong isa’ malaki’ basketball game. Maghahatinggabi na. Madilim iyong lugar. Tumayo iyong apat sa harap nung Red Gate. Tahimik na naghintay.
Marahan’ bumaba iyong marquee na para’ isa’ drawbridge. Paglapag nito, nagmistula’ maningning na kastilyo iyong Coliseum. Umusbong iyong mga tore nung kastilyo sa ibabaw nung hugis-domo’ bubungan nito.
Naglakad sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle papunta’ loob nung kastilyo. Sumaludo sa kanila iyong mga kawal at iyong mga guwardiya’ dinaanan pagkat ’di na sila mga estranghero sa lugar na iyon. Pagpasok nila sa malaki’ bulwagan, naro’n’ nangakaupo sa kani-kanila’ trono sina Prinsipe Pedro at Prinsesa Leonora, at sina Prinsipe Diego at Prinsesa Juana.
Nagbigay-pugay iyong mga dalaw sa mga prinsipe at prinsesa. ’Tapos, ’sinangguni ni Mang Jony’ proyekto’ hinaharap nila.
“’Di kami tutol kung inaakala n’yo’ mabuti,” ang s’abi ni Pedro kay Mang Jony. “Mi’san n’yo’ ’niligtas sa kapahamakan iyong Berbanya. Lubos iyong tiwala namin sa inyo.”
“Kung mayaman iyong Berbanya sa mga yerba at halaman na nakakapagpagaling,” ang s’abi ni Diego, “mayaman nga’ Armenya sa ginto’t pilak.”
“Naniniwala kami,” si Juana naman, “na may karapatan iyong mga nilalang na makinabang sa lahat nung yaman ng lupa.”
“May isa lang ako’ hiling,” si Leonora. “Hanapin n’yo’t ibalik sa ’kin iyong diyamante ko’ singsing.”
Nagpasalamat iyong apat na dalaw sa mga prinsipe at prinsesa.
“Susubaybayan namin kayo sa marami’ paraan,” ang s’abi nung mga prinsipe’t prinsesa. “Pero, tulad nung dati, magsisilbi lang kami’ mga gabay.”
“Huli sa lahat, Mang Jony,” babala ni Juana, “kaiingat sa masasama’-loob at sa mga traydor. ’Di lang iisa’ makakasalamuha n’yo.”
’Di sila agad natulog pagdating sa kani-kanila’ bahay. Si Mang Jony, kumontak nung ilan’ kakilala sa Benguet. Sina Tessa, Paolo, at Michelle, nag-isip nung lahat ng dadal’in sa dalawa’ lugar: sa Nabalicong at sa Jagna.
Mabilis nagi’ Biyernes. Alas singko ng hapon pa lang, sakay na nung commercial van sina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle patungo’ norte. Naghapunan sila sa Expressway. Mahaba at matagal iyong biyahe ’tapos no’n. Umidlip sila. Nagising lang nang nagpaalun-alon iyong sasakyan paakyat sa Cordilleras.
Alas onse ng gabi sila nakarating sa hotel na ginawan ng reservations ni Rocky sa La Trinidad. Nagsama sa isa’ kuwarto sina Mang Jony at Rocky, sa isa pa sina Tessa at Michelle, at sa ikatlo sina Paolo at iyong driver nung commercial van.
Kinaumagahan, pagkatapos mag-buffet breakfast, tumuloy na sila sa Nabalicong. Mabato at makitid iyong mga daan do’n. Paliwanag ni Mang Jony, may rice terraces sa lugar na iyon, at may bahagi’ ’di na mapapasukan ng kahit ano’ sasakyan. ’Tinigil nung driver iyong van sa tabi ng malaki’ damuhan. Tinahak nina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle iyong mga baku-bako’ landas. Binagtas nila’ kahabaan nung Agno River, hangga’ sa makita nila, mula sa mataas na lugar, iyong isa’ lambak na may mga kubo nung mga magsasaka.
Nagtanong si Mang Jony sa nagdaraan’ mga binata na nangakasuot ng maiikli’ kuwintas na pang-aw. ’Tinuro siya nung mga ’to sa malayo pa’ lugar, sa loob nung mga kahuyan, kung sa’n may kubol na siya’ tirahan nung mambunong. Do’n sila nagtungo.
Naro’n’ naghihintay sa kanila’ matanda’ mambunong. Nakatali’ ulo nito nung pula’ tela ng mga Ibaloi, at nakasuot din ng bahag nung pula’ tela’ iyon. May sukbit na hinabi’ bag sa kaliwa’ balikat nung mambunong.
In’abot ni Rocky sa mambunong iyong handog nila’ apat na manok, mga tinapay, mga tabako, at moma. Naupo sila’ lahat sa lapag nung kubol. Saka pinaliwanag ni Mang Jony’ sadya nila. ’Nilabas ni Rocky’ mga photocopy nung mapa ng Jagna at ’pinakita niya’ mga ’to sa mambunong.
Nagsagawa ng rituwal iyong mambunong. Bila’ pantapos, nagpatong siya ng kahoy na pigurin sa gitna ng isa’ mangkok. Dinala niya’ mangkok sa apat na sulok nung kubol. May isa’ buslo sa bawat sulok. May isa’ lampara sa loob nung bawat buslo. Nagbigkas ng mga panalangin iyong mambunong sa harap nung bawat buslo. At saka dahan-daha’ nagsindi at nag-apoy, sa ’di ma’paliwanag na paraan, iyong bawat lampara.
Ang s’abi ng mambunong, malaya sila’ ituloy iyong expedition. Senyales no’n iyong pagsindi nung mga lampara. Natuwa at naginhawahan sila’ lahat, lalo na si Rocky.
Bumangon iyong mambunong, at nagulat sila’ lahat. Pagbangon niya kasi, nagi’ mahaba iyong maputi niya’ buhok, napalitan iyong suot nito’ bahag ng maputi’ blusa at hinabi’ tapis, at, sa halip nung nakasukbit na bag sa balikat, nakasuot ito ngayon ng mahahaba’ kuwintas na gawa sa mga antigo’ glass beads.
“Mambunong—?” bulalas ni Mang Jony.
Umiling iyong matandang babae. “Mama-oh,” ang s’abi niya.
Pabalik sa Cubao, ’di maintindihan ng lahat ’di lang kung pa’no nagsindi iyong mga lampara kun’ ’di pa’no bigla’ nagi’ matanda’ babae iyong matanda’ lalaki.
“Una, mambunong. ’Tapos, nagi’ mama-oh,” paulit-ulit na pamutawi ni Paolo.
“Malinaw na lalaki, nagi’ malinaw na babae,” sambit naman ni Michelle.
Nagpaalam si Rocky pagdating nila sa Cubao. Kinabukasan kasi iyong flight niya papunta’ Bohol. Sobra-sobra’ pasasalamat niya kay Mang Jony.
“Huwag ka muna magpasalamat,” paala’la ni Mang Jony. “Kasi, puwede tayo’ magtagumpay, puwede rin tayo’ ’di magtagumpay.”
Nagkasundo sila’ magpangita sa Bohol Oktubre 30, bago mag-undas.
’Pinagkatiwala ni Mang Jony iyong mga apartment at bedpsace sa isa sa mga kasera niya. Nagkita-kita sila nung mga miyembro nung team niya sa Terminal 3 ng airport.
Samantala, sa Mayor’s Residence, ilan’ oras nag-ensayo si Mayor Estrella Marquez nung paborito niya’ piyesa’ Clair de Lune sa baby grand piano na nasa malaki’ bulwagan nung bahay. Batid niya’ parating na sina Mang Jony, na palipad ngayon papunta’ Tagbilaran Airport. Nasa arrival area iyong nakababata niya’ kapatid na si Rocky para salubungin sila.
Sa katabi’ den, nakahilata sa mga day bed iyong kambal na anak ni Estrella na sina Kahn at HM. Pareho sila’ 13 taon’ gulang. Si Kahn, naglalaro ng game sa mobile niya. Si HM, pinipilit basahin iyong Ikalawa’ Aklat nung kopya ng Ibong Adarna ng Mama nila, pero hirap siya’ maintindihan iyong wika’ ’di Ingles, ’di Cebuano, at ’di Boholano.
Nagpatuloy sa paghimas sa mga tiklado si Estrella. Nagkisapan na para’ maliliit na bulalakaw sa langit iyong mga diyamante sa mga daliri niya.
Nagbati ng maligayang pagdating iyong stewardess sa speaker system. Naupo na’ matuwid sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle. Tinanaw ni Rocky iyong pilak na ekis ng Philippine Airlines na palapit na’ palapit, sa kalangitan.
Sinalubong sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle ni Rocky at ng apat na Tourism rep sa Arrival Area ng Tagbilaran Airport. Sinabitan sila ng mga lei. ’Sinakay ng dalawa’ empleyado ng Mayor’s Office iyong mga bagahe nila sa van. Sinundo nila si Mayor Estrella at iyong kambal na anak niya’ sina Kahn at HM sa Mayor’s Residence. ’Tapos, tumuloy sila sa Governor’s Office para mag-courtesy call.
Naupo sila’ lahat sa magara’ tanggapan ni Governor Alvaro Antimonio. Malugod sila’ binati ng governor. Pinatikman sila nung kape mula Talibon. At saka nagbigay iyong governor ng PowerPoint presentation tungkol sa Bohol.
“Nasa West natin iyong Cebu,” ’s’aad nung governor. “Sa northeast, iyong Leyte. Sa South, iyong Mindanao.”
“Kaya,” inisip ni Mang Jony, “kinailangan’ ilipad si Juan nung Olikornyo ’tungo’ Reino de los cristales, sa malayo’ Mindanao.”
Binaggit nung governor iyong ilan’ lugar na ’pinagmamalaki ng Bohol. Kabilang sa mga iyon iyong Chocolate Hills at iyong Tarsier Sanctuary.
“Nasa itinerary nila iyan, Gov,” p’asiguro ni Rocky.
“Good,” sukli nung governor.
“Meron ako’ lunch para sa mga bisita, Gov,” dagdag ni Estrella. “Please join us.”
“Thank you, Star. Gusto ko, pero may lunch appointment din ako’ pupuntahan. Keep me updated, please. Tungkol sa findings nung expedition.” Kay Rocky: “Gusto ko ng blow-by-blow account.”
“Yes, Gov,” p’asiguro ni Rocky.
Muli sila’ sumakay sa van at nagtungo sa Mayor’s Residence.
“Tayu-tayo lang, Mang Jony,” p’aumanhin ni Estrella nung nasa loob sila nung van. “Wala kami’ iba’ inimbita. Iyong alam lang kasi nung mga tao, mga municipal visitor lang kayo.”
“Understood, Mayor,” tango ni Mang Jony.
“Star. Please.”
Naupo sila sa malaki’ dining room ng Mayor’s Residence, kung sa’n nila pinagsaluhan iyong iba’ iba’ luto’ Bohol. Iyong panghimagas nila, ubi kinampay.
Tinanong ni Tessa kay Estrella kung ga’no katagal na sa pamilya nila iyong mapa ng Armenya.
“No idea, Tessa. Marami’ nawawala’ documentation iyong mga Marquez,” pagtatapat ni Estrella.
“Definitely, ’tapos ng 13th century,” sapantaha ni Tess. “Iyon kasi’ siglo’ hinaka nung mga literary historian na pinagmulan nung mahaba’ tula.”
“Iyong mapa, sigurado’ dumating sa Pilipinas ’tapos ng 1521,” dagdag ni Mang Jony, “nung dumating iyong mga Espanyol.”
“Dito sa Bohol ginanap iyong Sandugo nina Miguel Lopez de Legazpi at Datu Sikatuna nung 1565, alam n’yo ba?” sundot ni Rocky. “’Di kaya may alam na iyong mga Espanyol tungkol sa Armenya nung taon’ iyon?”
“Masalimuot iyong reconstruction nung family tree namin,” ang s’abi ni Estrella, “pero, nagka-dead end kami banda’ 1600,” ang s’abi ni Estrella. “’Pinakamaaga namin’ nahanap, nasa 1744. Umpisa iyon nung ikalawa’ revolt laban Espanya.”
“Nung 1621, Tamblot Revolt. Nung 1744 hangga’ 1829, Dagohoy Revolt,” inulit ni Michelle iyong nabasa niya sa Internet.
“Pero,” patuloy ni Estrella, “alam namin, narito na’ mga Marquez nung nagaganap iyong Dagohoy Revolt. Nasa annals nila. Banda’ 1850, ’sinagawa nila iyong pinakauna’ expedition. Negative findings. May mga trahedya pa’ naganap.
“Nawala iyong parish priest na tumulong sa expedition. Dalawa’ buwan siya’ pinaghahanap. Nung ikatlo’ buwan, nawala naman iyong katulong niya’ sakristan.”
“Basta lang po nawala?” t’anong ni Paolo.
Napailing si Estrella. “Iyong nakasulat sa annals, ‘Desaparecido’. S’abi nung mga tao, kinuha raw ng asuwang. ’Tinigil iyong expedition bago pa man mag-apat na buwan.”
“Iyong sumunod na expedition, nung 1916, bago ideklara’ provincia’ Bohol.” Si Rocky. “Gano’n din iyong nangyari. May nasawi’ mga miyembro. Lima naman. Iyong chief engineer, iyong nakababata niya’ kapatid, at tatlo’ manggagawa.”
“Iyong pagkakaiba, natagpuan iyong lima’ katawan.” Si Estrella. “Pugot iyong mga ulo. ’Di mahanap iyong mga ulo. Laslas iyong mga tiyan. Wala na’ mga bituka.
“’Tinigil din iyong second expedition na iyon. Mas lalo’ naniwala’ mga tao na mayro’n nga’ asuwang.” Nagbuntunghininga si Estrella at uminom ng tubig sa hawak niya’ kopita.
“Wala na’ ginanap na expedition ’tapos no’n?” usisa ni Mang Jony.
Umiling si Estrella. “Nung taon din’ iyon, nung 1916, sinikap bil’in ng mga Marquez iyong bundok na Mayana, pero, ’di pumayag iyong gobyerno. Nung 1917, tumakbo sa eleksiyon iyong una’ Marquez. Nung 1966, ’dineklara’ siyudad iyong Tagbilaran. Nagi’ mas mahirap kumuha ng permiso para sa kahit ano’ expedition.” Tumingin siya kay Mang Jony. “’Eto tayo ngayon, Mang Jony. Iyong ikatlo’ expedition. Iyong expedition n’yo.”
“Gumawa kami ng mga kopya nung mapa at nung relevant documents ng mga Marquez,” ang s’abi ni Rocky. “Para sa lahat nung kinauukulan. Marami’ red tape. Inabot kami ng ilan’ taon.”
Bumangon si Estrella at nagtungo sa life-size oil portrait niya na nakakuwadro ng ginto at nakasabit sa isa’ dingding nung dining room. Maingat niya’ in’angat iyong isa’ gilid nung kuwadro. Nagbukas ito na para’ pinto. Sa likod no’n, may isa pa’ larawan na nakakuwadro rin ng ginto—iyong orihinal na mapa ng Armenya.
Namangha’ mga bisita. Nagsibangon para tingnan’ maigi iyong mapa. May sukat ito’ 3’ x 5’, gawa sa tela na para’ manipis na silk, at ginuhitan ng itim na tinta. Mamula-mula na iyong mga marka sa ibabaw nung mapa. Pero, may marka’ bilog na pula’ tinta na pumapalibot sa Bundok Mayana.
Inanyayahan sila ni Estrella na tumuloy sa malaki’ sala, at do’n niya sila pinaupo sa mga sofa.
“May dalawa ’ko’ handog sa mga bisita namin,” anunsiyo niya.
Humagikhik si Kahn. Agad siya’ siniko ni HM.
Naupo si Estrella sa baby grand piano. Sandali’ nagpatahimik ng kalooban. At saka sinimulan’ tugtugin iyong Clair de Lune. Umalon iyong mga nota. Nakita nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle na naroon at nangakaupo rin, sa isang gawi nung malaki’ sala, sina Prinsipe Pedro, Prinsesa Leonora, Prinsipe Diego, at Prinsesa Juana. Taimtim nila’ pinakikinggan iyong tugtog ni Estrella.
Pumailanlang at umalimbukay iyong tugtugin. Nabalani iyong mga isip nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle. Nagbalik sa isip nila iyong tanawin nung magaspang na dagat mula sa mga bintana nung eroplano. Nakita rin nila iyong dagat na rumaragasa sa mga pampang ng Alona Beach Hotels, ’gaya nung nakita nila sa Internet brochure nito. Iyong mga pamilya’ masaya’ nagsi-swimming. Iyong mga binata at dalaga na nagdi-deep-sea-diving.
Naglakbay iyong isip nila sa ilalim nung dagat. Sumuot sa bunganga nung mga kuweba’ limestone. Nagpasikut-sikot sa underwater chambers sa malawak na silong ng isla’ Bohol.
“May mga nabubuhay rito,” inisip ni Mang Jony, “sa pinakailalim.”
Natapos iyong tugtugin ni Estrella. Nagpalakpakan sila’ lahat.
Ngumiti si Estrella, bumangon, bahagya’ yumukod. “Ngayon naman, iyong ikalawa ko’ handog.”
Nagtungo siya sa isa’ side table na kinapapatungan nung isa’ ginto’ tray. Nangakapatong sa tray ang apat na kahon’ binalutan ng mga mosaic na g’awa sa tinapyas na abalone shells. Kinulayan’ ginto iyong mga piraso. Nagkislapan sa liwanag nung chandeliers sa kisame.
In’abot ni Estrella iyong tray at hinandog iyong mga kahon sa mga bisita. Binuksan niya iyong isa sa harapan ni Mang Jony. Naglalaman ito ng dalawa’ kabibe: isa’ gloriamaris at isa’ golden cowrie.
“Treasures of the deep. Sa Bohol lang natatagpuan ang shells na iyan.”
“Marami’ salamat, Star,” ang s’abi ni Mang Jony.
“Treasures of the deep to be treasured forever,” ang s’abi ni Tessa.
“Marami’-marami’ salamat po,” ang s’abi nina Paolo at Michelle.
Iniwan nila sa Residence si Estrella para sa 2:00 PM appointment nila sa National Museum branch ng Tagbilaran. Naro’n’ nakahanda na sa pagdating nila iyong Museum Director na si Sebastian Cobre at iyong Project Manager na si Jack Dirigio, na siya’ itinalaga nung Museum sa expedition team ni Rocky.
Si Director Cobre mismo’ nagbigay ng museum tour sa kanila. Naakit sila sa mga low-relief illustration na nagsasalarawan nung pag-ahon nung mga isla ng Pilipinas sa dagat: una’ Luzon, sumunod iyong Visayas, huli’ Mindanao. ’Di kaya, inisip ni Mang Jony, na may iba pa’ mga isla’ aahon pagdating ng panahon?
Dinala sila nung director sa isa’ bago’-gawa at bakante’ extension nung museum building. “Nag-e-expand ang Museum,” p’aliwanag nung director. “Kung may substantial findings iyong expedition n’yo, dito iha-house iyong mga iyon.”
Malapit na’ lumubog iyong araw nang dalhin nina Rocky at Mang Jony sina Tessa, Paolo, at Michelle sa Alona Beach Hotels para mag-check-in. Nang areglado na’ lahat, naupo sila sa tabi’-dagat, uminom ng cold drinks, at nagpahingalay.
“Ang dami’ tourists dito,” puna ni Tessa.
“All year round,” tugon ni Rocky. “Karamihan sa nagpupunta sa Alona, nagdi-deep-sea-diving. Iyong mga nagte-trekking sa Mayana Peak, sa mga hotel sa Tagbilaran pumupunta.”
“Sa dami po nung nagte-trekking, wala po ba’ nakakita ng kahit maliit na clue na meron do’n’ balon?” t’anong ni Paolo.
“Wala,” s’agot ni Rocky. “Kasi, kung may balon man, sigurado’ natabunan iyon sa malalim, sa tinagal nung panahon. ’Buti na lang, ngayon, may mga modern equipment na tayo.”
Courtesy ng National Museum iyong dinner nila nung gabi’ iyon. Dumating sa hotel si Estrella sa sarili niya’ sasakyan, at dumating naman sina Director Cobre at Jack Dirigio sa official vehicle ng Museum. Nag-convoy sila papunta’ Loboc Riverwatch Floating Resto. Sumakay sila sa isa sa marami’ lantsa’ de-bubong na may buffet table, mga mesa at silya, open bar, at mga musikero.
Marahan’ binagtas nung lantsa iyong Loboc River. Sa kaliwa’t kanan, nangakabihis ng makukulay na ilaw iyong mga punungkahoy. May ilan’ cultural stop sa kahabaan nung ilog, kung sa’n may mga bata’ nangaka-costume, kumanta, at sumayaw, at may maliliit na tiyangge ng mga souvenir item. Bumili si Tessa ng salakot.
Umupo si Estrella sa mesa nina Mang Jony at Director Cobre. Nagsama sa isa pa’ mesa sa likod nila sina Tessa, Michelle, Kahn, at HM. Sa ikatlo’ mesa naupo sina Rocky, Paolo, at Jack, sa tabi nung mga rehas, kung sa’n nila tanaw iyong tubig.
Nag-usisa si Director Cobre kay Mang Jony tungkol sa mga treasure hunter na natulungan na niya.
“May common denominators iyong mga kaso nila,” ang s’abi ni Mang Jony. “Lahat sa mga iyon, may peligro.”
“Ano’ klase’ peligro?” tanong ni Estrella.
“’Karaniwan, ’tapos nung matagal na paghuhukay, ’pag malapit na’ matuntunan iyong kung ano man’ treasure iyong naro’n, nag-aaway-away iyong team members. Nag-uungusan. Nagbubuntalan.”
“Nagpapatayan?” Nagtaas ng kilay si Director Cobre.
“Nangyari na rin iyan.”
“O kaya, bigla’ nawawala,” bulong ni Estrella, parang sa sarili.
“Ku’ mi’san, nagdadala sila nung medium. Sinasabi nung medium, humihingi na iyong mga bantay nung padugo. Una, manok. ’Tapos, baboy. ’Tapos, tao.”
Bahagya’ nangaligkig si Estrella. “O kaya, kinakain iyong mga treasure hunter nung asuwang.”
Napasinghal ng tawa si Director Cobre. “’Di ’ko naniniwala sa asuwang, Madam Star. Pamahiin lang iyan. Twenty-first-century expedition ’to. Huwag natin’ haluan nung kung ano-ano.”
“Sana, Director, tama ka,” ang s’abi lang ni Estrella.
Saglit sila’ nanahimik, para’ nagkapahiyaan. Dumukot si Mang Jony sa satchel at ’nilabas niya’ handog ni Estrella’ gloriamaris at golden cowrie, para lang pagmasdan iyong mga ’to sa makulay na liwanag nung mga bumbilya sa kaliwa’t kanan nung lantsa.
Sa karatig na mesa, masaya’ naghuhuntahan sina Tessa, Michelle, Kahn, at HM. Natuwa sina Tessa at Michelle. Nagiging matabil na kasi iyong magkambal.
Pilit naghanap si Tessa ng pisikal na pagkakaiba sa identical twins, pero, wala siya’ makita. Magkatulad sina Kahn at HM sa mata, ilong, at bibig, sa haba at ayos ng mukha, sa gupit ng buhok, at sa bulas ng katawan. Sa pananamit lang natitiyak kung alin si Kahn at kung alin si HM. Konserbatibo si Kahn, si HM, sumusunod sa uso. Tahimik si Kahn at lagi’ nakatuon iyong atensiyon sa gadgets, bagamat mahilig siya sa parkour. Si HM naman, palabiro, mahilig sa sports, at kasalukuyan’ nag-aaral ng jeet kune do.
Tinanong ni Michelle sa dalawa kung ano’ paborito nila’ subject sa eskuwela. Si Kahn, Science. Si HM, Math, Music, at P.E. Balak magi’ siyentipiko ni Kahn. Si HM, Olympic athlete.
“Nababasa n’yo ba’ isip nung isa’t isa, ’gaya nung sinasabi nung iba tungkol sa identical twins? Nararamdaman n’yo ba’ nararamdaman nung isa’t isa? Sabay ba kayo nagkakasakit?” usisa ni Michelle, at nagbigay siya ng ilan’ halimbawa’ nagpapatunay na kunektado’ identical twins.
Sabay tumango iyong dalawa.
“’Pag me naririnig ako’ strange sounds, naririnig din ni HM,” s’abi ni Kahn.
“’Pag tumitindig iyo’ balahibo ko, gano’n din kay Kahn,” s’abi naman ni HM.
“Pero, ’di kami nakakakita ng multo,” s’abi ni Kahn.
“Gusto namin’ makakita ng multo,” segunda ni HM. “’Tatanong namin ke Mang Jony kung pa’no mabubuksan iyong Third Eye namin.”
Napangiti si Tessa. “’Di ba kayo natatakot makakita ng multo?”
“’Di po,” s’agot nung dalawa.
Tinanong ni Tessa kung anu-ano’ maganda’ bil’in sa palengke para ipampasalubong sa mga taga-Maynila.
“Banig,” s’agot ni Kahn.
“Asin ng Alborquerque, kaya lang, bawal magsakay nung asin sa plane,” s’agot ni HM.
“Peanut kisses,” dagdag ni Kahn.
“Miracle water,” dagdag pa ni HM. “Sa simbahan po ng Dauis. May balon ng tubig po ro’n. Kaya, ginawan po nila nung simbahan sa palibot nung balon. Iyong pinaka balon, nando’n po ngayon sa harap nung altar. Do’n po kumukuha ng tubig iyong mga tao.”
Mga luma’ simbahan din iyong laman nung usap-usapan nina Rocky, Paolo, at Jack sa isa pa’ mesa. Binanggit din ni Jack iyong Panglao Watchtower. “Mataas iyon, may apat na palapag,” paliwanag ni Jack. “Pinakamataas na watchtower sa Pilipinas. ’Tinayo iyon nung 1851 para depensahin iyong Panglao sa mga pirate ’galing Mindanao.” Napaisip tuloy si Paolo. Nung una’ panahon kaya, magkalaban iyong Armenya, na nasa Bohol, at iyong Reino de los cristales, na nasa Mindanao?
Pabalik sa istasyon nung mga lantsa, napansin ni Mang Jony na may apat na turista’ katatapos lang kumain sa ibayo’ mesa. Moderno’ bihis nila, pero agad sila’ namukhaan ni Mang Jony: sina Prinsipe Pedro, Prinsesa Leonora, Prinsipe Diego, at Prinsesa Juana.
“Kaiingat, Mang Jony,” ang s’abi ni Juana.
“Kaiingat lagi,” ang s’abi ni Leonora.
Lumingon si Mang Jony sa mga kasamahan niya. Nakita’t narinig din iyong apat na engkanto nina Tessa, Paolo, at Michelle. Bahagya’ tumalima sina Kahn at HM, na para baga’ may narinig pero wala naman’ nakita. Sa iba’ mga turista’ nakasakay sa lantsa, bakante’ mesa lang iyong naro’n.
Malalim na’ gabi nang ihatid ni Rocky sina Tessa, Paolo, at Michelle sa hotel at sina Mang Jony, Estrella, Kahn, at HM sa Residence. Pinaakyat ni Estrella iyong magkambal sa mga bedroom nila sa ikalawa’ palapag. Saka niya niyaya si Mang Jony na mag-tequila muna sa malaki’ balkonahe sa labas nung sala.
“Cheers! To the expedition!” ’Tinaas ni Estrella’ cocktail glass na hawak niya, na sinangga naman ni Mang Jony.
“To the expedition!”
Nagbuntunghininga si Estrella at sumandal sa mga kutson nung wrought-iron three-seater na kinauupan nila. Sa di-kalayuan, kumutitap na para’ mga brilyante iyong mga ilaw ng Tagbilaran sa ilalim nung maliwanag na buwan.
“Sanay ako’ mapagod, Mang Jony,” ang s’abi ni Estrella. “Lifestyle ko iyan. Wala’ nakakaalam kung ga’no kahirap magi’ mayor. Ku’ mi’san, gusto ko lang, magi’ normal. An ordinary woman. But I have to keep up a tradition. Na, sana, ’pagpatuloy nung mga bata.”
“Subaybayan natin iyong paglaki nila. Maaga pa naman. Marami pa sila’ pagdedesisyunan. Para sa iba. Para sa sarili nila.”
“Wala’ ’maaga pa’ sa ’kin, Mang Jony. Ayoko’ naiiiwanan ng panahon.” Uminom siya ng tequila. ’Tapos, “Nasa mga kamay n’yo’ family project namin, Mang Jony. Not just any family project. Ang dream family project namin. Kaya, gusto ko’ magkakilala tayo, para’ mga tunay na magkaibigan.
“Hiwalay ako sa asawa, Mang Jony. Nangyari iyan three years ago, nung ten years old pa lang iyong mga bata. Marquez iyong maiden name ko. Laton iyong apelyido nung nagi’ asawa ko. Nasa iba’ bayan na siya. ’Di na babalik dito. ’Di na makakabalik.” Nagbuhos siya uli nung tequila sa kopita’ hawak niya. “May kaso siya rito nung pinaalis ko siya. Mishandling nung funds nung pamilya. I had to charge him. Pinaalis ko siya. Binayaran ko ng milyon-milyon. Kung sa’n man siya ngayon, masaya na sana siya.”
“Wala’ galit sa tinig mo.”
“’Di ’ko galit sa kaniya, Mang Jony. As a matter of fact, mahal ko pa siya. Kaya ’di na ’ko nag-entertain ng ideas na mag-asawa’ ’uli, ’tapos niya. Gets n’yo ba, Mang Jony? Mahal ko siya, pero, ayoko na sa kaniya.”
“Gets.”
“Do me a favor, please, Mang Jony. Masyado’ interesado sa supernatural iyong kambal ko. May pagka-psychic sila. Pero, gusto nila, makakita sila nung ’di nakikita nung iba’ tao. Magka-psychic vision. Magagawa n’yo iyan, ’di ba? Matutulungan n’yo ba sila?”
“’Di ka tumutuol sa mga bagay na iyan?”
“Liberal-minded ako, Mang Jony. At, kunsintidora. Gusto ko, matutuhaan nung mga anak ko lahat nung gusto nila’ matutuhan. Lahat nung hinihingi nila, ’binibigay ko. Kaya ko sila pinayagan’ sumali sa expedition. After all, sila’ next generation ng mga Marquez.
“Ako mismo, I’ve always felt special, Mang Jony. Nakakarinig ako, nakakaramdam nung kung ano-ano nung kasimbata ’ko nila. Nung tumanda ’ko, I just denied myself everything. Baka kasi humadlang sa career ko. Pero, hangga’ ngayon, madalas ko’ napapanaginipan na kaiba’ lahi ng mga Marquez. Para kami’ nagmula sa mga engkantado’ prinsipe at prinsesa. Siguro, ng Armenya, kasi nga, iyong Armenya, nasa Bohol. That’s my fantasy, pero, malakas iyong kutob ko. Na ako, si Estrella Marquez, sa panahon’ ’to, sa taon’ ’to, iyong makakahanap, sa wakas, sa mahiwaga’ balon.” Inubos niya iyong nilalaman nung kopita’ hawak niya sa isa’ lagok. “Gets?”
“Gets.”
Umakyat si Estrella sa master’s bedroom, sa ikalawa’ palapag. Si Mang Jony, pumasok sa guest bedroom sa ground floor. Matagal na’ nakahiga si Mang Jony sa kama. Alam niya na natutulog na sa ’taas si Estrella. Pero, para’ naririnig niya uli’ mahina’ tugtog ng Clair de Lune sa baby grand piano sa sala. Tugtog na nagpabalik sa isip niya nung umaalon’ dagat, nung mga kuweba limestone sa ilalim nung tubig, at nung underwater chambers sa ilalim ng Bohol.
Kinabukasan ginanap iyong una’ pagkikita nung tatlo’ expedition team sa bahay ni Rocky sa Tagbilaran. Puno ng antigo’ bahay ni Rocky, na isa’ soltero, presidente nung isa’ insurance company, at stockholder nung isa’ factory ng liquid detergent. Sa loob nung library sila nag-meeting. May matataas na bookcase sa bawat dingding. ’Di lang mga aklat iyong nasa sheves kun’ ’di marami’ luma’ urna na naglalaman ng mga primitive na santo.
Nagpakila’t nagkamayan lahat: Sa una’ team, sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle. Sa ikalawa’ team, si Rocky, si Jack, si Kahn, at si HM. Sa ikatlo’ team, iyong kararating lang na excavation team galing Santander—iyong lider na Rusty Ferro at iyong mga ’kosa nito’ sina Albert Estano, Bob Hierro, at Melvin Azogue.
Binalangkas nung mga team, sa pangunguna ni Rocky, iyong una nila’ isasagawa: surveillance nung Mayana Peak gamit iyong mga metal detector, motion sensors, at radar machine. Anuman’ makakalap, kung mayro’n man, agad-agad ilalagak sa National Museum. May makalap man o wala, magmi-meeting uli’ sila sa war room.
Naghanda si Rocky nung paborito’ meryenda’ Siquijor: tsokolate, suman, at hinog na mangga. Nilibot nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle iyong library para pagmasdan at hangaan iyong koleksiyon ni Rocky nung mga urna’ nililok sa kahoy at pinintahan nung matitingkad na kulay.
“’Di ko alam kung pa’no ko nakursunadahan iyong mga urna,” pagtatapat ni Rocky. “Siguro, kasi, indigenous iyang mga iyan sa Bohol. ’Ilan dito, ’mula pa sa mga ninuno namin. Iyong iba naman, binili ko isa-isa sa mga antique dealer at sa mga kapwa ko collector.”
Pinag-aralan’ mabuti ni Mang Jony iyong mga urna. Bawat isa, may bubong. May korona’ pumapalibot sa ibabaw at magkabila. May tig-isa’ poste sa kaliwa’t kanan. May mga imahe’ ’di niya mahagi-hagilap sa isip niya, pero, ramdam niya, nakakita na siya nung mga altar na gan’on sa iba’ lugar.
“’Eto’ paborito ko,” pagmamalaki ni Rocky. “Regalo sa ’kin nung isang matanda nung nag-charity work ako sa Anda ’tapos nung lindol.”
Kaiba nga, at magara, iyong urna’ t’ukoy ni Rocky. Malaki ito sa lahat, at sinauna’ Purissima Concepcion iyong poon’ ’nilagay niya sa loob no’n. Patulis iyong bubong nung urna, malapad iyong korona at nagpara’ mga pakpak, at apat sa halip na dalawa iyong poste sa kaliwa’t kanan.
Banda’ alas onse ng umaga natapos iyong pagpupulong. Dinala ni Rocky sina Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa Bee Farm para mananghalian. Naro’n na si Estrella’ naghihintay sa kanila, nakaupo sa kabisera nung isa’ mahaba’ mesa, nakasuot ng damit na bulaklakin at iyong di-maiwalay sa kaniya’ mga brilyante. Nakapuwesto iyong mesa sa barandilya sa gilid nung mataas na bangin, kaya makapigil-hininga’ bista nung mga burol at bukid sa ilalim at sa kalayuan.
Nag-buffet lunch sila ng mga pagkain’ organic. No’n lang nakatikim sina Paolo at Michelle ng salad na gawa sa mga sariwa’ bulaklak.
Tumingin sina Tessa, Paolo, at Michelle sa paligid. Baka kasi naro’n’ ’uli’ mga prinsipe at prinsesa na nangakagayak-turista. Pero, ’di nila nakita sina Pedro, Leonora, Diego, at Juana.
“Pa’no po kaya nakakapaglakbay iyong spirits mula Cubao papunta’ Bohol na’ ’di sumasakay nung eroplano o bapor?” t’anong ni Paolo kay Mang Jony.
“Pumapasok sila sa mga punungkahoy,” s’agot ni Mang Jony, “at lumalabas sa mga punungkahoy rin sa iba’ lugar. Para’ mga lateral elevator.”
“Lateralvator,” mungkahi ni Kahn.
’Tapos mananghalian, nilibot sila nung may-ari sa organic garden at sa kinalalagyan nung mga bee hive. May halos kalahati’ daan’ pukyutan iyong naro’n.
“Nangangagat ba’ mga iyan?” t’anong nina Tessa at Michelle.
“Opo,” paliwanag nung may-ari, “kaya nagsusuot kami ng protective gear ’pag binubuksan iyong mga hawla. Usually makapal na long sleeves, maong, helmet na may veil, tsaka gloves. Lethal iyong bee stings. Nathe-threaten sila’t nagagalit ’pag dinistorbo mo’ hives.”
“’Di nila tayo kakagatin,” s’abi nina Kahn at HM kina Tessa at Michelle.
“Nakakausap namin sila,” s’abi naman ni HM. “May mga bubuyog sa garden namin. Lagi sila’ nakikipaglaro sa ’min. Kaibigan namin sila.”
Napatda iyong lahat nang lumapit sina Kahn at HM sa mga hawla at para baga’ sila masaya’ binati nung mga bubuyog.
“I told you,” kindat ni Estrella kay Mang Jony. “They’re psychic.”
Sariwa pa’ hapon, kaya nagpasiya si Rocky na dal’in na sila sa Chocolate Hills. Umakyat sila sa viewing deck para tanawin iyong libo-libo’ bilugan’ burol na naro’n. Namangha sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa regular na hugis at pagkakaayos nung mga ’to.
“Para nga’ chocolate bonbons sa loob ng kahon,” komento ni Tessa.
“May 1,776 ‘chocolates’, kasama nung ‘chocolates’ sa iba’ lugar, pero, iyong mga ‘chocolates’ na nakakumpol diyan, nasa 1,260.”
“Sa ngayon,” dagdag ni Estrella, “kulay green iyong mga iyan. Ito kasi’ rainy season sa Bohol. Pero, ’pag summer, namamatay iyong mga halaman at damo, kaya sila nagigi’ kulay brown. Para’ chocolates talaga.
“Alam n’yo ba,” dagdag niya, “’pag summer, kung bumaba kayo riyan, wala kayo’ makikita’ kahit konti’ trace ng halaman o damo. Talaga’ barren. Nakakapagtaka. Wala’ nakakaalam kung sa’n nanggagaling iyong mga binhi pagdating nung tag-ulan.”
Nagpamalas ng jeet kune do si HM sa malawak na view deck para kay Michelle.
Bulong na pabiro ni Tessa kina Mang Jony at Paolo, “May crush si HM kay Michelle.” Nagtawanan sila.
Ikatlo’ araw nila sa Bohol nang akyatin nila iyong Mayana Peak. Buo’ team ni Rusty at si Jack iyong masusi’ lumibot gamit-gamit iyong motion sensors at iyong radar machine. Marami’ inarkila’ metal detector si Rocky, kaya iyon iyong ginamit nina Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM.
Palubog na’ araw nang maupo sila sa dalisdis at magpulong-pulong at mag-ulat sa isa’t isa. Tatlo’ ulit hinagod ni Jack at nung team ni Rusty iyong bundok, at positive for motion iyong ’niresulta nung sensors at nung radar, ’di lang sa iisa’ lugar kun’ ’di sa kabuuan nung bundok.
“Puwede’ tubig nung dagat sa underwater chambers, puwede’ mga hayop sa limestone tunnels,” haka ni Jack.
Marami rin’ ’nilabas iyong mga metal detector. Iyong mahihina, maa’ri’ luma’ sukal lang nung mga turista. Iyong malalakas, ’pinagpasiya nila’ balikan at hukayin kinabukasan. Si Michelle iyong nag-record nung mga location na dapat nila’ balikan.
Kaya, nung ika’pat na araw, bumalik sila sa Mayana na may dala’ mga panghukay. May dalawampu’t apat na location iyong itinala ni Michelle, kaya naghukay iyong bawat team. B’ilin ni Rocky, huwag lalampas ng 20 piye iyong lalim nung bawat hukay, at ibalik iyong lupa sa dati pagkatapos. Laki’ tuwa nina Rocky at Jack nang makahanap ng mahahalaga’ bagay iyong mga team: mga gamit ng kawal mula 1700, ilan’ digging tool nung mga nauna’ expedition, at ilan’ kasangkapan mula WWII.
Hinugasan nina Rocky at Jack iyong excavated items at saka nila dinala sa secure storage sa National Museum. ’Pinagpatuloy ni Jack at nung team ni Rusty iyong paghuhukay. Samantala, pinaala’la ni Rocky kina Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle na may appointment sila sa Tarsier Sanctuary. Sumama sa kanila sina Kahn at HM.
Joannie Mary Guinto iyong pangalan nung maganda’ dalaga’ sanctuary guide na sumalubong sa kanila. Nagpasalamat sa kaniya si Rocky sa pag-a-accommodate sa kanila.
“Anytime, Sir Rocky,” ngiti ni Joannie Mary. Pinaupo niya iyong mga bisita sa loob nung video room at saka sila dinulutan nung mga brochure at tig-isa’ baso’ malamig na lime juice.
Kalahati’ oras nila’ pinanood iyong video documentary tungkol sa mga tarsier, na pinakamaliit na primate sa buo’ mundo. Ayon sa video, ’di nabubuhay sa iba’ lugar iyong mga ’to, kaya ’di dapat dakpin at iuwi sa bahay para alagaan. Ayaw nila sa sobra’ liwanag at sobra’ ingay. Ayaw rin nila’ hinahawakan sila ng tao; nagkakasakit sila ’pagka gayon.
Sa loob nung sanctuary, tahimik nila’ inobserbahan at nilitratuhan iyong mga tarsier, na nagsikaripas sa matataas na sanga at sa likod nung mga dahon, maliban sa apat, na, nang makita si Joannie Mary, masaya’ nagsiyapan, nagsitalon, at nagsilapag sa mga balikat at braso niya.
“Ito’ adopted family ko,” masaya’ paliwanag ni Joannie Mary sa kanila. “Sila lang iyong mga tarsier na lumalapit sa ’kin. ’Di sila natatakot na hawakan ako. Si Ma, si Pa, si Sis, at si Bro.”
Nilitratuhan nila si Joannie Mary at iyong apat na tarsier.
Dinala sila nung guide sa souvenir shop ’tapos no’n. Bumili sila nung maliliit na pigurin’ tarsier at mga paperweight, bookmark, at coin purse na hugis-tarsier din. Pinakilala ni Joannie Mary iyong matanda’ lalaki’ namamahala ng shop.
“Father ko po,” pagpapakilala ni Joannie Mary sa kanila.
Nasa loob na sila nung van at pabalik sa Mayana nang banggitin ni Tessa na pamilyar sa kaniya’ matanda’ lalaki sa shop.
“May kamukha siya,” ani Tessa.
Nag-isip iyong lahat.
At saka binulalas ni Mang Jony, “Iyong mambunong sa Nabalicong. Iyong mambunong na nagi’ mama-oh.”
Nagpatuloy iyong paghuhukay sa Mayana nung ikalima’t ika’nim na araw. Marami pa’ naiahon iyong mga team: mga antigo’ coin na pilak na ang tawag, peseta blanca, ilan’ sandata, at ilan’ religious item. Lahat nito, hinugasan at ’nilagak ni Jack sa secure storage sa National Museum.
Isa lang iyong ’kinaunsiyami nina Rocky at Mang Jony: ’di pa rin nila matagpuan iyong bunganga nung mahiwaga’ balon’ ’tungo sa kastilyo nina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
Pagsapit nung ikapito’ araw, nagkalat sa mga bayan iyong balita na may asuwang na naglalagalag sa Jagna. May mga nakakita sa asuwang na lumilibot sa mga daan.
Nahintakutan si Estrella. Iyong mga miyembro nung tatlo’ team, nabahala. Patuloy na pinabulaanan ni Jack iyong anuman’ sabi-sabi tungkol sa asuwang.
Ang s’abi ni Jack, “Wala na’ mga asuwang.”
Nung gabi’ iyon, kinumbinsi ni Jack si Rocky na atasan iyong team ni Rusty na mag-overtime at maghukay na’ magdamag sa Mayana. Gusto niya’ patunayan na wala’ asuwang at wala’ dapat katakutan. Gumamit sila ng floodlights na pag-aari ng National Museum. ’Pinaubaya ni Rocky kay Jack iyong pamamahala kina Rusty, Albert, Bob, at Melvin. Kaya, nagliwanag iyong isa’ bahagi ng Mayana nung gabi’ iyon. Tanaw iyong mga ilaw nung expedition team mula sa mga bahay at daan sa kalayuan.
Lampas-hatinggabi namatay iyong mga ilaw sa dalisdis nung bundok. Humangos si Jack sa bahay ni Rocky. Tumawag sila ng pulis.
Natagpuan nina Jack, Rusty, Albert, at Bob iyong bangkay ni Melvin Azogue sa isa’ bahagi nung bundok, kung sa’n iyong apat na portalet na ’pinatirik ni Rocky para sa expedition. Nag-utos ng media blackout si Governor Antimonio. Iyong ’pinaalam lang sa publiko, inatake sa puso’ isa’ laborer ng fertilization project.
Iyong katotohanan, bagsak iyong portalet na ginamit ni Melvin, at para siya’ kinaladkad nang ilan’ metro bago nginasab ng kung ano man’ mabangis na hayop sa liig. Putol iyong kable nung generator na nagpaandar sa floodlights. Laslas din iyong yellow tape na pinalibot nung team sa mga portalet at katabi nito’ digging site.
“May killer kaya?” usisa ni Governor Antimonio.
“Baka may nakawala’ leon o tigre sa zoo,” sapantaha ni Director Cobre.
Wala’ may gusto’ bumanggit sa salita’ “asuwang”.
Maliban kina Estrella, Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM, na sabay-sabay naghapunan sa Mayor’s Residence nung gabi’ iyon.
“Sa palagay n’yo ba, Mang Jony, asuwang?” t’anong ni Estrella.
Hindi sumagot si Mang Jony.
“’Di ba, nagi’ balita nung ’nakaraan’ araw, may asuwang na lumilibot sa Jagna?” Si Tessa.
“Ano po ba’ asuwang, Mang Jony?” usisa ni Kahn.
“Ano po ba’ ’itsura nung asuwang?” usisa naman ni HM
“Asuwang o asuang, sa Cebuano naman, asbang,” tugon ni Mang Jony. “Kung pag-a’ralan natin iyong salita, dalawa’ puwede’ magi’ ’itsura no’n. Iyong salita’ ‘asuwang’ kasi, ’galing sa dalawa pa’ salita: ‘asu’, kasi, ’pag nakakita’ tao nung asuwang, iyong nakikita nila, malaki’ aso; tsaka ‘uwang’, na nagpapahiwatig na may pakpak ito at nakakalipad.”
“Puwede ba’ labanan tsaka patayin iyong asuwang?” t’anong ni Paolo.
“Puwede, s’agot ni Mang Jony. “Kung kailangan.”
Dahil sa pagkamatay ni Melvin, ’tinigil muna ni Rocky’ expedition. Inasikaso niya’ insurance benefits, danyos sa pamilya ni Melvin, pagpapadala nung kabaong at cadaver sa Santander, pagpapaburol, at pagpapalibing. Magtatapos na rin iyong sem break, kaya nagdeklara si Rocky ng moratorium. Lumipad papunta’ Maynila sina Tessa, Paolo, at Michelle, na magbabalik sa simula nung Christmas break, ’pag ’tapos na’ police investigation.
Naiwan sa Residence si Mang Jony para bigyan ng workshop sa pagpapagana ng psychic abilities sina Estrella, Rocky, Kahn, at HM.
Isa’ gabi, ’tapos nung huli’ araw ng workshop, naupo si Mang Jony sa den, kasama nina Kahn at HM, at nanood sila ng isa’ programa sa TV tungkol sa extraterrestrials. Teorya nung mga nagsagawa nung programa, iba’ iba’ extraterrestrial iyong lumapag sa Planet Earth mula pa nung sinauna’ panahon. May mabubuti’ extraterrestrial at may masasama’ extraterrestrial, ’tulad din ng tao. Kabilang sa mga pinangalanan sa programa iyong Nephilim, malalakas na nilalang na ’tinukoy na “mga anak ng Diyos” o “mga anak ng anak ng Diyos,” pagkat nakipagrelasyon sila sa karaniwan’ tao at nagkasupling.
“Totoo kaya’ may Nephilim, Mang Jony?” usisa ni Kahn.
“Kung totoo, ’di ko pa sila nakikita,” tugon ni Mang Jony.
“Gusto ko’ makakita nung Nephilim,” bulalas ni HM.
Matapos iyong ikalawa’ linggo nung Disyembre, nagkita-kita’ ’uli sa Bohol sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle. ’Binilin ni Mang Jony sa tatlo na huwag iwan sa kani-kanila’ mga bahay iyong mga kabibe’ gloriamaris at golden cowrie kun’ ’di dalhin nila’ uli’ sa Bohol.
Nagi’ closed case iyong pagkamatay ni Melvin Azogue. Ayon sa police report, sinalakay siya ng mga magnanakaw, nakipaglaban siya, at napatay. ’Di pa rin napaparam iyong bali-balita sa mga kabayanan tungkol sa asuwang, pero, wala na’ naiulat na sighting na asuwang, o kung ano man iyon, sa mga kalsada.
Naghapunan sina Estrella, Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa Alona Beach Hotels nung gabi’ iyon. ’Tapos nila’ kumain, niyakag ni Mang Jony’ mga kasama niya sa isa’ malayo at madilim na lugar sa dalampasigan. Umakyat siya sa matataas na batuhan. Sumunod sa kaniya lahat, magi’ si Estrella.
Pinaupo sila ni Mang Jony sa mga bato, at naupo rin siya. Doon, ’di sila masipat mula hotel, at ’di rin sila makita ng sinuman’ nagdaraan.
“Mang Jony, bakit tayo nandito?” t’anong ni Estrella, na bahagya’ hinihingal.
’Nilabas uli’ ni Mang Jony iyong kahon’ abalone mula sa satchel niya. ’Pinakita sa lahat iyong mga kabibe’ gloriamaris at golden cowrie sa loob nung kahon.
“Your gifts,” bulalas ni Kahn.
“Special gifts,” ang s’abi ni Mang Jony. “Nadiskubre ko ’to nung nag-dinner tayo sa Loboc Riverwatch Resto. Nagagamit iyong gloriamaris para tawagin si Prinsesa Juana. Nagagamit naman iyong golden cowrie para tawagin si Prinsesa Leonora.” Kinuha niya iyong golden cowrie sa kahon at ’nilagay niya ’to sa kaliwa’ palad niya.
“Ang bango!” masayang puna ni HM. At, napuna rin ng lahat na para baga’ may nagsabog ng mamahalin’ pabango sa kapaligiran.
Tumanaw sila sa direksiyon’ pinanggagalingan nung hangin.
Nakita nila’ nakatayo ro’n, sa ibabaw nung tubig nung dagat at nung mga bula’ hagis-hagis nung mga alon sa buhangin, iyong marangya’ kaanyuhan ni Prinsesa Leonora. Lumutang iyong prinsesa’ papalapit sa kanila. Lumapag sa ibabaw nung isang malaki’ bato.
“Magandang gabi sa inyo’ lahat,” bati ni Leonora.
“Maganda’ gabi po sa inyo, Mahal Na Prinsesa,” bati ni Mang Jony, at bumati rin kay Leonora iyong mga kasama niya.
“Nababahala po’ mga kasama ko sa sabi-sabi nung mga tao tungkol sa asuwang na lumilibot sa Jagna,” ang s’abi ni Mang Jony. “Natatakot po sila’ baka maantala’ paghahanap sa kastilyo n’yo, at sa diyamante n’yo’ singsing na dapat po namin’ ibalik sa inyo.”
“Wala’ dapat ikabahala,” ngiti ng prinsesa. “Pagkat, wala’ asuwang.”
Hinaplos ni Leonora iyong malaki’ palawit na pilak na nakasabit sa liig niya at nakalapat sa dibdib niya. Hugis-ulo ng lobo ’to. Tinanggal ito ni Leonora at saka ’hinulog sa bato, sa paanan niya.
Wala’ ano-ano, nangiba’-anyo iyong palawit at nagi’ malaki at kulay-pilak na lobo.
Pumalakpak sa galak sina Kahn at HM.
“Ito si Lobo, iyong alaga ko,” paliwanag ni Leonora. “Siya rin iyong nagpagaling at lumigtas kay Prinsipe Juan, nung ihulog siya sa ilalim nung balon.”
“Kung gayon,” sambit ni Mang Jony, “si Lobo po iyong nakikita nung mga tao at napapagkamalan’ ‘asuwang’?”
“Siya nga.”
“At siya rin po ba iyong pumasok sa digging site?”
“Pinapatay ni Lobo lahat ng masasama’-loob,” ang s’abi ni Leonora. “May ’tinago’ mga perlas at hiyas iyong tao’ napatay. ’Di niya ’to ’binigay sa kinauukulan, at balak niya’ magnakaw pa.”
Para’ natulala sila’ lahat.
“Ipagpatuloy n’yo paghahanap sa kastilyo. Dal’in n’yo sa ’kin iyong diyamante ko’ singsing. Nasa kapangyarihan namin ni Juana’ magbalik sa ilalim nung balon, pero, ayaw namin’ magbalik iyong mga alaala’ namin do’n.
“’Di kayo mapapahamak kay Lobo.’Pinangako namin sa inyo, Mang Jony, na gagabayan namin kayo. Pero, sinabi rin namin, kaiingat kayo. Kaiingat lagi.”
Nagtaas ng ulo si Lobo, ngumuso sa buwan, at nagpakawala nung malakas at mahaba at makapangalisag-balahibo’ alulong. Lumuhod si Leonora para hagkan ’to, at muli ’to’ nagi’ palawit na pilak sa dibdib niya.
Naglaho si Leonora bago sila makapagpasalamat. Matagal sila’ tumanaw sa madilim na dagat. Si Estrella at si Rocky, para’ nabunutan ng tinik sa dibdib. Sina Kahn at HM, di mapigil iyong sigla.
Kinabukasan, nag-reconnoiter uli’ mga team sa Mayana. ’Di na pinapalitan ni Rocky si Melvin ng iba, kaya tatlo na lang iyong mga miyembro nung team ni Rusty.
Suhestiyon ni Rocky, tuunan nila ngayon iyong pinakamalakas na resulta nung motion sensors at nung radar machine. Haba’ ’sinasagawa iyon nina Rocky, Jack, Rusty, Albert, at Bob, binulatlat ni Tessa iyong dala niya’ mga photocopy nung Ikalawa’ Aklat ng Ibong Adarna.
“Nasa mga taludtod iyong kasagutan,” paulit-ulit na sinabi ni Tessa.
Hinanap nila’ mga taludtod na puwede’ makatulong sa kanila.
“Baka ito,” mungkahi ni Paolo:
“Ang bunganga ay makinis
batong marmol na nilalik,
mga lumot sa paligid
mga gintong nakaukit.”
“’Di iyan,” ang s’abi ni Tessa. “Description iyan nung entrance nung balon.
“Ang kailangan natin, landmark nung entrance.” At muli siya’ nagbasa.
Nagbasa sila’ lahat, pati na si HM, kahit hirap siya sa pagbasa ng Tagalog.
“Ito kaya,” iyong mungkahi ni Michelle:
“Ang lalo pang pinagtakha’y
ang nakitang kalinisan,
walang damo’t mga sukal
gayong ligid ng halaman.”
“Mahirap na landmark iyan,” komento ni Paolo. “’Tapos nung marami’ taon, sigurado’ iba’-iba na’ ’itsura nung labas nung balon.”
“’Di naman siguro ’to,” pasunod ni Kahn:
“Balo’y lubhang nakaakit
sa kanilang pagmamasid,
malalim ay walang tubig,
sa ibabaw ay may lubid.”
“Description iyan nung interior nung balon,” ang s’abi ni Tessa. “At sigurado’ nabulok na rin iyon’ natitira’ lubid na nakasabit do’n.”
Wala’ ma’alok si HM.
Ang s’abi naman ni Mang Jony, “Iyon kaya’ dalawa’ stanza bago no’n:”
“Noon din nga ay lumakad
bagaman tanghaling tapat
araw’y pagkatingkad-tingkad
nakapapaso sa balat.
“Inakyat ang kabatuhan
nang dumating sa ibabaw,
sa gitna ng kasabikan
ay may balong natagpuan.”
Binasa’ malakas ni Tessa’ mga taludtod. “Di ko gets,” pagtatapat niya.
Paliwanag ni Mang Jony, “Sa una’ stanza, binibigyan tayo nung time frame: kung tanghali’ tapat umakyat iyong mga prinsipe, sa’n sila aabutin bago nila maramdama’ nakakapaso sa balat iyong araw?”
“Isa’ oras?” suhestiyon ni Michelle.
“Dalawa?” suhestiyon naman ni Paolo.
“At, sa sumunod na stanza,” patuloy ni Mang Jony, “nakakita sila ng batuhan.”
“So maglalakad tayo mula paanan nung Mayana ’pag tanghali’ tapat,” s’abi ni Paolo. “’Tapos, ’pag nakaramdam na tayo ng pagod o kaya manghahapdi na’ balat sa init nung araw, dapat, makakita tayo nung batuhan.”
“O mga tuktok nung batuhan, kung natabunan na iyon,” dagdag ni Mang Jony.
“Sa’n po natin sisimulan?” t’anong ni Paolo.
“Suspetsa ko, northeast,” tugon ni Mang Jony, “mula direksyon nung Sierra Bullones. Iyon kasi’ direksyon’ pa-mainland.”
Mataas na iyong araw at wala’ kaulap-ulap, kaya, pumanaog sila sa paanan nung Mayana, sa direksyon’ hilaga-silangan, at sabay-sabay na umakyat na’ banayad ’tungo’ tuktok. Tinagaktakan sila ng pawis at nakaramdam sila ng lubha’ init sa katawan.
Tumuro si HM sa apat na magkalayo’ bato nang malapit na sila sa tuktok nung Mayana.
“Matataas na bato iyan,” haka ni Mang Jony, “pero, ibabaw na lang iyong nakikita natin.”
Agad-agad nila’ ’sinangguni kay Rocky iyong natuklasan nila. Mabilis sila’ pinuntahan ni Rocky. Sumang-ayon siya sa hinuha nina Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM. Kaya, nung hapon din’ iyon, umakyat iyong isa’ excavator para alisin iyong lupa sa gitna nung apat na bato. Tatlo’ mahaba’ araw iyong inabot bago lumantad iyong naroro’n. Nagpara’ apat na tore ng isa moog iyong matataas na bato. Sa gitna niyon, may mabilog na bato, makinis, na may dibuho’ nakapaikot sa palibot.
“Ang bunganga ay makinis/ batong marmol na nilalik,/ mga lumot sa paligid/ mga gintong nakaukit/,” b’igkas ni Tessa.
Naglabas nung mga pansukat si Jack at iyong team ni Rusty. May 30 piye iyong circumference, o kabilugan, nung balon. Nung pagkalaki-laki’ balon. May mas malaki pa’ bato’ nakapatong sa bunganga niyon.
Inabisuhin ni Rocky sina Governor Antimonio at Director Cobre sa kani-kanila’ cell phone. Nagpa-deploy iyong Governor ng sampu’ kawal ng Hukbo para magsilbi’ security sa magdamag. Malapit na kasi’ lumatag iyong gabi. Minabuti nila’ ituloy iyong pag-alis nung malaki’ bato’ nakapatong sa bunganga ng balon kinabukasan.
Tumuloy sa war room iyong tatlo’ team. ’Pinaliwanag nina Mang Jony at Tessa iyong maa’ri’ nila’ makita sa ilalim ng balon.
“Ano ba sa tula iyong Higante? Tsaka ano ba iyong Dambuhala?” tanong ni Jack.
“Matalinghaga iyong tula,” ang s’abi ni Tessa. “Puwede’ iyon iyong mga tinutukoy sa mga treasure hunting na mga bantay.”
“Kung mga talinghaga iyong Higante tsaka iyong Dambuhala, at bihag nila’ mga prinsesa, ano, sa tingin n’yo, iyong mga iyon?” t’anong ni Mang Jony.
“Drug addiction?” mungkahi ni Paolo.
“Kawala’-pag-asa?’ mungkahi naman ni Michelle.
“Seven Deadly Sins,” mungkahi ni Kahn.
“Lahat ng masama sa buo’ mundo,” mungkahi naman ni HM.
“Isa’ bagay iyong tiyak,” s’abi ni Rocky. “May kastilyo sa ilalim nung balon. Kung may kastilyo, may ginto at pilak.”
“At mga perlas at hiyas?” usisa ni Mang Jony. Pero, wala’ sumagot sa tanong na iyon.
“B’alik muna tayo sa napapanghawakan,” sundot ni Jack. “Buo’ umaga natin aalisin iyong malaki’ bato sa bunganga nung balon. Pagkapananghali, magse-set-up nung crane. Iyong mga una’ bababa, magsusuot nung body truss at body cam. Susukbitan nung safety line mula sa crane. Saka lang gagamitin iyong basket, na puwede sakyan nung lima, kasama iyong tools.” Bumaling siya kay Rocky. “Sir Rocky, bababa ba’ lahat ng team?”
Mariin’ tumango si Rocky. “’Pag secure na iyong site, oo. Once-in-a-lifetime experience ’to. Puwera si Bob, na mag-o-operate nung crane. At iyong naka-standby na medic. Maghahalinhinan sina Tessa, Michelle, Kahn, at HM sa pag-save sa laptop nung mga body cam feed at sa pag-monitor nung mga videocam sa tripod, mga sensors, at radar machine, pero, bababa rin sila.”
Pinag-usapan nila kung sinu-sino’ una’ bababa sa balon ’tapos maglaylay ng 360-degree security cam. Sina Jack at si Albert. ’Tapos, si Mang Jony at si Paolo.
Si Jack at iyong team ni Rusty lang iyong umakyat sa bundok nung magbuka’-liwayway. Matagal iyong nangyari’ pag-alis nung malaki’ bato sa bumanganga nung balon. Kinailangan ’to’ biyakin nung mga power drill. Sumilip sa site sina Estrella, Governor Antimonio, at Director Cobre, nag-usyoso, at kumuha ng mga litrato, pero ’di nagtagal iyong bawat isa at nagsibalik din sa kani-kanila’ opisina.
Matiyaga’ naghintay sina Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa ilalim nung malaki’ tent na ’tinayo nila para magsilbi’ on-site war room at imbakan nung anuman’ magigi’ excavation findings. Patuloy na ginalugad ni Mang Jony iyong teksto nung Ikalawa’ Aklat.
Ala una ng hapon natapos iyong clearing nung bato sa bunganga ng balon. Totoo’ kagila-gilalas iyong marmol na bunganga nung balon, na para’ malawak na swimming pool. Tumayo’ lahat sa gilid at tumingin sa kailaliman nung balon. Kahit maliwanag iyong araw, wala sila’ nakita kun’ ’di dilim.
Nagi’ matagal din iyong pagpuwesto sa lugar nung crane. Nagset-up ng running videocam si Rocky na magsisilbi’ exterior documentation. Si Michelle iyong namahala sa pagbantay ng feed nito sa isa’ laptop. Nagset-up ng mobile cam sa tripod si Kahn, na magla-live stream naman sa laptop ni Estrella, na nasa loob ng opisina niya.
Una’ ’binaba sa balon iyong infrared security cam. Pigil-hininga sila’ lahat na nagsiksikan sa likod ni Michelle at tumuon sa screen nung laptop.
“Ninety feet…120 feet…” basa ni Michelle. Patuloy na bumaba iyong security cam.
Tantiya nung lahat nung nasa war room sila, kung “tatlumpu’ dipa” iyong ’binaba ni Prinsipe Pedro bago siya ’di nakatagal, puwede’ doble niyon, o 60 dipa, iyong kabuuan’ lalim nung balon—o 180 piye, na ikakabali nga ng buto ng sinuman, kung mahulog siya.
Pero, bumaba pa nang bumaba iyong security cam. Nag-alinlangan na si Rusty kung sapat iyong haba nung kable nila.
Tumigil iyong security cam sa 220 feet. Lumapag iyong cam sa sahig na bato.
Naghintay sila nang ilan’ minuto.
Nag-monitor si Paolo sa motion sensors at si Albert sa radar machine. Wala’ napi-pick-up.
“Negative,” ang s’abi ni Paolo.
“Negative,” ang s’abi rin ni Albert.
Sa loob nung opisina niya, nataranta si Estrella nang magsimula’ mag-live-streaming iyong mga pangyayari sa expedition site. Nagpaliban siya ng tatlo’ appointment nung hapon’ iyon para lang masubaybayan iyong mga nangyayari. Pero, matagal siya’ naghintay. Matagal na matagal.
Nakadalawa’ tasa’ brewed coffee si Estrella bago siya nakakita ng pagkilos ng tao sa laptop screen. Hayun sina Jack at Albert. Sinusuotan ng mga body truss at body cam at kinakabitan ng mga safety line.
At mga oxygen tank.
Na, nangangahulugan’ malalim iyong balon. Malalim na malalim. Mas malalim pa sa inakala nila’ lahat.
’Sinungaling sa sarili si Jack kung ’di niya a’minin’ kinakabahan siya. Marami siya’ pinamunuan’ conservation project at expedition sa loob ng sampu’ taon niya sa Museum, pero, kaiba ’to sa lahat. Wala siya’ maaninag sa mukha ni Albert, pero baka kasi natatabingan din iyong ilong at bibig nito nung oxygen mask. Tinesting nina Rocky, Mang Jony, at Rusty iyong higpit nung mga truss at iyong tibay nung mga safety line. Nag-thumb-up si Jack. Nag-thumb-up din si Albert. Nagsimula sila’ ibaba sa balon.
Dahan-dahan sila’ ’binaba.
“Twenty feet…fifty feet…” basa ni Michelle sa laptop.
Pakiramdam ni Jack, ’nilulubog siya sa tubig. Sa mainit na tubig. Naglaro sa mga dingding nung balon iyong mga sinag nung suot nila’ helmet lights, pero ’di sapat iyong mga iyon para tabuyin iyong makapal na dilim.
“Ninety feet…” basa ni Michelle.
Nang bigla nila’ narinig iyong mga piyok nina Jack at Albert sa speakers.
“Abort!” hiyaw ni Jack.
“Abort!” hiyaw rin ni Albert.
Dali-dali’ hinila’ paakyat ni Bob iyong mga safety line. Umahon sina Jack at Albert sa bunganga nung balon, at lumugmok sa ibabaw nung malapad na marmol. Dinulungan sila ni Mang Jony, Rocky, Rusty, at nung medic. Kinalagan nung mga truss, oxygen tank, body cam, at safety line.
Sa loob nung opisina, nanlaki’ mga mata ni Estrella nang makita’ umahon sina Jack at Albert, nanghihina’t lupaypay.
Binuhat nung mga lalaki sina Jack at Rusty, dinala sa loob nung tent, at ’hiniga sa mga teheras. Kinunan sila ng blood pressure nung medic at sinuotan ng panibago’ oxygen mask na nakakabit sa mas malalaki’ oxygen tank.
“Hold,” anunsiyo ni Rocky sa mga team. “Tutal, dumidilim na.”
Nag-pack-up lahat at ’pinaubaya uli’ sa mga kawal iyong pagbantay sa site. Tumawag si Estrella kay HM sa mobile phone at ’tinanong kung ano ba’ nangyayari.
Nung gabi’ iyon, dinalaw ni Mang Jony sina Jack at Albert sa kuwarto nito sa hotel.
“Kumusta?” t’anong ni Mang Jony.
“Pagod, Mang Jony,” s’agot ni Jack. “Para’ ’galing sa mahaba’ biyahe.”
“Bakit kayo nag-abort? May nakita ba kayo sa loob?” usisa ni Mang Jony.
“’Di sa loob nung balon, Mang Jony,” tugon ni Jack. “Sa loob nung isip ko.
“Nung bumababa ’ko, bigla ko’ naala’la iyong buhay ko nung bata ’ko. Mga sampu hangga’ dose anyos. ’Di ’ko lumaki sa Bohol, Mang Jony. Lumaki ’ko sa Jaro. Lagi’ ’ko nangangarap nung iba’ buhay no’n. Pangarap ko, magi’ mayaman. ’Di ’gaya nung mga magulang ko na kuntento lang sa simple’ buhay. Nagi’ pasaway ako, Mang Jony. Nagi’ sakit ng ulo sa mga magulang ko. Nagnakaw ako para lang magkapera. Mi’san, nahuli ’ko’ nagnanakaw nung mga magulang ko. Pinarusahan ako. Naglayas ako, Mang Jony. Nagpunta sa Guimaras, sa Kalibo, sa Panglao. Kung kani-kanino ’ko sumama, para lang magkapera.
“Dito ’ko natuto’ maghanapbuhay tsaka magtapos, sa Bohol. ’Di na ’ko bumalik sa Jaro kahit nung isa-isa’ nagkasakit at namatay iyong mga magulang ko.
“Kinalimutan ko sa Bohol, Mang Jony, iyong pinanggalingan ko. Ewan ko kung ba’t pumasok bigla sa isip ko pagbaba ko sa balon.
“Para’ bumalik lahat nung kasalanan ko. Para ’ko’ pinaparusahan na para sa lahat-lahat. Para ’ko bumababa sa impyerno.”
“Anxiety attack,” ang s’abi ni Mang Jony sa banayad na tinig. Kay Albert: “Gano’n din ba’ nangyari sa ’yo, Albert?”
Pero, ’di sumagot si Albert. Bumiling lang para humarap sa dingding, at humagulgol.
“’Pahinga kayo,” ang payo ni Mang Jony. “Na-stress tayo’ lahat.”
Kinabukasan, si Mang Jony at si Paolo na iyong bumaba sa balon. Dahan-dahan’ ’nilabas ni Bob iyong mga safety line.
“Twenty feet…fifty feet…ninety feet…” basa ni Michelle.
Umabot sila sa 180 feet. At 220 feet. At lumapag sa patag na bato sa kailaliman nung balon.
Sa mga laptop at cam screen, kita’-kita nung lahat na nasa mabilog na espasyo sina Mang Jony at Paolo.
“Basket,” ang tinig ni Mang Jony sa mga speaker.
Marahan’ ’binaba ni Bob iyong basket, na naglalaman ng de-baterya’ emergency lights. ’Tinayo’t sinindihan nina Mang Jony at Paolo’ mga ito. Mas lalo’ nagliwanag iyong mga imahe sa mga screen.
Nasa ilalim sila nung malaki’ balon, kung sa’n magaspang pa rin iyong mga dingding. Sa isa’ gawi, may limestone tunnel na may haba’ 100 yarda, kung kaya, nasa loob sila ng kahungkagan’ hugis-elye.
“May limestone tunnel dito, iyong haba, nasa 100 yards,” ang s’abi ni Mang Jony. “Nakikita n’yo ba?”
“Oo,” s’agot nina Rocky at Michelle.
“Sa dulo no’n, may harang. Sala-salansan’ bato. Para’ barricade. Nakikita n’yo rin ba?”
“Oo.”
“Dapat, alisin natin iyong blockage. Para makita natin kung ano’ nasa likod no’n.”
“Go,” anunsiyo ni Rocky.
In’akyat ’uli ni Bob iyong basket. Muli niya’ ’binaba sakay-sakay sina Rusty, Tessa, Kahn, at HM, at isa’ crate na naglalaman nung mga drill, pait, maso, piko, at pala. ’Di muna pinahintulutan nung medic na bumaba sina Jack at Albert.
Pinagtulungan nila’ alisin iyong harang. Mabigat iyong limestone, kaya inabot iyong mga team ng ilan’ oras bago nila maialis iyong harang sa tunnel. Kinailangan din’ mag-replenish nung mga oxygen tank, na isinagawa’ tatlo’ ulit. Inakyat-baba ni Bob iyong basket. Sa muli’ pagbaba, kasama na si Rocky at mga botelya’ mineral water.
Bumagsak iyong huli’ salansan’ bato. Bigla’ umihip iyong sariwa’ hangin, na pinagtakhan nila’ lahat. Isa-isa sila’ nagtanggalan nung oxygen tank. Saka sila tumuloy sa nasa likod nung harang.
Namangha sila’ lahat sa nakita. Nasa loob sila nung malaki’ chamber na halos kasinlaki at kasintaas nung Mayana. Sa pinakagitna no’n, may matayog na ’struktura’: dalawa’ kastilyo’ pinagpatong. Nagniningning iyong mga kastilyo. Iyong kastilyo sa ’baba, gawa sa lantay na ginto. Iyong kastilyo sa ibabaw, gawa sa lantay na pilak.
“Kastilyo’ ginto ni Prinsesa Juana, kastilyo’ pilak ni Prinsesa Leonora,” bulong ni Mang Jony.
“Wow!” bulalas ng magkambal.
“Michelle, copy?” t’anong ni Rocky.
“Copy,” s’agot ni Michelle sa ibabaw ng digging site.
Sa loob nung opisina, nakadalawa’ tasa’ uli’ ng brewed coffee si Estrella.
Nagsimula’ magsukat at kumuha ng mga litrato sina Rocky at Rusty. Tinulungan sila ni Tessa. Inabot din sila ng oras sa laki nung lugar.
“Jack, Albert?’ t’anong ni Rocky sa speaker phone.
“Yes, boss,” s’agot ni Jack sa ibabaw ng digging site.
“Sensors?”
“Negative, boss,” s’agot ni Jack. “Iyong napi-pick lang, kayo.”
“Radar?”
“Negative,” s’agot ni Albert. “Kayo rin po’ napi-pick up ko.”
Pinagmasdan ni Rocky iyong kabuuan nung lugar, ’tapos, ang s’abi niya sa mga kasamahan niya,
“’Pagpapabukas natin iyong pagpasok sa mga kastilyo. Magdadala tayo nung mas sophisticated na—tools.”
“Ano’ klase tools?” usisa nina Mang Jony at Tessa.
’Nilayo ni Rocky sina Mang Jony at Tessa para ’di siya marinig nung dalawa’ bata. “Ano’ nakikita n’yo sa mga dingding at kisame ng chamber?” t’anong ni Rocky.
Hinagod ng tingin nina Mang Jony at Tessa iyong buo’ kapaligiran.
“Caves,” s’agot ni Tessa.
“Mga bunganga nung iba pa’ tunnel,” s’agot ni Mang Jony. “Para’ iyong mga tirahan sa matataas na bangin nung mga Anasazi, nung una’ panahon, sa Arizona. Sa pagitan iyon nung 200 at 1300 C.E.”
“Eksakto,” ang s’abi ni Rocky. “Dapat, maniguro tayo. ’Di pupuwede’ papasok tayo rito na’ para lang pumapasok sa museum o art gallery. An’ dami’ kuweba niyan. Kailangan, handa tayo sa lahat ng klase’—intervention. Bukas, ’dadala tayo ng mga high-power weapon.”
Sa bahay ni Rocky sila’ lahat naghapunan nung gabi’ iyon. Dumalo rin sina Estrella, Governor Antimonio, at Director Cobre. Pinagpasa-pasahan nila’ mga larawa’ electronic na k’uha nung mga team. ’Minungkahi ni Director Cobre na huwag galawin iyong mga kastilyo at iyong mga nilalaman nito, maliban sa diyamante’ singsing ni Leonora, na, ayon sa ’p’aliwanag ni Mang Jony, kailangan’ ibalik sa prinsesa.
“Isa na’ ’to’ conservation project,” ang s’abi ng director. “’Di na ’to treasure hunt.”
Sumang-ayon lahat. Nagpahiwatig sina Estrella, Governor Antimonio, at Director Cobre na ibig din nila’ makababa sa balon para makita iyong mga kastilyo.
“All in good time,” s’agot ni Rocky. “’Pag sigurado na tayo’ wala’ panganib.”
Iyong mga lalaki lang iyong ’pinababa ni Rocky sa balon nung sumunod na araw. ’Di niya pinayagan iyong magkambal pagkat mga menor de edad. Kaya, sina Tessa, Michelle, Kahn, at HM iyong humawak sa motion sensors, sa radar machine, sa laptop, at sa mga videocam.
Una’ sumakay sa basket sina Rocky, Mang Jony, Jack, at dalawa’ crate na naglalaman ng high-power rifles at ammunition. Sumunod sina Rusty at Albert, na ’binaba rin ni Bob.
Natigagal sila paglapag sa sahig nung balon. Hirap sila’ huminga. Wala na’ sariwa’ hangin na dumadaloy mula sa chamber. Nagbalik kasi iyong mga salansan’ bato na nakabarikada sa entrada nito. Galit sana’ ’pagtatanong ni Rocky kung may mga kawal na bumaba nung nakaraan’ gabi, pero naala’la niya na may lock iyong crane, nakakandado lahat nung equipment, at wala’ mangangahas na bumaba sa balon’ gano’n kalalim.
Nagpababa uli si Rocky nung mga oxygen tank at digging tools. Inabot sila na’ maghapon bago muli’ na-clear iyong entrada nung chamber. Wala sila’ imik, pero, iniisip nung bawat isa sa kanila kung sino’ nagbalik nung mga salansan’ bato.
“Iyong higante?” inisip ni Mang Jony.
“Sensors, radar. May napi-pick-up ba kayo?” bigkas ni Rocky sa radio.
“Negative. Kayo lang po,” s’agot ni Kahn mula sa ibabaw ng digging site.
“Negative. Kayo lang po,” s’agot naman ni HM, na nasa ibabaw rin ng digging site.
Nagtig-isa sila’ sandata na’ pumasok sa kastilyo’ ginto, iyong kastilyo ni Prinsesa Juana.
Yari sa ginto lahat nung bagay sa loob nung kastilyo, mula muwebles hangga’ pinakamaliit na kasangkapan. Karamihan sa mga ’to, pinalamutian nung mga perlas at iba’ iba’ hiyas. Tumuloy sila sa malaki’ bulwagan nung kastilyo. Do’n nila natagpuan iyong kalansay nung Higante.
“’Lakin’ tao n’to,” bulalas ni Albert.
Nag-radio si Rocky kay Bob na magbaba ng litter at malaki’ body bag. Nagkasya iyong kalansay nang paghiwa-hiwalayin iyong mga buto. Agad-agad ’to pinadala ni Jack sa National Museum branch ng Tagbilaran. ’Pinadala naman ito ni Director Cobre sa laboratory ng National Museum sa Maynila.
“May kapatid kaya ’to?” t’anong ni Albert. May nerbyos.
’Tapos nila’ ikutin iyong kastilyo’ ginto, minabuti ni Rocky na inspeksiyunin nila iyong iba’ mga tunnel na pumapalibot sa chamber.
“Sensors, radar, standby,” bigkas uli ni Rocky sa radio. “Papasok kami sa mga tunnel.”
“Roger,” tinig ni Kahn.
“Roger,” tinig ni HM.
Naghiwa-hiwalay sila’t tumuloy sa mga kuweba, simula sa mga tunnel na nasa ibaba. Ilan sa mga kuweba, wala’ laman. Pero, nakakita sila nung lima pa’ kalansay na higante, at tatlo’ kalansay ng karaniwan’ tao.
Nagpababa uli’ nung litter at mga body bag si Rocky. ’Sinilid nila’ mga kalansay sa mga ’to, at ’pinadala uli sa Museum.
“Anim na kalansay na higante, tatlo’ kalansay ng tao,” ang s’abi ni Jack. “Bihag kaya iyong mga tao nung mga higante?” Umakyat siya sa mataas na hagdan’ ’tungo sa kastilyo’ pilak, sandali siya’ sumilip sa mga bintana, kinatok iyong mga pader, at bumaba na naman.
“Patay na kaya lahat nung higante?” t’anong ni Rusty. “O may mga buhay pa’t nagtatago?”
“Marami’ palaisipan,” ang s’abi ni Rocky. “May teorya ba kayo, Mang Jony?”
“Hintayin natin iyong lab results,” s’agot ni Mang Jony. “Pero, may teorya ako.”
Ayaw nila’ maabutan uli’ ng gabi. Dinurog nila iyong mga batong limestone sa entrada nung chamber para ’di na uli’ magi’ sagabal kung sakali. Saka nila ’binalik iyong mga riple sa loob nung mga crate, at iyong mga oxygen tank at digging equipment.
May buwan na sa langit nung umahon sila.
Naghapunan sina Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa Residence nung gabi’ iyon. Si Jack, umuwi sa boarding room niya sa Tagbilaran. Sina Rusty, Bob, at Albert, naghapunan ng street food bago bumalik sa kuwarto nila sa Alona Beach Hotels. Dalawa’ oras sila’ nag-work-out sa gym nung hotel, ’tapos, lumangoy sa dagat.
Korean dinner iyong handa sa Residence. ’Pinakita ni Estrella’ mga family album nila sa mga bisita pagkatapos. Masasaya lahat nung nasa mga litrato, na kinuha sa iba’ iba’ okasyon—mga birthday, mga children’s party, mga graduation. Nasa mga litrato’ ama nina Kahn at Michelle.
Naglaro sila ng Bingo, ’tapos, sina Paolo, Michelle, Kahn, at HM, nung board game na Monopoly. Nag-brewed coffee sina Mang Jony, Estrella, at Rocky haba’ pinapanood iyong mga bata. Napuna ni Mang Jony na, sa paglalaro nung board game, mas agresibo si HM kaysa kay Kahn.
Banda’ 11:00 ng gabi, umahon na sa dagat sina Rusty at Bob. Ang s’abi ni Albert, susunod na lang siya. Tumuloy sina Rusty at Bob sa jacuzzi ng mga lalaki sa likod nung hotel. Nasa steam room na sila at naiinip, pero, ’di pa rin sumisipot si Albert.
Hinatid ni Rocky sina Tessa, Paolo, at Michelle sa Alona nung sandali’ iyon. Nasalubong nila sa mga bato’ hagdan sina Rusty at Bob.
“Si Albert?” t’anong ni Paolo.
“Hinahanap nga namin, eh,” s’agot ni Bob.
Lampas hatinggabi na nang alertuhin nung security’ hotel management. May late-night swimmer na nakahandusay sa dalampasigan. May isa’ oras na ’to’ patay.
“Nalunod?” tanong nung night assistant manager.
“Hindi po,” s’agot nung mga taga-security. “Para’ kinagat ng pating.”
Pagdating nung mga pulis, para’ nakita uli’ nila’ bangkay ni Melvin Azogue. Para’ tinungkab nung hayop iyong liig.
Mabilis iyong nangyari’ pag-imbestiga sa pagkamatay ni Albert Estano. Iyong ’nilagay sa police report, kinagat siya ng pating. Nag-information blackout uli, sa hiling ni Governor Antimonio. Pero, sa mangilan-ngilan’ nakakita sa bangkay ni Albert, naglaro uli sa isip nila’ salita’ “asuwang”.
Inasikaso uli’ ni Rocky lahat-lahat, ’gaya nung ginawa niya nung namatay si Melvin. ’Di naman naantala’ conservation project. Iyong aksidente kasi, nangyari off-site.
Sinamahan ni Mang Jony sina Rocky, Rusty, at Bob sa morge.
“Sino po sa inyo’ in-charge?” t’anong sa kanila nung pathologist.
“Ako po,” ang s’abi ni Rocky.
Nagtanggal ng guwantes iyong pathologist, nagbukas ng filing cabinet, at nag-abot ng maliit na sisidlan’ Ziploc kay Rocky. “Nahanap po namin sa loob nung suot niya’ underwear,” ang s’abi nung pathologist.
Sa loob nung sisidlan’ Ziploc, may dalawa’ makikinang na perlas. Gano’n iyong mga perlas na nakita nila’ sa loob nung kastilyo’ ginto.
Wala na’ pinagtakhan pa sina Mang Jony at Rocky kung pa’no at kung bakit namatay si Albert Estano.
Nung una’ gabi ng burol ni Albert sa Santander, ’pinatawag ni Governor Antimonio sina Estrella at Rocky at iyong team ni Mang Jony sa private office niya. Pilit ’sinama ni Estrella sina Kahn at HM. “Kasama sila sa project,” ’giniit niya. “Mga anak ko sila.”
Nang maupo sila’ lahat sa loob nung private office, ’sinara’t kinandado nung governor iyong pintuan.
“Tungkol ’to sa mga kalansay na nahanap n’yo,” ang s’abi ni Governor Antimonio.
“Bumalik na iyong report sa lab. Maliban sa una’ higante’ nakita n’yo, natural causes iyong ’kinamatay nung lima’ higante. Tatlo, calcium deficiency, common kasi iyan sa malalaki’ tao, nagigi’ marupok iyong buto. Isa, pulmonya. Isa, starvation.”
“Starvation?” Nagkunut-noo si Tessa.
“Iyong resulta nung radiocarbon dating, iyon iyong huli’ higante’ namatay. Nabuhay siya ng anim na buwan ’tapos mamatay nung tatlo’ babae’ ’kinasama nila.”
“Babae’ ’kinasama?” si Estrella naman iyong nagtanong.
“Babae’ iyong tatlo’ kalansay. Siguro, iyong salita’ gagamitin natin, ‘bihag’. Pero, wala raw indications na inapi o binugbog o minaltrato iyong tatlo. Malamang, nanilbihan sila. Para’ mga asawa.”
“Sila siguro iyong lumalabas para kumuha ng pagkain at ibalik sa mga kuweba,” s’abi ni Paolo.
“’Di ’gaya ni Prinsesa Juana, na nakakapagparating ng pagkain dahil sa magica,” dagdag ni Michelle.
“May ulat din,” dugtong ni Governor Anitmonio, “na ’di mimi’san’ nagbuntis iyon’ tatlo’ babae, pero lagi sila’ nagka-miscarriage.
“Gano’n kaya’ nangyari kay Prinsesa Juana?” t’anong ni Estrella.
“Ang mahihinuha lang natin, batay sa mahaba’ tula,” ang s’abi ni Mang Jony, “tumayo lang iyong Higante’ tagabantay ni Prinsesa Juana at nung kastilyo.”
“May isa pa kayo’ dapat malaman,” dugtong ni Governor Antimonio bago sila nagsibangon at nagsipaalam. “Iyong DNA nung mga higante, ’di DNA ng karaniwan’ tao. S’abi nung mga technician, wala’ DNA na gano’n sa buo’ mundo.”
“Nephilim!” sabay-sigaw nina Kahn at HM.
“Kung Nephilim nga sila,” ang s’abi ni Mang Jony, “dito sa Bohol sila napadpad, sa Pilipinas. Sila na rin siguro’ mga huli’ Nephilim na nangabuhay sa Pilipinas. At nangamatay.”
Bilin ni Governor Antimonio sa kanila, “Wala na sa National Museum iyong mga kalansay. Nasa pag-iingat na ng Armed Forces at ng Office of the President. Top secret ’to. Wala kayo’ dapat sabihan. Kung may sabihan man kayo, wala’ maniniwala sa inyo, at pabubulaanan lahat nung sasabihin n’yo. Kasi, wala na’ ebidensya.”
Pinatuloy iyong conservation project pagbalik nina Rusty at Bob mula Santander. Mga lalaki uli’ pinababa ni Rocky sa balon: siya at sina Mang Jony, Jack, at iyong dalawa’ crate na naglalaman nung high-power rifles at ammunition sa una’ basket, at sina Paolo at Rusty at iyong digging tools sa ikalawa. ’Gaya nung dati, naiwan sa ibabaw si Bob, na nagmamaneho nung crane, sina Tessa at Michelle sa mga laptop, at sina Kahn at HM sa sensors at sa radar machine.
Wala na’ harang sa entrada nung chamber, pero, pagtanggal nila nung kani-kanila’ oxygen mask, napansin nila na may masama’ amoy na para’ panis na pagkain. Nagtigi-tigisa sila’ high-power rifle at ilan’ round ng ammunition.
May matataas na hagdan sa kaliwa’t kanan nung dalawa’ kastilyo. Umakyat sila’t pumasok sa kastilyo’ pilak ni Prinsesa Leonora, kung sa’n naman gawa sa lantay na pilak lahat nung muwebles at kasangkapan.
Tumuloy sila sa malaki’ bulwagan, kung sa’n nakabulagta’ kalansay nung Dambuhala. Nagkalat sa paligid nito’ pito’ pugot na bungo.
Nagpababa uli’ si Rocky nung litter at mga body bag. Duon nila ’sinilid iyong kalansay at mga bungo, saka pinaakyat ni Rocky at ’pinadala uli’ sa Museum.
Umakyat sila sa dati’ silid-tulugan nung prinsesa. Do’n nga, nakapatong sa ibabaw nung tukador, iyong isa’ ubod ng ningning na diyamante’ singsing.
Marahan’ lumapit si Mang Jony sa tukador. Maingat na pinulot iyong singsing. ’Tinaas ’to para makita nung lahat, at para’ niliyaban ng puti’ apoy iyong diyamante. Nagsabog iyon ng liwanag sa silid-tulugan.
“Iyong singsing ni Prinsesa Leonora!” sambit ni Rocky.
Maingat na ’pinasok ni Mang Jony iyong singsing sa loob nung safety bag na nakasabit sa liig at nakasinturon sa dibdib niya.
Pumapanaog na sila sa hagdan nang bigla’ tumunog iyong radio ni Rocky.
“Uncle Rocky!” hiyaw ni Kahn, na nakatingin sa monitor nung isa’ sensor. “Positive motion, sa three o’clock position mo!”
“Positive, Uncle Rocky!” hiyaw rin ni HM. “Nasa loob nung isa’ tunnel, papalapit diyan! May heartbeat, may hininga!”
Tumalima’ lima’ lalaki at agad nag-asinta nung mga riple sa direksiyon’ ’tinukoy nung magkambal. Do’n nga, sa bunganga nung isa sa mga limestone tunnel, sumulpot iyong isa’ itim na dambuhala. Para ’to’ malaki’ at maliksi’ bayawak na pito iyong ulo. Nanlilisik iyong mga mata nung dambuhala. Nagngangahan iyong mga bunganga nung pito’ ulo. Tumambad iyong marami nila’ matatalas na pangil. Sabay-sabay nag-iritan iyong mga ulo, malakas at para’ mga pitada ng pito’ tren.
Sabay-sabay rin’ nagputukan iyong mga high-power rifle. Naka-automatic iyong bawat isa, kaya sunud-sunod iyong bala’ bumaon sa katawan nung dambuhala. Pero, ’gulantang sila’ nang makita’, paglaslas nung mga bala sa katawan nung dambuhala, agad-agad din’ gumaling iyong mga sugat nito.
Umirit uli’ na’ para’ pahalakhak iyon’ pito’ ulo nung dambuhala.
Sa ibabaw ng digging site, naparalisa sina Tessa, Kahn, HM, at Bob sa lahat nung nagaganap sa laptop screen. Mistula’ may giyera sa ilalim ng lupa. Malalakas iyong putok ng riple, at umalingawngaw iyong mga iyon sa mga dingding na bato. Malakas din at maalingawngaw iyong mga irit nung dambuhala.
’Binaba ni Bob iyong basket para madali’ makaakyat iyong mga team, kung sakali.
Narinig uli’ mga tinig nina Kahn at HM sa radio.
“Uncle Rocky!” s’igaw ni Kahn. “Positive for motion sa mga tunnel!” Nagbilang siya. “Three…seven…twelve iyong pick-up ko!”
“Gano’n din sa radar, Uncle Rocky!” s’igaw naman ni HM. “Marami sila!”
Lumakas iyong amoy na panis na pagkain sa loob nung chamber.
“Retreat!” hiyaw ni Rocky.
Umurong iyong lima’ lalaki papunta’ entrada nung chamber, haba’ patuloy nila’ pinupuntirya ng mga riple’ dambuhala.
Nasa tunnel na sila papunta’ lapag nung balon. Sumunod sa kanila iyong dambuhala. Mi’san ’to’ umika at nadapa. Patuloy siya’ pinatamaan ng bala nung mga lalaki. Pero, agad-agad pa rin’ gumaling iyong mga sugat nito.
Tumalon sa basket iyong mga lalaki, dala-dala’ mga armas nila. Dali-dali’ pinaandar ni Bob iyong crane at in’akyat iyong basket. Sinikap sila’ dakmain nung dambuhala. Umakyat ito nang may sampu’ piye sa magaspang na dingding nung balon. Patuloy siya’ pinaulanan nung mga bala ni Rusty.
Muli’ umirit iyong dambuhala. Para’ nanlata. Nagpatihulog sa lapag nung balon at nagbalik sa chamber. Dinig na dinig nung lahat iyong kayod sa bato nung matatalas niya’ kuko.
Napaisip si Mang Jony haba’ in’aakyat ni Bob iyong basket. Bakit para’ nagdalawa’-isip iyong dambuhala na sundan sila sa labas nung chamber? Bakit ’to umika at nadapa sa loob nung tunnel? Bakit ’di ’to patuloy na nakaakyat sa balon?
Kung ’di ’to nagagapi sa pamamagitan ng armas, pa’no siya tatalunin? Kung agad-agad gumagaling iyong mga sugat na dinudulot sa kaniya, pa’no siya’ papatayin?
Pag-ahon nila sa balon, mahigpit na yumakap sina Kahn at HM kay Rocky. Hinagkan ni Tessa si Mang Jony, at nagngitian sina Paolo at Michelle.
Natulog sina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle sa Residence nung gabi’ iyon. Marami kasi sila’ ’nirepaso’t pinag-usapan sa mga nangyari. ’Tapos maghapunan, bumagsak na sa mga kama sa loob nung guest room sina Mang Jony at Rocky. Sina Tessa at Michelle, ’nilagay ni Estrella sa spare bedroom sa ikalawa’ palapag. Si Paolo naman, nakitulog sa kuwarto nung magkambal.
Tahimik iyong gabi. Lahat, nakatulog na’ mahimbing.
Madilim na sa buo’ bahay. Sa una’ palapag, umingit at nagbukas iyong screen door sa likod nung bahay. Lumagutok iyong kandado nung pinto sa likod nito. Pumasok iyong isa’ anino. Tumawid sa malaki’ kusina. Para’ itim na pusa’ tumuloy sa kumedor. Lumiko sa isa’ pasilyo, ’tungo sa guest room na kinatutulugan nina Mang Jony at Rocky.
Naglabas nung mobile iyong anino mula sa bulsa niya. Sininagan nung malamlam na ilaw iyong kaliwa’t kanan niya. Sa labas nung pinto nung guest room, nakalapag iyong satchel ni Mang Jony. Nakapatong sa ibabaw no’n, isa’ document folder. Nakapatong naman sa ibabaw no’n iyong security bag.
Sa loob nung kuwarto niya, nanaginip si Estrella. Sakay-sakay siya nung isa’ space ship. Matagal siya’ naglakbay sa kalawakan.
Lumapag iyong space ship sa isa’ malaki’ buwan ng isa’ malayo’ planeta, planeta’ iniikutan ng marami’ buwan. Malayo sa araw at mga bituin iyong planeta’ iyon, kaya, madilim at maginaw.
Lumabas sa space ship si Estrella. Sumilip siya’t tumingin sa paligid niya. Para rin’ sa lupa’ minulatan niya. May mga bundok. May mga ilog at dagat. Pero, wala’ mga tao. Sa halip no’n, malalaki’ butiki lahat nung nilalang. Mahahaba’ buntot, matatalas iyong pangil. Pito-pito’ ulo nung bawat butiki. Malalaki’ ulo. Bawat ulo, nagtataglay ng malaki’ utak. Nanlilisik iyong mga mata nung mga butiki. Mga mata’ nagpapahiwatig ng ubod na talino at ubod na dunong.
Bigla’ nagising si Estrella nung marinig niya’ pahalinghing na tinig nung mga katulong mula sa una’ palapag. Dali-dali siya’ nagsuot ng bata’t pumanaog sa hagdan.
Naro’n sina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, Michelle, at iyong magkambal. Naro’n din iyong security guard at mga katulong nung Residence.
“Pinasukan tayo,” abiso ni Rocky kay Estrella.
Nabahala si Estrella. “Ano’ kinuha?” Nakita niya’ panay iyong kuha ng litrato nina Paolo, Kahn, at HM sa iba’ iba’ lugar sa loob nung bahay.
“Iyong bago’ cutlery set n’yo, madam,” iyak nung cook.
“Pati po iyong computer na nasa loob nung den,” iyak naman nung house cleaner.
Nakita ni Estrella’ nakasambulat sa sahig iyong mga gamit ni Mang Jony. “Mang Jony?”
“Pera lang,” s’agot ni Mang Jony. “Hinalughog nung magnanakaw iyong mga gamit ko, pero, wala siya’ iba’ kinuha.”
“Umakyat ba?”
“’Di po, madam,” ang s’abi nung security guard.
“Wala ka ba’ nakita? Ano’ oras nangyari ’to? Nakatulog ka ba? Pa’no nakapasok dito’ magnanakaw?” sunod-sunod na tanong ni Estrella sa security guard.
Namumula sa hiya iyong security guard. “Tatlo’ beses po ’ko’ nag-patrol kagabi, madam. ’Tapos, nag-stationary po sa outpost. Banda po’ madali’-araw, nag-patrol po uli ’ko. Nakita ko na po’ bukas iyong screen door, tsaka sira na po iyong lock.”
“I-report mo ’to,” utos ni Estrella. “Alamin mo kung pa’no tayo’ napasukan. Ayoko na’ mangyari iyan.”
“Yes, madam.”
Inutusan ni Estrella iyong cook na maghanda agad ng agahan. Kumaripas papuinta’ kusina iyong mga katulong. Tumuloy sina Mang Jony, Estrella, Rocky, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa dining room.
“I’m so sorry this happened, Mang Jony,” p’aumanhin ni Estrella haba’ dinudulutan sila ng brewed coffee at mango juice.
“No problem,” s’agot ni Mang Jony. Para’ ’di man siya naano sa nangyari.
“Naala’la ko iyong sinabi nung prinsesa, ‘Kaiingat kayo. Kaiingat lagi.’” Pinangaligkigan Estrella.
Paulit-ulit nila’ pinanood iyong footage nung mga CCTV. Nakaitim iyong magnanakaw, naka-hood na itim, maliit at balingkinitan iyong katawan. Malayo sa laki nung katawan nina Rusty at Bob at magi’ nung security guard.
“Para’ binatilyo lang,” puna ni Rocky. “Para’ kasing-edad lang nina Kahn at HM.”
“An’ lakas naman nung loob niya,” ang s’abi ni Estrella. “Ito pa iyong bahay na pinili niya’ nakawan.”
Ngumiti si Mang Jony. “’Di ikaw iyong pinagtangkaan niya’ nakawan, kun’ ’di ako.” ’Nilabas niya iyong diyamante’ singsing, na ’tinali niya ng matibay na nylon cord sa liig niya.
“Sinadya n’yo’ iwan iyong gamit n’yo sa labas nung guest room!” ang s’abi ni Paolo.
“Patibong,” tango ni Mang Jony. “Alam ko kasi’ mahuhuli rin siya, at ma’babalik din iyong mga ninakaw niya. Mamaya’ gabi,” dagdag niya, “makipagkita uli’ tayo kay Prinsesa Leonora. Para ’bigay iyong singsing.”
“’Sangguni rin natin kung pa’no malilipol iyong mga dambuhala,” ang s’abi ni Rocky.
“Sa kaniya,” ang s’abi ni Mang Jony, “at sa kaibigan natin’ Ermitanyo.”
Masigla sila’ nag-agahan ’tapos no’n. Naghanda’ pumasok sa opisina si Estrella. Sina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM, sumakay sa van at nagbalik sa Corella.
Marami’ turista sa Tarsier Sanctuary nung umaga’ iyon, pero, iniwan sila ni Joannie Mary nung makita nito’ dumating sila. Dinala uli’ sila ni Joannie Mary sa loob nung sanctuary. Magpho-photo-op uli’ sana sina Tessa, Michelle, at iyong magkambal, pero, mailap iyong mga tarsier at panay iyong tago sa ’taas nung mga punungkahoy.
“’Di sila mapakali nito’ mga araw,” malungkot na paliwanag ni Joannie Mary. “S’abi nung mga caretaker, kahit ku’ gabi, nag-iingay sila.”
“Normal ba iyon?” t’anong ni Mang Jony.
“Actually, hindi,” s’agot ni Joannie Mary. “Gano’n lang sila ’pag nagagalit, o ’pag may ayaw sila.”
Lumapag iyong isa’ tarsier sa balikat ni Joannie Mary.
“Hello, Bro!” bati ni Joannie Mary sa tarsier.
Sumiyap si Bro na’ matagal, na para ba’ may sinasabi kay Joannie Mary.
“Hello, Bro!” bati ni Tessa.
“Hello, Bro! Hello, Bro!” bati naman nina Paolo, Michelle, Kahn, at HM.
Nagi’ mas malakas iyong siyap ni Bro. Para’ paslit na may pilit hinihingi sa kanila.
“Naiintindihan mo ba’ sinasabi niya?”
“I wish,” ngiti ni Joannie Mary. “Iyong alam ko lang, masaya siya. Siguro, excited siya’ makita uli’ kayo.”
Tuwa’-tuwa sina Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa linggit nung katawan ni Bro at sa malalaki’t mabibilog nito’ mga mata.
“Para’ koala bear,” s’abi ni Kahn.
“Para’ owl,” s’abi ni HM.
Sa hiling ni Mang Jony, ’hinatid sila ni Joannie Mary sa souvenir shop. Hinintay nina Mang Jony’ numipis iyong mga turista bago niya’ ’lapitan iyong matanda’ shopkeeper.
“’Ganda’ umaga po,” bati ni Mang Jony.
“’Ganda’ umaga rin po,” sukli nung matanda.
Dagdag nung matanda, “Alam ko’ darating ka.”
Dinala nung matanda si Mang Jony sa kahuyan na nasa kabila nung hanging bridge, para’ wala’ makaistorbo sa kanila.
’Sinalaysay ni Mang Jony sa matanda iyong lahat-lahat nung naganap, mula nung una’ magpadala ng e-mail sa kaniya si Rocky.
“Bibigyan kita ng dalawa’ susi,” ang s’abi nung matanda. “Iyon lang iyong tulong na ma’bibigay ko sa ’yo. An’ lahat, nakasalalay sa talino’t dunong ng tao, sa tibay nung loob niya, at sa kakayahan niya’ makipagsapalaran at lumaban. Nakasalalay sa inyo, Mang Jony. Hindi sa ’min.
“’Eto’ una’ susi,” ang s’abi uli’ nung matanda, at nagbigkas siya ng mga taludtod mula sa mahaba’ tula:
“Don Juan ay naririto
ang mabagsik na balsamo,
na sa bawa’t isang ulo
mapuputol, ibuhos mo.”
“’Eto iyong ikalawa’ susi:
“Saan ang katotohan kung ang lalaki, nagiging babae, kung ang babae, nagiging lalaki?”
Napaupo sa damuhan si Mang Jony at napaisip na’ malalim. Mambunong, mama-oh. Lalaki, babae. Babae, lalaki.
Baligtaran? Yin at yang? Gabi at araw? Liwanag at dilim?
Tumingala si Mang Jony, pero, wala na ro’n iyong matanda. Naglaho na’ para’ bula.
Pagbalik sa Tagbilaran, pumili sila ng lugar kung sa’n nila puwede’ kausapin si Prinsesa Leonora.
“Sa Chocolate Hills,” suhestiyon ni Rocky. “Wala na’ mga turista ro’n paglubog nung araw. Puwede natin’ ipa-sequester sandali iyong viewing deck.”
Dalawa’ oras umambon ’tapos lumubog ng araw. Banda’ alas siyete ng gabi, nagtungo sina Estrella, Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa Carmen. ’Pinasindi ni Estrella iyong viewing lights nung Chocolate Hills, at ’pinagbawal niya iyong personnel na magpapasok kaninuman hanggat ’di sila umaalis. ’Paliwanag niya, magvi-videotape sila ng interview para sa isa’ documentary.
Nagi’ tahimik sa buo’ paligid. ’Nilabas ni Mang Jony iyong golden cowrie, saka sila naghintay.
Nakita nila si Prinsesa Leonora sa ibabaw ng Chocolate Hills. Lumutang ’to’ papalapit sa kanila at saka lumapag sa viewing deck. ’Nilabas ni Mang Jony iyong diyamante’ singsing at tinanggal ito sa pagkakatali sa nylon cord. In’abot niya iyong singsing sa prinsesa.
’Sinuot ni Leonora iyong singsing sa kaliwa niya’ palasingsingan. “Marami’ salamat, Mang Jony. Marami’ salamat sa inyo’ lahat. Ito lang iyong ibig ko’ ariin mula sa kastilyo.”
“Wala po’ anuman,” ang s’abi ni Mang Jony.
“Mahal Na Prinsesa,” simula ni Rocky, “’di po namin alam kung pa’no lilipulin iyong mga dambuhala. Wala po kami’ engkanto’ puwede’ gamitin.” Dugtong niya, “Ano po ba iyong balsamo’ ’binigay n’yo kay Prinsipe Juan, at sa’n po kami makakakuha nung gano’n?
“Ma’ari lang kami’ magsilbi’ gabay,” tugon ng prinsesa. “Matagal n’yo na’ alam kung ano iyong balsamo.”
Napatingin sila sa isa’t isa. Ngumiti si Leonora, muli’ lumutang sa ibabaw ng Chocolate Hills, at saka naglaho sa kalayuan.
Nagi’ maalimuom iyong lupa dahil sa ambon. May hangin mula sa silangan, pero, mainit iyong singaw nung lupa.
“Kahit tag-ulan, mainit,” puna ni Estrella.
Nagpasiya si Mang Jony na matulog sa kuwarto ni Paolo sa Alona Beach Hotels nung gabi’ iyon. Sa hotel sila naghapunan. Napansin ni Mang Jony na mayro’n din’ mga urna at santo na nangakapalamuti sa hotel, ’gaya nung mga urna at santo sa library ni Rocky.
“Sa Bohol kasi sadya’ natatagpuan iyang mga iyan,” ’p’aliwang ni Rocky.
Maghahatinggabi na nang umuwi sina Estrella, Rocky, Kahn, at HM sa kani-kanila’ bahay. Sa loob nung kuwarto, lumatag na sa mga kama sina Mang Jony at Paolo.
Para’ naalimpungatan si Mang Jony. May masasaya’ halakhakan, tinig, at kantahan nung mga turista sa labas nung annex nila. May nagsindi’ mga TV. May tumugtog ng gitara. Dinig din iyong mga alon nung dagat sa di-kalayuan.
Para’ narinig uli’ niya’ pagtugtog ni Estrella ng Clair de Lune sa baby grand piano, kahit malayo sa Alona iyong Residence sa Tagbilaran. Umalon iyong mga nota. Sumudlong sa tinig nung babae’ turista na umawit sa wika’ Bisaya:
“Matud nila ako dili angay/
Nga magmamanggad sa imong gugma,/
Matud nila ikaw dili malipay,/
Kay wa ako'y bahanding nga kanimo igasa,/
“Gugmang putli mao day pasalig/
Maoy bahanding labaw sa bulawan/
Matud nila kaanugon lamang/
Sa imong gugma ug parayeg,/
“Dili maluba kining pagtabi/
Bisan sa unsa nga katarungan/
Kay unsa pay bili ning kinabuhi/
Kon sa gugma mo hinikawan/
“Ingna ko nga dili ka motuo/
Sa mga pagtamay kong naangkon/
Ingna ko nga dili mo kawangon/
Damgo ko'g pasalig sa gugma mo/”
Para’ tinig ni Leonora. Baka si Leonora nga.
“Umibig siya kay Juan,” inisip ni Mang Jony. “Umiibig pa siya kay Juan.”
Pinasimulan ni Rocky’ pagpapagawa ng mga gate na stainless steel batay sa mga sukat na ’sinagawa nung mga team nung una sila’ pumasok sa chamber. Makapal iyong mga rehas nito at sigurado’ ’di kaya’ buwagin nung malalaki’ bayawak na may pito’ ulo. Aabutin na’ matagal iyong pagbuo’t paglapat nung mga gate, kaya nagdeklara siya uli’ ng moratorium.
Lumipad papunta’ Maynila sina Tessa at Michelle. Tutal, magpa-Pasko na, hangad nila’ mag-Bago’ Taon sa Cubao, at malapit na’ matapos iyong holiday break.
Pinaunlakan nina Mang Jony at Paolo iyong imbitasyon ni Rusty na magpalipas ng ilan’ araw sa Santander bago bumalik sa Cubao. “Wala’ mga otel-otel, Sir Jony,” may pagkahiya’ dagdag ni Rusty, “sa ’min lang.” S’abi nina Mang Jony at Paolo, wala’ kaso iyon.
Sinamahan nina Rocky, Estrella, Kahn, at HM sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle na mag-shopping bago sila maghiwa-hiwalay. Nakita nila’ paghanda nung mga Boholano sa palapit na araw ng Pasko. Nung umaga ng paglipad nina Tessa’t Paolo papunta’ Maynila, nagsimba sila’ lahat sa Dauis. Pinilit kasi ni HM na sa Dauis sila magsimba nung araw na iyon.
Ferry at bus iyong sinakyan nina Mang Jony, Paolo, Rusty, at Bob papunta’ Santander. Tumuloy sila ’di sa bahay ni Rusty at ’di rin sa bahay ni Bob kun’ ’di sa isa’ gusali’ malayo sa kalungsuran. Mabato’t liku-liko’ iyong mga daan patungo ro’n. Sa kaliwa’t kanan, marami’ puno’ papaya’t saging. Nagsisilbi’ headquarters nung pangkat nina Rusty at Bob iyong gusali’ iyon. May nangakasabit na bandila sa bungad at sa loob. Do’n natutulog iyong mga miyembro nung pangkat pami’san-mi’san. Naghanda sila nung tulugan para kina Mang Jony at Paolo.
’Pinaliwanag ni Rusty kina Mang Jony at Paolo’ mga layunin nung pangkat nila: ang tumulong sa mga komunidad nila sa pamamagitan ng obra’t kawanggawa at ang magtanggol sa mga api. Nung hapon din’ iyon, ’sinama nila sina Mang Jony sa kabayanan, kung sa’n sila nagtuturo na’ wala’ bayad ng jeet kune do sa mga anak-mahirap na binatilyo.
Inobserbahan din nina Mang Jony at Paolo iyong initation rites nung pangkat. Iyong gamit-gamit nila, katutubo’ magica.
Nung gabi’ iyon, ’pinakita ni Rusty kina Mang Jony at Paolo iyong mga kasangkapan nila’ taladro, panyo, libreta, at medalyon. “Madalas kami’ sumasali sa mga treasure hunt,” ang s’abi ni Rusty. “Iyon po’ hangad namin, ’di kayamanan kun’ ’di kapangyarihan ng magica.”
“Miyembro rin ba nung pangkat n’yo sina Melvin at Albert?” t’anong ni Mang Jony.
“Opo,” s’agot ni Rusty. “’Kinalulungkot po namin iyong pagkamatay nila.”
At saka ’pinagtapat ni Rusty kung ba’t niya inanyayahan sina Mang Jony sa Santander.
“Tingin ko po,” simula ni Rusty, “may kinalaman po sa expedition iyong pagkamatay nila. Iyon po’ ’itsura nung mga bangkay nila, ’di po magagawa nung basta tao. Sabi-sabi nung mga tao, asuwang. Pero, ’gaya po ’ko ni Sir Jack. ’Di po ’ko naniniwala sa asuwang. ’Tingin ko po, iyong pumatay sa kanila, mga dambuhala. ’Tingin ko po, lumalabas iyong mga dambuhala ’pag madilim.
“Gusto ko po’ paghigantihan iyong pagkamatay nina Mel at Bert. Mga brod namin sila.
“Kaya, binasa ko po uli’ iyong mahaba’ tula. Napag-isip po ’ko tungkol do’n sa mahiwaga’ balsamo.”
Naglabas si Rusty ng gamit sa isa’ nakakandado’ baul: isa’ medalyon na maingat na nakasilid sa nakatiklop na tela.
“Ito po,” paliwanag ni Rusty, “iyong tinatawag na Medalyon’ Siyete Metales.”
Talos ni Mang Jony kung ano’ Siyete Metales sa paniniwala nung mga nagsasagawa ng katutubo’ magica. Nakaugat ’to sa alkemiya. ’Tinukoy nung mga sinauna’ mago’ pito’ metal na, ’pag ’pinagsama umano, may kapangyarihan ng magica—mga metal na sumasagisag sa araw, sa buwan, sa planeta’ Mercury, sa planeta’ Venus, sa planeta’ Earth, sa planeta’ Mars, sa planeta’ Jupiter, at sa planeta’ Saturn.
“Gawa po ’to’ medalyon sa pito’ klase’ metal na nilusaw,” dagdag ni Rusty. “Gusto ko po’ subukan’ magtimpla ng lana, o balsamo, na baka sakali po’ magamit natin sa pagsugpo sa mga dambuhala.”
Sa isa’ malukong na mangkok, nagtimpla si Rusty nung lana mula sa langis sa pito’ botelya’ naglalaman ng iba’ iba’ yerba. S’abi ni Rusty, kinakalap nung mga albularyo sa mga gubat iyong mga yerba’ iyon mi’san sa isa’ taon. Tatlo’ gabi at tatlo’ araw niya ’binabad iyong medalyon’ Siyete Metales sa lana.
Makaraan iyong rituwal ni Rusty, ’sinalin ni Rusty iyong lana’ Siyete Metalyes sa isa’ bote’ lapad.
“’Di pa po tapos ’to,” ang s’abi niya kay Mang Jony. “Kailangan pa po natin’ testingin.”
Nung sumunod na araw, naglakad sina Mang Jony at Paolo kasama nung pangkat sa malayo’ kapatagan sa gitna nung isa’ kahuyan. Binasbasan ni Rusty nung lana iyong tatlo’ kasangkapan: isa’ anting-anting, isa’ pantali sa braso, at isa’ sinturon. ’Pinatong niya’ bawat isa nito sa magkalayo’ puwesto: iyong anting, sa ibabaw nung isa’ lata, iyong pantali sa braso, sa ibabaw nung isa’ malaki’ bato, at iyong sinturon, sa ibabaw nung isa’ troso.
Naglabas sina Rusty at Bob at iyong ilan’ miyembro nung pangkat ng mga pistola’ paltik. Una nila’ pinuntirya’ anting. Sumablay iyong mga bala. Ni ’di nagalusan iyong anting. Sinunod nila’ puntiryahin iyon’ pantali sa braso. Nag-jam lahat nung pistola. Nasiputok lang nung bumaril sila nung iba’ mga bagay na ’pinalit nila sa pantali: isa’ kaha’ sigarilyo, isa’ basyo’ lighter, at isa’ suklay. Nung puntiryahin nila’ sinturon, tinamaan nung lahat iyong sinturon, pero, nung lapitan nila, ’di ’to nabutasan o napiing man lang.
“Sa palagay ko,” ang s’abi ni Rusty kay Mang Jony, “puwede na natin’ subukan ’to’ lana. Kung umubra, saka ’ko gagawa ng marami pa.”
Lumipas iyong Pasko, iyong Bago’ Taon, at iyong Paskuwa. Matagal ginawa iyong mga hamba at gate na stainless steel, na binuo sa foundry na’ wala’ mga hinang, pasak, o dugtong, at personal na pinamahalaan ni Rocky.
Banda’ Abril nayari rin’ lahat.
Nagkita-kita uli’ sila’ sa Bohol: sina Mang Jony, Estrella, Rocky, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, HM, Jack, Rusty, at Bob.
’Sinalaysay nina Mang Jony at Paolo sa mga kasamahan nila iyong mga ginawa nila sa Santander bago mag-Pasko. ’Pinakita sa kanila ni Rusty iyong bote’ lapad na naglalaman nung lana.
“Husto na kaya iyan?” usisa ni Rocky.
“Sa palagay ko po, oo,” sagot ni Rusty. Patak-patak lang po’ ginamit ko sa mga tinestingan. Tig-isa’ guhit sa tinagpas na ulo, puwede na siguro.”
Sina Rocky, Mang Jony, Paolo, Jack, at Rusty uli’ bumaba sa malaki’ balon. Ibinaba ni Jack iyong mga hamba at gate na stainless, mga blowtorch, mga welding machine, welding mask, welding rod, at iba pa’ gamit sa pagkakabit nung mga hamba at gate. Bawat gate, may matataba’ barrel bolt, kadena’ stainless, at heavy-duty’ padlock.
Una nila’ kinabitan ng gate iyong entrada sa chamber. Sa gayon, kung sakali man sila’ labasan at habulin nung mga dambuhala, agad-agad nila’ ma’sasara iyong gate at madali sila’ makakatakas.
Nangamoy-nagbabaga’-bakal at ozone iyon’ chamber.
“Sana,” b’anggit ni Rocky, “ayaw nila sa amoy na iyan.”
Sinunod nila’ kabitan nung hamba at gate iyong bungad nung tunnel kung sa’n nila nakita’ lumabas iyong dambuhala. Kinadenahan rin nila’t ’kinandado’ gate na iyon.
Dalawa pa’ hamba’t gate iyong naikabit nila nung araw na iyon.
Inabot sila ng dalawa’ linggo’t apat na araw bago nakabitan ng mga hamba’t gate iyong mga bungad nung mga tunnel at lagusan. Umabot sa 75 lahat-lahat nung gate, 76 kasama iyong pinakamalaki’ gate sa entrada nung chamber.
Banda’ katapusan nung Abril, nagbalik iyong mga team para mag-document at mag-itemize nung mga nilalaman nung mga kastilyo. Pagkat secure na iyong mga gate, sumama na sina Tessa at Michelle. Gayunpaman, nagdala’ lahat ng tig-isa’ high-power rifle, na, ’di man makakapatay sa mga dambuhala, makakaantala naman sa mga paglusong nito.
Natapos sila sa kastilyo’ ginto sa loob nung ikatlo’ araw.
Pagbalik nila kinabukasan, umakyat sila sa kastilyo’ pilak. Sina Kahn at HM naman iyong sumama sa kalalakihan, pero, kinailangan sila’ turuan ni Rocky na humawak ng high-power rifle.
“Cool!” Bulalas ni HM.
Sa ibabaw nung conservation site, si Tessa iyong tumutok sa laptop at mga videocam, at si Michelle naman, sa mga sensor at sa radar machine.
Kasisimula pa lang nung mga team sa documentation at itemizing nung mga nilalaman nung kastilyo’ pilak nang makaamoy sina Kahn at HM ng mabaho. Lumabas sila sa kastilyo at bumaba sa mataas na hagdan.
Nagsalita si Michelle sa radio. “Positive motion, three o’clock position nung mga bata!”
Nagsilabas sila’ lahat sa kastilyo’ pilak at nagsibaba sila sa hagdan. Binuhat ni Paolo sina Kahn at HM at dinala sa labas nung malaki’ gate sa entrada nung chamber. “Diyan lang kayo! Huwag kayo’ papasok dito!” utos niya.
Narinig nila iyong malakas na irit nung dambuhala, na umalingawngaw sa mga dingding nung chamber. Kumapit sina Kahn at HM sa mga rehas na stainless at nanlalaki’ mga mata’ sumilip sa mga pagitan nito.
Dumating iyong dambuhala sa bungad nung tunnel na dati nito’ nilabasan. Bumangga ’to sa mga rehas na stainless, saka umirit ’uli’t ilan’ beses na hinampas iyong gate. ’Di tuminag iyong gate. Nasiyahan si Rocky.
Umurong iyong dambuhala. Pumasok sa tunnel, nawala, at lumitaw naman sa bungad nung isa pa’ tunnel. Naharang na naman nung mga rehas na stainless. Paulit-ulit nito’ hinampas iyong mga rehas nung katawan niya’t buntot, pero ’di bumigay iyong gate. Nasiyahan uli’ si Rocky.
“Huli ka ngayon!” hiyaw ni Jack.
Napaisip si Paolo. “An’ dami beses na natin’ bumaba rito. Ba’t ngayon lang siya uli’ lumabas?”
S’agot ni Mang Jony, “’Tingin ko, lumalabas lang iyan ’pag lumalapit tayo sa kastilyo’ pilak. Sa kastilyo ni Prinsesa Leonora. Nagi’ mapag-ari iyong higante sa kastilyo’ ginto at kay Prinsesa Juana. Nagi’ mapag-ari naman iyong dambuhala sa kastilyo’ pilak at kay Prinsesa Leonora. Parang, sa lantay na pilak siya kumukuha nung lakas. Kaya, nung habulin niya tayo sa labas nung chamber, unti-unti siya’ nanghina.”
Nagpulong-pulong iyong mga team sa war room sa bahay ni Rocky. Pinagplanuhan nila’ kung pa’no nila magagapi iyong mga dambuhala. Labintatlo sila’ lahat: iyong nakasagupa nila nung una sila’ pumasok sa kastilyo’ pilak, at iyong labindalawa pa’ na-pick-up ni Kahn sa sensors nung araw ring iyon.
“Palalabasin muna natin sa chamber iyong isa,” suhestiyon ni Rusty. “Isa sa ’tin, isasara agad iyong gate para ’di siya masundan. Pagtutulungan natin’ tagpasin iyong mga ulo. ’Tsaka ko hahagisan nung lana sa mga liig.”
“Pa’no tatagpasin?” ismid ni Jack. “Gagamit ba tayo’ mga espada, ’gaya nung ginamit ni Prinsipe Juan?”
“Chainsaws,” s’agot ni Rocky.
Kaya, nung sumunod na bumaba sa balon sina Mang Jony, Rocky, Paolo, Jack, at Rusty, may dala sila’ tig-isa’ chainsaw.
Si Paolo’ inatasan’ magbukas nung gate sa bungad nung tunnel na lagi’ sinusulputan nung dambuhala, ’tapos, magtago sa tabi niyon. Mag-aabang sina Mang Jony, Rocky, at Rusty sa gitna nung chamber. Si Jack, sandali’ aakyat sa mataas na hagdanan ’tungo sa kastilyo’ pilak, kakatok sa mga pader para matunugan nung dambuhala na may nangahas ’uli’ pumasok do’n, at bababa na naman.
Gano’n nga’ ginawa nila, at dumating uli iyong dambuhala. Pagkat nakabukas iyong gate, tumalon iyong dambuhala ’tungo kina Mang Jony, Rocky, Jack, at Rusty, na nagpaandar na nung kani-kanila’ chainsaw.
Umirit na’ pagkalakas-lakas iyong dambuhala. Maliksi’ tinagpas ni Rocky iyong ulo’ pinakamalapit sa kaniya. Agad ito’ muli’ tinubuan nung isa pa’ ulo. Iyon din iyong ginawa nina Mang Jony at Jack.
“Lana!” s’igaw ni Rocky.
Pero, sa akto’ hahagisan sana ni Rusty ng lana iyong mga liig na tinagpasan nung ulo nina Mang Jony, Rocky, at Jack, inunahan si Rusty nung dambuhala. Kinagat nung isa sa mga ulo nito iyong braso ni Rusty, at natanggal ito. Sa isa’ iglap, nilunok nung dambuhala iyong braso’t kamay ni Rusty, pati na rin iyong bote nung lana na mahigpit na hawak nito. Napasigaw si Rusty, at umurong. Pero, ’di siya tinantanan nung dambuhala. Isa pa’ ulo nito’ kumagat at lumunok sa ulo ni Rusty. Sinagpang nung dambuhala iyong nangingisay pa nito’ katawan at dala-dala ito’ nagbalik sa loob nung tunnel.
“Iyong gate—’sara iyong gate!” ’utos ni Jack kay Paolo.
’Sinara ni Paolo, ’kinadena, at ’kinandado iyong gate.
Sa ibabaw nung conservation site, napanood ni Bob iyong lahat sa screen nung laptop. Napaluhod siya sa lupa at napahagulgol. Sinikap siya’ aluin nina Tessa, Michelle, Kahn, HM, at ng medic.
Pagkaakyat nina Mang Jony, Rocky, Paolo, at Jack, lumapit din sila’t yumakap kay Bob.
“Hold,” tiim-bagang na anunsiyo ni Rocky sa lahat.
“Pasensiya, Bob,” s’abi ni Mang Jony. “Wala kami’ iba’ magawa. Agad siya’ namatay.”
Bumitiw si Mang Jony sa pagyakap kay Jack. May sasabihin pa sana siya, pero, bigla ’to’ humandusay, bumulagta sa lupa, at saka nawalan ng malay.
“May sugat siya sa tagiliran!” hiyaw ni Tessa. Duguan kasi iyong damit ni Mang Jony. Lumapit si Tessa at iyong medic kay Mang Jony para tanggalin iyong pang-itaas nito. May apat na mahahaba’t malalalim na galos sa kanan’ tagiliran ni Mang Jony. Para’ dulot nung matatalas na kuko.
“Natuklaw siya, Sir Rocky!” iyak ni Paolo.
Tumawag ng ambulansya iyong medic. Mabilis iyon’ dumating. Kinailangan’ iakyat sa bundok iyong stretcher. Dinala si Mang Jony sa ER ng Holy Name University Medical Center. Sumunod do’n sina Rocky, Estrella, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM.
Nasa ICU na si Mang Jony nung dumating sila sa ospital. ’Di sila pinahintulutan’ pumasok do’n. Apat na dalubhasa’ tumingin kay Mang Jony. Ang s’abi nung isa kay Estrella, paglabas niya’t nakita’ naghihintay lahat sa koridor, “’Di namin ma-identify, madam, kung ano’ klase’ toxin iyong pumasok sa bloodstream niya. Kaya, ’di pa rin po namin matukoy iyong antidote. Sa ngayon, nakasuwero po siya ng antibiotic. Inoobserbahan pa po namin kung pa’no siya magre-respond, bago po namin siya bigyan nung iba.”
Nagbalik sina Tessa, Paolo, at Michelle sa hotel na mugot iyong mga mata.
Lumipas ang 24 oras bago nailipat si Mang Jony sa isa’ suite. Mataas iyong lagnat niya. ’Di niya namalayan iyong mga bulaklak na ’pinasok at ’pinatong sa mesa sa tabi nung hihigan niya.
Para siya’ nakatingala’t nakatingin sa malaki’ bilog na maliwanag. Para’ iyong bunganga nung balon. Nakakapit siya sa mataba’ lubid. Sumungaw sa liwanag iyong mukha nina Prinsipe Pedro at Prinsipe Diego.
Narinig niya’ tinig ni Prinsipe Pedro:
“Prinsesa kong mahal,
aanhin mo si Don Juan?”
Nahuhulog siya. Nahuhulog sa kadiliman. Bigla siya’ bumagsak sa matigas na bato. Nagkabali-bali’ mga buto. Para’ pitsel na kristal na nabitiwan at nabasag sa daan-daan’ piraso.
Nagdaan iyong mahaba’ panahon. Wala’ tugot iyong sakit, at ’di siya makagalaw. “Gan’to’ magi’ bato sa ilalim ng lupa,” inisip niya. Nasa madilim na lugar, wala’ pagsikat at paglubog nung araw, naro’n lang hangga’ magunaw iyong mundo.
Nakaramdam siya nung matinding uhaw.
Nakarinig siya nung mahaba’ alulong.
At naro’n iyong Lobo, nginunguso siya’t dinidilaan iyong mukha niya, iyong mga binti niya, iyong mga braso.
“Tubig,” bulong niya. “Tubig, inumin.” Matindi iyong init nung lalamunan niya. Matindi iyong init sa buo niya’ katawan.
Tumakbo’ papalayo iyong Lobo. Pagbalik nito, may dala ’to’ bota de agua. ’Tinapat niya’ bibig nung bota sa bibig niya. Lumugwak iyong tubig. Uminom siya. Para’ lumaganap iyong tubig sa buo niya’ katawan.
Tumingala siya uli’. Naro’n iyong Ermitanyo. Hinawakan siya sa ulo’t sa dibdib.
S’abi nung Ermitanyo:
“Saan ang katotohan kung ang lalaki, nagiging babae, kung ang babae, nagiging lalaki?”
Pagdilat ni Mang Jony, wala na siya’ lagnat. Tumingin siya sa paligid at sandali’ inisip kung nasa’n siya. Naro’n sa loob nung suite sina Estrella, Rocky, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM.
“Welcome back,” ang s’abi ni Tessa. “Dalawa’ araw ka nawala.”
“’Pahinga kayo, Mang Jony,” payo ni Rocky. “Maghihintay lahat.”
“Kumusta si Bob?” t’anong ni Mang Jony.
“Nasa site,” s’agot ni Rocky. “Nagme-maintenance sa makina. Maigi kung busy siya.”
Hinintay nila’ lumabas iyong nurse bago pag-usapan iyong mga bagay na sila lang dapat iyong makaalam.
“Mang Jony,” ang s’abi ni Paolo. “Si Rusty iyong kumontrata nung magnanakaw na nanloob sa Residence, ’di po ba? Iyong gumalaw nung mga gamit n’yo? Iyong nagnakaw ng cutlery’t computer?”
“Hindi,” tugon ni Mang Jony.
“Pero,” tutol ni Estrella, “’di ba, Mang Jony, nagnakaw si Azogue nung perlas at gemstones ’galing sa kastilyo ni Prinsesa Juana? Si Estano naman, nung dalawa’ perlas ’galing sa kastilyo ni Prinsesa Leonora? Kaya sila namatay.”
“Naintindihan ko kung bakit nila ginawa iyon, nung nasa Santander kami,” ang s’abi ni Mang Jony. “Para sa pangkat ni Rusty, iyong mga perlas na ’galing sa mga treasure hunt,’tinuturing na mutya. ’Binabaon nila sa loob nung mga braso’t binti nila para magkaro’n sila nung kapangyarihan. Iyong mga hiyas, nilalakip nila sa mga tali’t sinturon. Ginagawa nila’ anting. Nung una ko’ nalaman’ perlas at mga hiyas iyong kinuha nila, nagsuspetsa na ’ko na’ nagsasagawa sila nung katutubo’ magica. Nagkamali lang sila’ kumuha nung mga iyon sa matataas na engkantada.”
“Sino, kung gayon, iyong kumontrata nung magnanakaw?” t’anong naman ni Rocky. “Alam natin’, ’di ba, iyong pakay niya? Iyong diyamante’ singing?”
“Mahalaga rin iyong singsing na iyon sa mga nagsasagawa nung katutubo’ magica. Iyong tawag nila sa singsing na iyon, Singsing Ni Gumamela Celis. Isa’ diyosa o diwata. Simbolo ng kapangyarihan ng kababaihan.”
“Kung ’di si Rusty, sino?”
“Isa’ tao’ mataas iyong panunungkulan. ’Di isa’ subcontracted worker. ’Di magagawa ni Rusty o ninuman sa pangkat niya’ lumoob sa Residence. Kung sino man siya, nag-arkila siya nung binatilyo. Sinuhulan iyong guard. Sa ngayon, ’di natin matukoy kung sino.”
“Ipa-detain natin iyong guard,” singhal ni Estrella. “Pati na rin iyong staff.”
“Huwag muna, Star,” tutol ni Mang Jony. “Huwag natin’ ’paalam iyong hinala natin. ’Bayaan natin’ ’pagpatuloy nung mga pulis iyong investigation nila. ’Bayaan natin’ isipin nung lahat na simple’ housebreak lang iyon.”
Marahan’ tumango si Estrella at sumandal sa kutson nung armchair.
Pinag-usapan nila’ mga susunid nila’ gagawin sa conservation site, kaya’ nagpara’ pangatlo’ war room iyong suite.
“Natupad na natin lahat,” ang s’abi ni Rocky, “para sa Museum at sa Province. Isa lang iyong kulang: iyong paglipol sa mga dambuhala. Labintatlo iyong na-pick up nung sensors at nung radar, pero, baka mas marami pa sila. Sila lang iyong ’di puwede’ i-conserve. Kasi, baka makawala sila. Magigi’ malala’ security threat sa bayan.
“Kung ’di natin ga’win iyon,” b’igkas niya, “dadami lang sila.”
“Kung ’di natin gagawin iyon,” b’igkas ’uli ni Estrella, “sino’ gagawa?”
’Pinayo nung duktor na manatili si Mang Jony’ sa ospital nang ilan pa’ araw. Sa Residence, nagpalipas ng hapon sina Tessa, Paolo, Michelle, at iyong magkambal sa malaki’ hardin. Nagpamalas si Kahn ng parkour, si HM naman, ng jeet kune do.
Minungkahi ni Estrella na mamitas sila ng bulaklak para dal’in kay Mang Jony. Masaya nila’ ginawa iyon, mula sa pagpili nung bulaklak na inaakala nila’ matitipuhan ni Mang Jony hangga’ sa paghula nung pangalan nung mga bulaklak na naro’n.
Maliwanag iyong sikat ng araw. May mga paruparo’ dilaw at puti na nagpalipat-lipat sa mga bulaklak, taranta sa dami nung kulay at sa iba’ iba’ bango. Nagpaitaas-baba’ mga tutubi. Panay iyong huni’t guhit sa aire nung mga bubuyog.
Nagpaikut-ikot kina Kahn at HM iyong mga bubuyog. Para sila’ mga bata’ nakikipaglaro sa magkambal. “Ano’ pipitasin namin para kay Mang Jony?” t’anong ni Kahn sa mga bubuyog, at nagpaikut-ikot iyong mga bubuyog sa mga Bird of Paradise.
’Tapos mananghalian, dumalaw sila uli’ kay Mang Jony. Hinalinhan ni Michelle iyong mga lanta’ bulaklak sa side table nung mga sariwa’ Bird of Paradise. “Mga bubuyog po’ pumili niyan,” ’paliwanag ni Michelle. Naghagikhikan sina Kahn at HM.
D’ala ni Paolo iyong mga kabibe ni Mang Jony. ’Nilapag niya iyong kahon’ abalone sa side table, sa tabi nung vase nung mga bulaklak.
Kaya, nung gabi’ iyon, nung mag-isa siya’ ’uli, pinulot ni Mang Jony iyong kahon, pinagmasdan iyong mga kabibe, at ’pinatong sa kaliwa niya’ palad iyong gloriamaris.
May kumatok sa pintuan.
“Tuloy,” ang s’abi ni Mang Jony.
At pumasok si Prinsesa Juana. Nakagayak ng moderno’ damit ng karaniwan’ mamamayan.
Lumapit si Juana sa kinahihigan ni Mang Jony.
“Kumusta po kayo, Mang Jony?” t’anong niya.
“Mabuti po, Mahal Na Prinsesa,” s’agot ni Mang Jony.
Naupo si Juana sa isa sa mga armchair. “Ibig n’yo ’ko’ kausapin.” ’Di tanong kun’ ’di bagay na alam na niya.
“May mga gusto po kasi ’ko’ malaman bago bumaba ’uli’ sa balon.”
Naghintay si Juana.
“Tungkol po sa Higante. Iyong Higante’ pinaslang ni Prinsipe Juan.”
Naghintay uli’ si Juana.
“Totoo po ba’ bihag kayo nung Higante?”
“Bihag?” t’anong ni Juana, para’ sa sarili. “May bihag ng matibay na kulungan, may bihag ng damdamin, may bihag ng mga luho, may bihag ng mga bisyo.” Tumayo siya para ayusin iyong mga bulaklak na Bird of Paradise sa vase.
“Mapayapa po iyong komunidad nung mga higante,” patuloy ni Juana. “Mababait po sila ’Di po sila mga salbahe. ’Di po ’gaya nung karaniwan’ tao, na, madalas, may mga nag-aaway-away.
“ Marami po sila nung una’ panahon. Kumaunti lang po sila nang kumaunti. Kasi, tinugis sila nung mga tao. ’Tinawag po sila’ mga buwisit at mga salot. ’Di po kasi matanggap nung mga tao iyong pambihira nila’ kaalaman.
“Napilitan po sila’ magkubli. Natuto po sila’ mabuhay sa ilalim nung lupa. Pero, ’gaya po nung iba’ nilalang, alam po nila iyong lungkot at iyong pangangailangan at iyong pangungulila. Opo, Mang Jony—may puso rin po sila. Natuto po sila’ umibig sa mga engakantado at sa mga karaniwan’ tao. At may mangilan-ngilan po’ natuto rin’ magmahal sa kanila. Isa po ako, Mang Jony, sa mga iyon.
“Lumigaw po sa ’min ni Leonora iyong dalawa sa mga higante. Ayaw po ni Leonora’ makipagkaibigan o makipag-relasyon kaninuman, kaya, tinaboy po niya iyong lumigaw sa kaniya. Ako po naman—ano pa po ba’ magagawa ko, pagkat nakilala ko rin po iyong hirap nung pagigi’ mag-isa?
“Matagal na po kami’ mga ulila ni Leonora. Iyong kastilyo’ dati namin’ tinitir’an, nasa ibabaw nung lupa. Nung namatay iyong hari at iyong reyna, nagtago kami ni Leonora sa ilalim. Nabuhay po kami ro’n sa pamamagitan ng magica.
“Nalugod po ’ko sa higante’ lumigaw sa ’kin. Kasi po, nung una, tumayo po siya bila’ ama. Nung tumagal, tumayo po siya bila’ mangingibig. Sa kaniya ko po natutuhan kung pa’no magkaro’n nung ligaya ng katawan.
“Nangarap po siya. Gusto po niya’ magkaro’n kami ng mga anak. Marami po’ anak. Para po ma’pagpatuloy iyong lahi nila. Para dumami po sila’t mamayani sa daigdig. Pero, ’di po ’ko pumayag. Una, ’di po lahat nung babae’ nagpapaluwal nung sanggol nila, engkanto man o tao, nabubuhay. Karamihan po sa kanila, umahon po sa ibabaw nung lupa. Do’n po sila nangamatay.
“Ikalawa, wala po ’ko’ iba’ ninais sa kaniya kun’ ’di ligaya ng katawan.
“Alam ko po’ mali iyon. Ku’ ’mi’san po, gusto ko po magi’ manginigibig din niya, ku’mi’san naman po, ayoko na. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” sagot ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“Nagi’ mapag-angkin po siya sa ’kin, Mang Jony. Wala po siya’ iba’ pinahintulutan’ pumasok sa kastilyo, maliban po kay Leonora. ’Di niya po ’ko pinalabas nung kastilyo, kahit para makipag-usap lang sa iba’ higante’t sa mga asawa nila. Kaya, nung dumating po si Juan, napoot po siya. Kasi po, may taga-labas na nakapasok sa kastilyo—at, kasi po, sinaklot po siya ng matindi’ selos.”
Naupo siya’ ’uli sa armchair. “Nung dumating po si Juan,” patuloy niya, “lumundag po iyong puso ko. No’n lang po ’ko nakakita’ ’uli ’di lang nung kapwa ko engkanto kun’ ’di prinsipe’ magiting, may dangal, maamo, maginoo, may respeto. Ako po naman iyong nangarap. Ginusto ko po’ iligtas ako ni Juan. Ginusto ko po’ mabuhay ’uli sa ibabaw nung lupa.
“Hinayaan ko po’ paslangin ni Juan iyong higante. Para na rin po niya’ pinaslang iyong lahat nung masama’ hilig ko. Para’, sa wakas, nagi’ malaya po ’ko sa dati ko’ pagkakakulong sa katawan ko.
“Nalungkot po ’ko sa pagkamatay nung higante. Dahil po sa matagal namin’ pinagsama. Pero, nalungkot po. At nagi’ masaya po. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” sagot ’uli ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“Minahal ko po siya, at ’di ko po siya minahal. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” sagot na naman ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“Matapos po’ paslangin ni Prinsipe Juan iyong higante, agad-agad niya po ’ko’ niyaya’ umakyat sa balon. Pero, bigla po ko’ nangamba. Baka ’di ko po uli’ makasanayan’ mabuhay sa ibabaw nung lupa. At ’di ko po maiwan si Leonora.”
“At malaya na nga po ba kayo?”
Matagal na nag-isip si Juana. ’Tapos, s’agot niya, “Opo. Totoo ko po’ ’kinaligaya’ lumayo sa kastilyo. ’Sinumpa ko po’ huwag na’ magbalik do’n. ’Sinumpa ko po’ mananatili’ nakabaon do’n lahat-lahat nung nasa nakaraan.”
“Umiibig pa po ba kayo kay Prinsipe Juan?”
“’Di na po,” s’agot ni Juana. “Pag-ahon po namin sa balon, ’binigay po ’ko ni Pedro kay Diego. ’Kinasal po kami sa Kahariang Berbanya. Natutuhan ko po’ mahalin si Diego. Iyon po’ mga pangarap niya, nagi’ pangarap ko rin. Iyong tumulong sa pamumuno sa Berbanya. Magkaro’n nung mga anak na mabubuhay rin at mangangarap din at magpapaasenso sa mga lipunan’ kinabibilangan nila.
“Ito po, Mang Jony, iyong habang-buhay na nais ko.”
Matapos magpaalam at umalis ni Juana, may kumatok uli’ sa pintuan.
Pumasok si Bob.
“Mang Jony, kumusta na po kayo?” t’anong niya.
“Mabuti, Bob,” s’agot ni Mang Jony. “At ikaw?”
Napailing lang si Bob. Pinaupo siya ni Mang Jony.
“Kumusta na sa site?” t’anong ni Mang Jony.
“Maayos naman po.” Tumikhim siya. “S’abi po nila, nagpapagaling pa po kayo. Kelan daw po kayo idi-discharge?”
“Malapit na,” ngiti ni Mang Jony. “Huwag ka’ mag-ala’la. Matatapos din natin ’to.”
Matagal na ’di umimik si Bob. ’Tapos, s’abi niya, “Mang Jony, may ikokonsulta po sana ’ko sa inyo. ’Di ko po muna sinabi kay Sir Rocky. Sa inyo ko po muna sasabihin.”
“Ano iyon?” t’anong ni Mang Jony, pero alam na niya’ sasabihin ni Bob.
“Gusto ko na po sana’ magbitiw, Mang Jony,” ang s’abi ni Bob. “Para’ ’di ko na po kaya’ tumagal sa site.”
“Alam ko, Bob,” ’t’ugon ni Mang Jony. “Nauunawaan ko. Pero, kung hihingin mo’ payo ko, mas maigi kun’ ’di ka magbitiw.
“Nakipagsapalaran iyong mga brod mo. Nagbuwis sila ng buhay. Kung magbibitiw ka, para mo na rin sila’ inabandona. Pero, kung tatapusin mo’ proyekto, tatapusin mo iyon ’di lang para sa ’yo kun’ ’di para sa kanila.
“Kailangan natin’ isipin kung pa’no lipulin iyong mga dambuhala, Bob. ’Di lang para sa’tin’. Para rin sa lahat nung isisilang at mabubuhay pa. Kahit kung kailangan natin’ mamatay. Dapat, lagi tayo’ handa’ mamatay.
“Iyon ang dahilan kung ba’t namatay si Rusty, at kung ba’t ako natuklaw. Huwag natin’ palampasin iyong dambuhala, Bob. Nakatikim na siya nung dugo natin. Babalikan niya tayo. Pero, gawin natin’ lahat para siya’ una natin’ balikan.”
Nag-isip si Bob.
Tumango. Bumangon at niyakap si Mang Jony. Nagpasalamat.
’Pinatong ni Mang Jony iyong golden cowrie sa kaliwa’ palad niya, pero, agad niya’ to inalis nang pumasok iyong isa’ nurse.
“Good evening,” ang bati ni Mang Jony, sabay-pasok nung golden cowrie sa kahon’ abalone.
“Magandang gabi po, Mang Jony,” s’agot nung nurse. At nang tingnan siya ni Mang Jony, naro’n’ nakatayo’t nakangiti sa kaniya si Prinsesa Leonora.
“Makakalabas na po kayo sa ospital bukas,” ang s’abi ni Leonora.
“Salamat po.”
Naupo si Leonora sa sofa. “’Nilagay n’yo po sa kamay n’yo iyong kabibe ko.”
“Marami pa po kasi ’ko’ mga tanong.”
“Anu-ano po ba iyon?”
“Tungkol po sa mga dambuhala. Marami po pala sila.”
“Mas marami pa po sa inaakala n’yo. Pero, pagpisa po nung mga itlog nila, ’nilalabas sila nung magulang nila, sa kadiliman ng gabi. Dinadala po sila sa dagat. Mula po ro’n, lumalangoy po sila patungo sa iba’ iba’ bansa.
“Labintatlo iyong nabilang namin sa conservation site.”
“Kumaunti na nga po sila, sa tinagal nung panahon.”
“Labintatlo, pero, iyong bawat isa sa kanila, mahirap puksain. Sinikap po nung isa sa ’min’ magtimpla ng lana. Pero, napatay po siya.”
“Lalaki po ba?”
“Opo.”
“’Di po iyon iyong balsamo’ gagapi sa kanila. Kailangan, maghanap pa kayo nung iba.”
“Iyon po’ balsamo’ sa pag-aari n’yo—sa’n po ba iyon ’galing?”
“’Galing po sa kanila—sa tinatawag n’yo mga dambuhala. Matagal na po sa pag-iingat nila’ balsamo’ iyon. Kumuha po ’ko sa kanila nung isa’ botelya.”
“Pinagkaloob po nila?”
“Ako po, Mang Jony, iyong ’tinuring nila’ reyna—’binibigay nila sa ’kin iyong lahat nung gusto ko. Sa reyna nung kastilyo’ pilak. Pilak po kasi’ lahat sa pinanggalingan nila sa malayo, nung una’ panahon. Do’n po, wala po’ araw, at lagi po’ madilim. Iyon po iyong nagbibigay-lakas sa kanila rito kung araw. Ganap lang po iyong lakas nila kung gabi. Lumalabas po sila, lumulusong po sa tubig, kumakain nung isda at iba pa’ nabubuhay sa ilalim nung dagat.
“Kaya po nila pinakaingatan iyong kastilyo ko, at sinunod po lahat nung utos ko. Naghali-halili po sila sa pagbantay sa ’kin, at sa kastilyo.
“’Di po sila gumagamit nung wika, ’di ’gaya po ninyo. Nakakapag-usap lang po kami sa pamamagitan ng isip.”
“Kaya siguro nabasa nung dambuhala’ nakasagupa namin iyong isip ni Rusty,” i’sip ni Mang Jony. T’anong niya kay Leonora: “Ano po ba’ pakikitungo nung mga higante at nung mga dambuhala sa isa’t isa?”
“’Di po sila nagi’ magkalaban at ’di rin po sila nakialam sa isa’t isa. Alam po nila na magkapatid kami ni Juana. ’Ginalang po nila’ lahat iyon.”
“Pahintulutan n’yo po ’ko’ mangahas ng personal na tanong.”
“Ano po iyon, Mang Jony?”
“Nagkaro’n ng kaugnayan si Prinsesa Juana sa Higante. Nagkaro’n din po ba kayo ng kaugnayan sa isa’ dambuhala?”
“Kung sa pinakakahulugan po ninyo, hindi. Mga babae po sila’ lahat. Wala po’ mga lalaki sa pinanggalingan nila. Kaya, lahat po sila, nangingitlog.
“’Di po ’ko naghanap ng anuman klase’ ligaya, Mang Jony, maliban sa ligaya nung pagigi’ mag-isa. ’Di po ’ko pinag-initan ng katawan kahit kailan. May higante po’ nanligaw sa ’kin, pero, ’di ko po siya kinagiliwan. ’Di ko po siya tinanggap. ’Di po ’ko umibig kailanman.
“Hangga’, dumating po si Prinsipe Juan. Para’, nakita ko po sa kaniya’ lahat nung katangian’ gusto ko sa lalaki. Sa sinuman’ lalaki. Dalawa lang iyong nagi’ hadlang. Alam ko po, una’ umibig po sa kaniya si Juana. ’Tapos po, pag-ahon namin sa balon, ako po’ napusuan ni Pedro. ’Pinahamak po niya si Prinsipe Juan. Inangkin po niya ’ko. Si Juana naman po, ’binigay niya kay Prinsipe Diego.
“Pagdating po namin sa Kahariang Berbanya, binasbasan po nina Haring Fernando at Reyna Valeriana iyong pagigi’ magkapareha namin’ apat. Si Juana, ’tinakda po’ ikasal kay Prinsipe Diego. Pero, nagsumamo po ’ko sa Hari’t Reyna. Iyong s’abi ko po, may panata po ’ko ’di ’papakasal kaninuman hanggat ’di lumilipas iyong pito’ taon.
“Ngayon, kasal na po kami ni Pedro. Matagal na po kami’ kasal. Pero, kahit mi’san, ’di po ’ko nagpagalaw sa kaniya.
“Hangga’ ngayon po, ’di ko pa po nararanasan’ sumiping sa lalaki.”
“Umiibig pa po kayo kay Prinsipe Juan?”
Matagal na nag-isip si Leonora.
“Umiibig po, kasi po, mula nung una ko po siya nakita, siya na po’ ’tinuring ko’ iisa’ lalaki’ umari sa puso ko. ’Di ko po siya iniibig, kasi, kasal po ’ko kay Pedro. Mayro’n na po ’ko’ mga tungkulin at responsibilidad. ’Di ko po puwede’ pabayaan iyong kaharian para lang sa mga personal na problema ko sa buhay. Kaya, Mang Jony, opo, iniibig ko po si Prinsipe Juan, at, hindi po, ’di ko po iniibig si Prinsipe Juan. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” s’agot ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“Minamahal ko po si Pedro, at ’di ko po minamahal si Pedro. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” sagot ’uli ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“Masaya po ’ko’t ’di po ’ko masaya. Naiintindihan n’yo po ba?”
“Opo,” s’agot na naman ni Mang Jony. “Naiintindihan ko po.”
“May lantay po’ pilak, Mang Jony, pero wala po’ lantay na ligaya.”
Marahan’ bumangon si Mang Jony at naupo sa gilid nung kama. “Malapit na po kami’ bumalik sa ilalim nung balon. Ayoko po’ may iba pa’ mamamatay.”
“Ayaw rin po namin, Mang Jony.”
“Sa mahiwaga’ balsamo po nakasalalay iyong tagumpay namin, Mahal Na Prinsesa. ’Di n’yo po ba ma’pagkakalihim sa ’kin kung sa’n ko po makukuha iyon?”
“Nasabi ko na po sa inyo’ lahat nung dapat n’yo malaman.”
Bumangon si Leonora, nagpaalam, at lumabas sa suite.
Kinabukasan, dumalaw uli’ sina Tessa, Paolo, at Michelle kay Mang Jony. ’Sinalaysay ni Mang Jony sa kanila iyong mga nagi’ dalaw niya nung nakaraan’ gabi, at iyong mga pinag-usapan nila.
“Baka iyong magkapatid na prinsesa’ ’tinukoy nung Ermitanyo sa palaisipan niya’ baligtaran,” s’apalagay ni Tessa.
“Para’, gano’n nga. Si Prinsesa Juana, nagi’ mapagmalabis sa pagigi’ babae niya. Si Prinsesa Leonora naman, nagkait sa sarili nung pagigi’ babae niya.”
“Yin at yang,” ang s’abi ni Paolo.
“Mainit, malamig,” ang s’abi naman ni Michelle.
“Iyong ’di ko pa rin matuklasan,” ang s’abi ni Mang Jony, “kung ano iyong balsamo. Kung ano ’to, kung sa’n ’to matatagpuan, kung pa’no ’to makukuha.”
“Wala ba’ nabanggit na kahit maliit na clue si Prinsesa Leonora?” t’anong ni Tessa.
“May dalawa siya’ nasabi na pinagtakhan ko. ’Di ko lang maala’la. Rerepasuhin ko’ lahat nung sinabi niya. Baka sakali’ magbalik sa ’kin.”
Masigla’ pumasok iyong duktor at ’pinaalam kay Jony na puwede na siya’ i-discharge nung umaga ring iyon.
Sinundo sila ni Rocky sa van. Tumuloy sila sa bahay ni Rocky, kung sa’n sila uli’ nananghalian.
Pinag-usapan nila kung ano’ magagamit nila’ kapalit nung lana’ sinubukan’ gamitin ni Rusty.
“Nung nag-a-itemize tayo nung mga kasangkapan sa loob nung kastilyo’ pilak,” ang s’abi ni Rocky, “naro’n sa sahig nung bulwagan, malapit sa pinagkunan natin nung kalansay at pito’ bungo, iyong botelya’ ginamit ni Juan sa pagbuhos nung balsamo sa mga liig nung dambuhala. Basag na ’to, pero, pinakuha ko kay Jack at ’pinadala sa lab. Wala na’ laman iyong botelya. Natural, nag-evaporate na rin iyong anuman’ latak na naro’n.
“Negative for findings iyong lab. We’re back to Square One.”
“Iyong sinabi ni Prinsesa Juana,” simula ni Mang Jony, “matagal na sa pag-iingat nung mga dambuhala iyong balsamo.”
“Asido?” suhestiyon ni Tessa. “Tintura?”
“Gasolina?” Si Paolo. “Petrolyo?”
“Alak?” Si Michelle. “Serbesa?”
“Kalamansi?” Si Kahn.
“Honey ng honeybees!” Si HM.
“Subukan natin lahat iyan,” s’agot ni Mang Jony. Ayaw niya’ makarinig sila nung kawala’-pag-asa sa boses niya.
Isa’ araw bago sila magbalik sa ilalim nung balon, dinala sila ni Estrella sa ancestral house ng mga Marquez sa Loboc. Isa ’to’ masalimuot na villa na may mga pader na bato. Nilibot nila’ buo’ lugar. ’Gaya nung nakita ni Mang Jony sa library ni Rocky at sa Aloha Beach Resorts, marami’ mga santo’ na nasa loob nung mga antigo’ urna. Marami rin’ oil portrait na nangakasabit sa mga dingding.
Isa-isa’ nilapitan ni Mang Jony’ mga oil portrait. Lahat nung nangakalarawan sa mga iyon, mga ninuno ni Estrella.
Sa malaki’ kusina, pinagtulungan nina Tessa at Michelle iyong pagsalin nung iba’t iba likido’ pinili nila sa mga botelya.
“Puro kaya iyong ilalagay sa bawat isa’ botelya?” usisa ni Michelle.
“Puro muna,” hula ni Tessa. “Tsaka na tayo gumawa nung ’pinaghalo, kung kailangan.”
Sa utos ni Mang Jony, nagsalin sila nung walo’ likido—walo para sa bawat labintatlo’ dambuhala, o 104 botelya.
’Pinasok iyong mga botelya sa walo’ kahon. Nilapatan nina Tessa at Michelle ng label iyong bawat kahon.
Naupo sila’ lahat sa malaki’ balkon ’tapos mananghalian.
“Dito ’ko ’pinanganak,” b’ida ni Estrella sa kanila. “Dito rin ’pinanganak iyong Papa ko, at iyong Papa niya. ’Pinagawa ’to’ villa nung mga huli’ taon nung 1600. Ni-restore at nilagyan nung mga extension nung 1904. Pero, s’abi nung mga arkitekto at engineer na tumingin dito, may mga parte iyong villa na ginawa mas maaga pa sa 1600. Si Jack iyong naglagay nung mga historical marker.
“Umuuwi kami ni Rocky at mga bata rito tuwi’ weekend. Dito ’ko nagre-recharge. Para kasi’ iba’ enerhiya rito. Ewan ko ba, sa buo’ Bohol, para’ iba iyong Loboc sa lahat. Para’ sagrado’ lupa rito.
“’Nandito iyong Tarsier Sanctuary, ’di ba? Nakapunta na kayo ro’n, sa Carmen. May famous na simbahan dito, iyong Loboc Church. Dito nakadaong iyong mga lantsa nung mga river cruise, kung sa’n tayo nag-dinner nung una’ gabi n’yo sa Bohol. Dito iyong malalaki’ taniman nung ubi. Dito rin iyong maliliit na pandayan kung sa’n ginagawa iyong mga alahas na pilak. Post-Columbian iyong estilo nung alahas na ginagawa nila.”
“Dito rin,” ang s’abi ni Mang Jony, “nakatayo iyong kastilyo nung hari’t reyna ng Armenya.”
Napatingin sila’ lahat kay Mang Jony.
“Pinagmasdan ko iyong mga luma’ oil portrait sa mga dingding. Iyong ilan sa mga subject, hawig na hawig kina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.”
Napatda si Estrella. “Puwede ba iyon?” t’anong niya. “Kasi, kung totoo iyon—“
“Totoo rin na nasa lahi nung hari’t reyna’ lahi’ ng mga Marquez.”
Napatingin iyong lahat sa nagsalita. Naro’n’ nakatayo sa pintuan nung balkon sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
“Sumunod kayo sa ’min, para makita n’yo,” ang s’abi ni Juana.
Pumasok sila sa malaki’ sala’ kasudlong nung balkon. Namangha sila pagkat nag-iba’ anyo nito. G’awa sa ginto at pilak iyong mga muwebles, palamuti, at kasangkapan. Sa pinakamalayo’ dingding, may trono’ ginto at trono’ pilak. Do’n naupo sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
“Nakatayo na rito’ kastilyo’ ’to marami’ dantaon bago pa man taon’ 1521. Nung taon’ iyon, labas-masok iyong mga banyaga sa bayan. Dito, sa Armenya, nakatagpo sila nung buho’ nagbubukal ng tubig mula sa ilalim nung lupa. Narinig nila’ iyong salita’ ‘buho’, kaya, binansagan nila iyong isla’ ‘Bohol’.
“Marami kami’ magkapatid,” ang s’abi naman ni Leonora. “Pero, kami ni Juana’ matanda sa kanila’ lahat. Bago namatay si Amang-Hari at si Inang-Reyna, nagsipag-asawa sila nung karaniwan’ tao, ’gaya nung ginawa nung mga supling nina Prinsipe Juan at Prinsesa Maria Blanca sa Berbanya. Do’n nagmula iyong lahi nung mga Marquez.”
“Nagpunta kami rito, Estrella,” dugtong ni Juana, “para koronahan ka.”
Naghiwalay iyong dalawa’ trono, at lumantad iyong isa pa’ trono sa pagitan nung dalawa, na gawa sa pinaghalo’ ginto at pilak.
Nung sandali’ iyon, higit na nagliwanag iyong loob nung bulwagan at napuno ’to ng mga opisyales at mamamayan ng Armenya.
Bumangon si Leonora para dal’in si Estrella sa gitna’ trono.
Itinaas ni Juana’ isa’ korona’ ginto at pilak, at ipinatong niya ’to sa ulo ni Estrella. Nagpalakpakan lahat ng naro’n.
Naparam iyong dila ni Estrella. Nasa harapan niya iyong mga opisyales at mamamayan ng Armenya, na nagsiluhod at yumukod sa kaniya. Naro’n din sina Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM na para’ nasa isa’ ’di kapani-paniwala’ panaginip ang mga diwa.
“Marami po’ salamat,” nasabi rin ni Estrella, na lumingon kay Juana sa kanan niya at kay Leonora sa kaliwa niya, “sa inyo po’ lahat, at sa buo po’ Armenya. Isa’ bagay po ’to na ’di ko po inaasahan.
“’Di po madali’ nagi’ buhay ko rito, sa tinatawag n’yo’ po’ daigdig nung karaniwan’ tao. ’Di po madali’ mamuno. Sinikap ko po’ magpakahusay, kahit marami po iyong nagsabi’ babae lang ako.
“’Gaya po nung marami’ babae, umibig din po ako. Nagi’ asawa, nagi’ ina, nag-aruga, nagpalaki ng anak. Nagi’ dalawa po’ buhay ko: iyong buhay ko po para sa bayan tsaka iyong buhay ko po’ personal.
“Nung ’kinasal po ’ko, mas natuto po ’ko’ magmahal. Nagi’ pangarap ko’ paasensuhin iyong Jagna. Magkaro’n nung mga anak na mabubuhay rin at mangangarap din at magpapaasenso sa mga lipunan’ kabibilangan nila. Iyon po sana’ habang-buhay na nais ko. Pero, ’di po nagi’ perpekto’pagsasama namin nung asawa ko. Kaya po, sa banda’ huli, naghiwalay po kami.
“Marami po ’ko’ pinaslang sa buhay ko—mga pangarap, mga hilig—para ko lang po magampanan lahat nung dapat ko’ gampanan. Malungkot po ’ko’t masaya. Nagmahal po ’ko’t ’di nagmahal. Ngayon, isa na po ’ko’ nag-iisa’ magulang. May mga pangarap pa rin po. May mga hilig pa rin po. Pero, ’sinumpa ko po sa sarili’ mananatili’ nakabaon iyong lahat-lahat nung nakaraan.
“Mayro’n po ’ko’ mga tungkulin at responsibilidad. ’Di ko po puwede’ pabayaan iyong bayan para lang sa mga personal na problema ko sa buhay.
“May lantay po’ ginto at may lantay po’ pilak, pero wala po’ lantay na ligaya.”
Nagpalakpakan’ ’uli’lahat, sabay naglaho sina Juana’t Leonora at iyong mga opisyales at mamamayan. Nagbalik sa dati iyong anyo nung sala. Bumangon sa silya si Estrella. Nagtinginan sila sa isa’t isa. Napaiyak siya. Hinagkan siya nina Rocky, Kahn, at HM.
“Nakakapagtaka,” ang s’abi ni Estrella. “Wala na iyong korona sa ulo ko, pero, pakiramdam ko, suot-suot ko pa.”
’Binulong ni Mang Jony kay Tessa, “Siya si Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora sa iisa’ babae. At, gagawin niya’ lahat ’di lang para sa Jagna kun’ ’di para sa mga anak niya.”
“’Di ba,” t’anong ni Tessa, “bawat babae, ganyan?”
“Kaya nga,” tugon ni Mang Jony, “iyong bawat babae, reyna.”
Nagpulong-pulong uli’ mga team sa war room sa bahay ni Rocky nung hapon’ iyon. Nagpasiya si Rocky na magsama na sila nung karagdagan’ tao kinabukasan: 26 na kawal ng Hukbo at 13 na field worker ng Museum.
“Gagamit pa rin tayo nung armas na panggulantang sa mga dambuhala,” ang s’abi ni Rocky, “at mga chainsaw.”
Ibi-briefing at ihahanda iyong mga kawal at field worker para sa haharapin nila at sa kailangan nila’ gawin sa ilalim nung balon. Mga kawal iyong hahawak nung armas, mga field worker at team member, nung mga chainsaw. Si Tessa uli’ magbabantay ng laptop, si Michelle, ng motion sensors at ng radar machine.
Inatasan ni Mang Jony sina Kahn at HM na magbaba nung supplies sa basket.
“Ito na sana’ huli’ ’sagupa,” ang s’abi ni Mang Jony.
“Kungdi,” dugtong ni Rocky, “babalikan natin. Babalikan nang babalikan hangga’ matapos.”
Nung gabi’ iyon, sa loob nung guest room sa Residence, paulit-ulit na nirepaso ni Mang Jony’ pag-uusap nila ni Leonora sa suite nung ospital. Ilan’ bagay iyong nagpaikut-ikot sa isip niya.
Una, iyong palitan nila ni Leonora:
“Sinikap po nung isa sa ’min’ magtimpla ng lana,” ang s’abi ni Mang Jony. “Pero, napatay po siya.”
“Lalaki po ba?”
“Opo.”
“’Di po iyon iyong balsamo’ gagapi sa kanila. Kailangan, maghanap pa kayo nung iba.”
At iyong isa pa’ sinabi ni Leonora:
“Ako po iyong ’tinuring nila’ reyna.”
At isa pa’ sinabi niya:
“Kung sa pinakakahulugan po ninyo, hindi. Mga babae po sila’ lahat. Wala po’ mga lalaki sa pinanggalingan nila. Kaya, lahat po sila, nangingitlog.”
Naglaro rin sa isip niya iyong berso nung mahaba’ tula na una’ susi’ ’binigay nung Ermitanyo:
“Don Juan ay naririto
ang mabagsik na balsamo,
na sa bawa’t isang ulo
mapuputol, ibuhos mo”
Magdamag niya’ pinag-isipan’ lahat niyon, at lihim na umasa na tama’ hinala niya.
Maaga’ dumating sa site iyong mga kawal at field worker. Nagpulong-pulong sila sa labas nung tent, kung sa’n sila binigyan nina Mang Jony, Rocky, at Jack ng briefing. Inabot sila ng oras, kaya magtatanghali na sila’ natapos.
Una’ ’binaba sa basket iyong mga armas. Kasunod niyon, iyong mga chainsaw. ’Binaba rin iyong kahon-kahon’ botelya. Sa loob nung chamber ’nilagak iyong mga iyon. Sumunod na dumating sa site iyong van, sakay-sakay sina Kahn at HM, na may kahon-kahon din’ supplies: panibago’ first-aid kit, mga blowtorch, at pananghalian nila’ sandwiches pagkat, maliban kina Tessa, Michelle, Bob, at iyong medic, maghapon sila’ lahat sa ilalim nung balon. Apat na klase’ sandwich iyong pinadala ni Estrella: BLT, chicken, ham, at tuna. Nagbaba rin iyong magkambal sa van nung mga crate. Si Kahn, nagbaba nung marami’ canned soda, si HM, nagbaba nung mineral water.
Pinahintulutan nina Mang Jony at Rocky iyong magkambal na manatili sa labas nung chamber. Madali’ ma’sasara iyong gate no’n, at mananatili’ naka-standby iyong basket sa sahig nung balon.
Tumayo sa isa’ bilog iyong mga kawal sa loob nung chamber. Labintatlo’ kawal, may nakaamba’ mga high-power rifle. Labintatlo naman, may hawak na mga blowtorch. Sa mga field worker ’pinaubaya iyong mga chainsaw. May hawak na bukas na botelya sa bawat kamay sina Mang Jony, Rocky, at Jack. Si Paolo uli’ nagbukas nung gate na sinuutan nung dambuhala haba’ sagpang iyong bangkay ni Rusty.
’Gaya nung dati, umakyat si Jack sa mataas na hagdanan ’tungo sa kastilyo’ pilak. Kumatok siya sa mga pader. Umalingawngaw iyong malalakas niya’ katok sa loob nung chamber.
Naghintay sila. Matagal-tagal, pagkat para’ wala’ nangyayari.
Nang bigla nila’ narinig iyong tinig ni Michelle sa ibabaw ng site. “Positive, three o’clock position uli’!”
Bago pa man natapos magsalita ni Michelle, naamoy nung lahat iyong para’ nagmumula sa panis na pagkain. Sinundan iyon nung malakas na irit nung dambuhala, na mas malakas iyong alingawngaw kaysa sa mga katok ni Jack.
Nabigla at napaurong iyong mga kawal at field worker, lalo na nang sumulpot sa bungad nung tunnel at umirit na naman iyong dambuhala. ’Di nila inaasaha’ gano’n kalagim iyong bubulaga sa kanila.
“Hold fire!” sigaw ni Rocky. “Chainsaws!”
Nagsigiling iyong mga chainsaw, na para baga’ pamilyar na sa dambuhala, kaya nainis lang ito at tumalon’ papalapit sa mga field worker.
Hinampas nung buntot nung dambuhala iyong isa sa mga field worker. Tumili ito, tumilapon, at tumama sa dingding ng chamber.
“Fire!” sigaw ni Rocky.
Rumepeke’ mga high-power rifle.
Naingayan sa marami’ putok at papirik-pitik na liwanag iyong dambuhala. Bahagya ’to’ umurong.
“Hold fire!”
Agad sumalakay iyong nalalabi’ mga field worker. Nagsiuna iyong mga may hawak ng blowtorch para sawatahin iyong dambuhala. Sumunod sa kanila iyong mga may hawak na chainsaw. Napugot iyong isa’ ulo nung dambuhala. Tinubuan uli’ nung isa.
Maliksi’ sumalisi sina Mang Jony, Rocky, at Jack sa mga field worker. Sa bawat napugot na ulo, hinagisan nila iyong putol na liig nung likido mula sa mga botelya’ hawak nila. Sinubukan nila’ iyong bawat isa sa walo’ likido’ ’sinalin sa mga botelya nina Tessa at Michelle. Pero, wala’ umepekto, kahit man lang isa sa mga ’to. Iyong bawat pinugot na ulo, tinubuan uli’ nung isa pa.
Sinagpang nung isa sa mga ulo iyong isa sa mga chainsaw. Nawarak ito’t nagtalbugan iyong mga piyesa sa sahig. Tumakbo’ palayo iyong mga field worker.
“Fire!” sigaw uli’ ni Rocky.
Pumuntirya’ ’uli iyong mga riple.
Ito na’ huli’ baraha ko, inisip ni Mang Jony.
Sumenyas siya kay Rocky.
“Hold fire!” sigaw ni Rocky
Sumenyas uli’ sa kaniya si Mang Jony.
“Chainsaws!” sigaw ni Rocky.
Gumiling uli’ iyong mga chainsaw.
Bigla’ bumiling si Mang Jony sa entrada nung chamber.
“HM! Now!” sigaw ni Mang Jony.
Saka pumasok si HM, tulak-tulak iyong isa’ trolley na pinagpatung-patungan nung mga kahon’ naglalaman nung mga bote’ mineral water.
Hinagisan ni HM ng tigalawa’ bote sina Mang Jony, Rocky, at Jack.
Dalawa’ ulo nung dambuhala iyong sabay na napugot nung mga chainsaw. Agad-agad binusan ni Mang Jony nung nilalaman nung mga bote’ mineral water iyong mga naputol na liig nito.
At, namangha sila’ lahat nang ’di na tinubuan pa ng mga ulo iyong mga liig.
Lumakas iyong loob nung mga field worker. Pumugot sila ng dalawa pa’ ulo. At dalawa pa. At isa pa. Binusan nina Mang Jony, Rocky, at Jack nung nilalaman nung mga bote iyong mga naputol na liig nito.
Nang mahulog at gumulong iyong huli’ ulo nung dambuhala sa sahig, naghiyawan sa galak iyong lahat. Pati na sina Tessa, Michelle, at Bob, na napanood ’lahat sa laptop screen. Pati na si Estrella, na nakatuon sa live streaming sa loob nung opisina niya.
Mabilis nag-reorganisa iyong kalalakihan sa loob nung chamber. Sa tulong nung motion sensors at nung radar machine, nagawa nila’ tuntunin iyong tatlo pa’ dambuhala, na isa-isa nila’ hinikayat na pumasok sa chamber, kung sa’n nila pinagtulungan nung riple, mga chainsaw, at mga botelya. Bukod sa nauna’ dambuhala’ napatay nila, isa pa’ malaki at tatlo pa’ mas maliit iyong napuksa nila nung hapon’ iyon.
Huminga nang malalim si Rocky. “Five down. Eight to go,” ang s’abi niya.
Kinadenahan at ’kinandado nila’ mga gate. Agad pinaakyat ni Rocky sa litter iyong field worker na tumama sa dingding. Sumakay rin sa ambulansiya iyong field worker na inagawan nung chainsaw. ’Hinangos sila sa ospital.
Pinaakyat din ni Rocky sa crane iyong mga patay na dambuhala’t mga pugot na ulo nung mga ’to para dal’in sa Museum.
Iniwan nila’ lahat nung mga gamit sa loob nung chamber. Kinadenahan din nila’t ’kinandado iyon.
Bagamat ’di pa tapos iyong lahat, nagpista sila sa hardin nung Residence nung gabi’ iyon. Inanyayahan din sa piging iyong mga kawal at field worker na ’dinagdag sa mga team. Dumalo si Governor Antimonio at si Director Cobre.
“Congratulations to HM, our hero!” pagbibigay-pugay ni Tessa, at nagpalakpakan lahat.
“Actually,” patid ni Mang Jony, “heroine.”
Ngumiti si HM kay Tessa. Nagulat sina Paolo’t Michelle.
“Kailan n’yo nalaman, Mang Jony?” t’anong ni Estrella.
“Nung una pa,” s’agot ni Mang Jony. “Pinagtakhan ko kasi’ mga pangalan n’yo. Ang sa iyo, Estrella. Ang tawag sa ’yo nung lahat, Star, at Star of the South. Ang Star of the South, pangalan nung isa’ famous diamond. Nangahulugan na iyong mga pangalan nung mga anak n’yo, mga pangalan din nung mga famous diamond. Si Kahn, iyong Kahn Diamond. Si HM naman—nahinuha ko na iyon M sa HM, Marquez, pero may dalawa na lang’ pangalan iyong mga famous diamond na nagsisimula sa H. Hope at Heart. Pareho’ pangalan ng babae.
“Naala’la ko iyong sinabi nung Ermitanyo, ‘Kung ang lalaki, magiging babae, at kung ang babae, magiging lalaki.’ Naala’la ko iyong mambunong na nagi’ mama-oh. ’Tapos, naisip ko si HM.
“Nasa mga taludtod nung mahaba’ tula: “Don Juan ay naririto/ ang mabagsik na balsamo,/ na sa bawa’t isang ulo/ mapuputol, ibuhos mo/”.
“Kaya, inisip ko: Sino iyong nag-abot nung balsamo kay Prinsipe Juan? Iyong sagot, si Prinsesa Leonora. At ano ba si Prinsesa Leonora? Isa’ babae. Isa’ babae’ ’di magpapagalaw sa sinuman’ lalaki.
“Kaya pala tinanong sa ’kin nung prinsesa kung lalaki iyong nagtimpla nung lana na una natin’ ginamit sa dambuhala. Lalaki nga. Si Rusty. Kaya, ’di ’to umubra.
“Maka-lalaki’ iyong mga higante, pero maka-babae naman iyong mga dambuhala. S’abi sa ’kin ni Prinsesa Leonora, mga babae sila’ lahat. Wala’ lalaki sa pinanggalingan nila. Lahat sila, nangingitlog. Wala’ lalaki’ may kapangyarihan’ bumuhay o pumatay sa kanila. Mga babae lang iyong kinikilala nila. Kaya ’tinuring nila’ reyna si Prinsesa Leonora.
“Kinausap ko si HM nung gabi bago tayo nagbalik sa balon. Sinabi ko sa kaniya kung ano’ pinaplano ko. Wala ’ko’ sinabihan’ iba, at sa labas nung chamber ko siya ’pinatigil. Nakakabasa kasi nung isip iyong mga dambuhala. Ayoko’ malaman nung kahit isa sa kanila kung ano’ binabalak ko.”
“Mineral water lang pala ’solusyon!” bulalas ni Rocky.
“’Di lang karaniwan’ mineral water,” ang s’abi ni Mang Jony. Naglabas siya nung isa’ bote at ’pinakita niya’to kay Rocky.
“Miracle water ng Dauis!” bulalas naman ni Estrella.
“Naala’la ko iyan nung nagsimba tayo sa Dauis. Nabanggit din ni Prinsesa Juana na sa salita’ ‘buho’, o ‘bukal’, nagmula iyong pangalan’ Bohol. Nangangahulugan na may kaiba’ tubig na dumadaloy sa ilalim nung isla. Tubig na pumupuksa sa lahat ng masama.”
Katamtaman lang iyong mga laki nung natitira’ walo’ dambuhala sa loob nung mga tunnel. Madali sila’ napuksa nung mga team. Wala na’ iba’ na-pick-up iyong mga sensor at iyong radar. Pinabuksan ni Rocky iyong mga gate para magsawa sila ng clearing operation.
Iyong nakita nila sa ilan’ tunnel, mga labi’ isda at mga hayop ng dagat. Yaon iyong pinagmumulan nung masamang amoy na panis na pagkain. Pinalitratuhan ni Jack iyong mga iyon sa mga field worker.
Magkakasudlong iyong mga tunnel. Hinanapan nila ng mga exit. Natagpuan nila’ mga iyon sa mas malalim pa’ mga lungga’ nakalubog sa tubig-alat. Patuloy sa dagat, sa timog-kanluran, iyong tubig-alat na iyon. Sa buo’ paligid, may bunton-bunto’ kalansag na buto ng daan-daan’ dambuhala.
May mga minor chamber sila’ natuklasan. Iyong naro’n, libu-libo’ itlog. Iyong iba sa mga iyon, malapit na’ mapisa.
Nagpaakyat si Rocky nung isa’ itlog, isa lang, para sa National Museum at sa Department of Natural Resources. Alam nila na sa Armed Forces din hahantong iyong itlog na iyon. Iyong iba’ itlog, pinasunog ni Rocky sa mga kawal sa pamamagitan nung mga blowtorch. Binusan’ lahat iyon nung miracle water nina Mang Jony, Jack, at Paolo. Bumulusok at nangalusaw iyong mga iyon.
Nagi’ mabilis iyong clearing op. Natapos sila sa loob nung dalawa pa’ araw.
Binalak ni Rocky’ magpagawa ng malaki’ enclosure na gawa sa stainless steel at bullet-proof glass sa palibot nung bunganga nung balon. Binalak naman ng Museum na humingi ng pondo sa gobyerno para magtayo ng extension office sa dalisdis ng Mayana, at magsagawa ng mga serye’ hagdanan pababa sa balon.
Bago matapos iyong linggo, nagkita-kita ’uli sina Estrella, Mang Jony, Rocky, Tessa, Michelle, Paolo, Kahn, at HM. Dinala sila ni Rocky sa isang kainan sa Maribojoc, kung sa’n sila nananghalian.
“Wala na po ba talaga iyong mga dambuhala, Mang Jony?” t’anong ni Kahn.
“Wala na,” s’agot ni Mang Jony. “Puwera ro’n sa iisa’ itlog na in’akyat nila, na, alam ko, ilalagay nila sa lugar na may high security.”
“Pa’no po ba nagkaro’n nung mga dambuhala?” t’anong naman ni HM. “Narito na po ba sila mula pa nung una’ panahon?”
“Palagay ko, hindi.” Ngumiti si Mang Jony. “Alam ko, dambuhala’ ’tinawag natin sa kanila, kasi, mukha sila’ mga pandak na dragon. Kahit si Prinsesa Leonora, nung k’ausap ko’t ginamit iyong salita’ ‘dambuhala’, iyong ’pinantukoy niya sa mga iyon, ‘iyong tinatawag n’yo’ mga dambuhala.’”
Napaisip sina Paolo at Michelle.
“Iyong nasa teksto kasi,” ang s’abi ni Tessa, “hindi ‘Dambuhala’ kun’ ’di ‘Serpiyente’.”
“Pamilyar ba sa inyo iyan?” usisa ni Mang Jony kina Kahn at HM, at sila naman iyong napaisip.
“Iyong docu na pinanood natin sa TV,” paala’la ni Mang Jony. “’Hinaka ro’n na iyong Nephilim, ’galing sa iba’ lugar. Puwede’ sa iba’ planeta. ’Tapos, nagpakita sila nung mga drawing nung iba’ iba pa’ extraterrestrial na maa’ri’ rin’ lumapag sa planeta natin nung una’ panahon. Mga Gray. Mga Bovine. Mga Feline. Mga Canine.”
“At mga Serpentine!” bulalas ni Kahn.
“At iyong mga Serpentine, ’gaya nung iba’ alien, ’gaya nung mga tao, may mabuti. At may masama.
“Nung lumapag dito iyong mga Serpentine, naghanap sila nung lugar na matitir’an at mapapanimulan nila ng buhay. ’Gaya nung mga higante, tinugis sila nung mga tao. Napilitan sila’ magkubli. Natira sa ilalim ng lupa.”
“Sa’n’ planeta kaya sila ’galing?” bigkas ni Tessa.
“Sigurado’ malayo iyon sa araw. Kasi, nanghihina sila sa liwanag. Malamig do’n. Madilim. May dagat do’n.
“Sigurado rin’ may pilak. Marami’ pilak. Kasi, iyon iyong nagbibigay-lakas sa kanila.”
Napatda si Estrella. Naala’la iyong panaginip niya. ’Sinalaysay niya iyong panaginip. Namangha sila’ lahat.
“’Di planeta,” iyong huli’ sinabi niya. “Buwan. Malaki’ buwan. Isa sa marami’ buwan nung isa’ planeta.”
“Dinala ka ro’n nung mga engkanto sa panaginip mo,” ang s’abi ni Rocky.
“Nag-astral travel po kayo, Mama!” ang s’abi naman ni Kahn.
Lumapit iyong dalawa’ turista’ babae sa mesa nila.
“May we join you?” t’anong nung isa.
Nagtanggal iyong dalawa’ turista nung mga sunshade, kaya nakilala nila sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora. Kapansin-pansin na suot ni Leonora iyong diyamante’ singsing niya.
“Babalik na kami sa Berbanya,” ang s’abi ni Prinsesa Juana. “Naparito lang kami para magpasalamat sa inyo’ lahat.”
“Kami po’ dapat magpasalamat sa inyo, Mga Mahal Na Prinsesa,” tugon ni Mang Jony.
“Hindi, Mang Jony,” iling ni Prinsesa Leonora. “Kasi, kun’ ’di dahil sa inyo, ’di ko mababawi’ diyamante ko’ singsing.”
“Wala’ anuman po iyon.”
“Pero, ako naman po ngayon iyong may kahilingan,” ang s’abi ni Prinsesa Juana. “Sa loob po nung ginto ko’ kastilyo, may setro sa trono. Gawa po iyon sa lantay na ginto. Iyon po’ pinakamahalaga’ bagay sa loob nung balon. Sinuman po’ may hawak nung setro, hahawak din po ng malaki’ kapangyarihan. Kaya, ’di ’to dapat pabayaan o ibigay kung kanino lang, kun’ ’di sa isa’ tao’ may kakayahan’ humarap sa malalaking responsibilidad.
“Kunin n’yo po iyong setro, Mang Jony,” dagdag ni Prinsesa Juana. “Sa gayon po, mananatili po’ ligtas sa lahat ng pangangahas at sa lahat ng panganib iyong mga kastilyo. Magsisilbi po’ susi sa mapayapang kinabukasan iyong setro po’ iyon.”
“Dadal’in ko po sa inyo, Mahal Na Prinsesa,” pangako ni Mang Jony.
“’Di po sa ’kin,” ngiti ni Prinsesa Juana. “Aanhin ko po iyon sa Berbanya? Dal’in po n’yo’t ibigay sa kamag-anak namin’ nakatira rito’t nanunungkulan sa kasalukuyan. Kay Reyna Estrella. Siya po ngayon iyong nasa gitna namin’ lahat, at mananatili kami’ lahat sa magkabila niya.”
“Masusunod po,” ngiti ni Mang Jony.
“Wala na po kami’ tungkulin dito,” iyong huling sinabi ni Prinsesa Juana. “Kung ano pa po iyong mga magaganap, kayo na po’ bahala. Nananalig po kami sa inyo’ lahat.”
Nagpaalam iyong dalawa’ prinsesa. Bumangon sila. Babangon din sana sila’ lahat, bilang pagbibigay-galang, pero, agad-agad naglaho iyong dalawa.
Si Rocky at si Mang Jony iyong bumisita sa balon. Nagdala si Rocky ng poster carrier, bubble wrap, at mulberry paper na ipapambalot sa setro.
Sinindihan ni Rocky iyong floodlights. Pumasok sila sa kastilyo’ ginto at tumuloy sa malaki’ bulwagan. Nasa dulo no’n iyong trono’ gawa rin sa lantay na ginto at tadtad nung mga perlas at hiyas.
Lumapit sila sa trono. Wala’ setro’ nakapatong do’n. Pareho nila’ naala’la iyong pag-usad nung trono’ ginto at nung trono’ pilak sa sala nung ancestral house sa Loboc. Pinagtulungan nila’ itulak paliwa’t kanan iyong trono, pero, ’di ’to matinag. Sinubukan nila’ ikutin, pakaliwa rin at pakanan, sa pag-asa’ mag-swivel ’to’ na para’ ibabaw ng sisidlan sa sahig. ’Di pa rin ’to tuminag.
Siniyasat ni Mang Jony’ mga dibuho’ nangakaukit sa trono, na pinalamutian nung mga perlas at hiyas. Nasa ibabaw nung trono iyong pangalan’ ARMENYA. ’Dinaan ni Mang Jony’ iyong mga daliri niya sa bawat letra.
Naala’la niya’ sinabi ni Prinsesa Juana sa Maribojoc: “Siya po ngayon iyong nasa gitna namin’ lahat, at mananatili kami’ lahat sa magkabila niya.”
“Malamang, iyong letra sa gitna,” ang s’abi ni Mang Jony. “Iyong E.”
Pinisil ni Mang Jony iyong letra. Lumubog ito, at nagbukas na para’ pintua’ nakabisagra iyong sandalan nung trono.
Naro’n, sa loob no’n, iyong setro’ ginto ng Armenya.
Maingat na kinuha ni Mang Jony iyong stero. In’abot niya ’to kay Rocky. Binalutan nila ’to nung mulberry paper, ’tapos, nung bubble wrap, at saka nila ’sinilid sa poster carrier. Muli’ pinisil ni Mang Jony iyong letra, at nagsara iyong pinto sa sandalan.
Inakyat sila ni Bob sa basket. Dumeretso sila sa Residence, kung sa’n iniabot ni Rocky iyong poster carrier kay Estrella.
“Ipasok mo sa safe,” habilin ni Rocky. Kaya, dinala ni Estrella iyong poster carrier sa loob nung kuwarto niya, kung sa’n may makapal na kaha de yero sa likod nung isa’ oil portrait.
Nung gabi’ iyon, naghapunan sina Mang Jony, Rocky, Jack, Bob, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa hotel. ’Tapos, nagpaalam na si Bob para umuwi na sa Santander. “Last meeting na ’to nung mga team,” ang sabi ni Rocky. “Hangga’ sa susunod, kung may iba’ project pa tayo.” Nagbigay siya ng bonus sa lahat. Umalis na si Bob para habulin iyong panggabi’ ferry papunta’ Santander. Si Jack naman, umuwi sa pamilya niya, sa Baclayon.
Nag-swimming sina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa infinity pool pagkatapos. Nagkaisa’ mag-jacuzzi at mag-steam room sina Mang Jony, Rocky, at Paolo sa likod nung hotel. Pinag-usapan nila’ lahat na magkita-kita sa beach side café pagkalipas ng isa’ oras.
Nasa steam room pa lang iyong tatlo’ lalaki nang katukin sila sa partisyon’ salamin nung isa’ attendant.
“Sir, pinatatawag po kayo nung babae’ kasama n’yo,” ang s’abi nung attendant kay Mang Jony. “Urgent daw po.”
Mabilis sila’ nag-shower, nagbihis, at tumakbo papunta’ beach side café. Naro’n’ naghihintay sa kanila sina Tessa at Michelle.
“Nawawala’ mga bata,” salubong sa kanila ni Tessa. “Pumunta sila sa mga dressing room, pero, ’di na bumalik. Pinuntahan namin ni Michelle, pero, wala sila ro’n.”
Naghanap sila sa buo’ hotel bago alertuhin iyong security. Pero, wala iyong magkambal, magi’ sa kuwarto ni Paolo at sa kuwarto nina Tessa at Michelle.
“Sinubukan n’yo ba’ tawagan sa cellphone?” urirat ni Rocky.
“Nasa ’kin po iyong mga phone,” ang s’abi ni Michelle. “Iniwan po nila sa ’kin bago pumunta sa mga dressing room.”
“Pina-page ko rin sila sa front desk, pero, hangga’ ngayon, wala sila,” dagdag ni Tessa.
Nag-imbestiga iyong security sa harap nung hotel.
“Iyong kambal na anak po ni Madam Mayor?” ang s’abi nung nakadestino ro’n’ guard. “Lumabas po, mga isa’ oras na, may kasama po’ dalawa’ lalaki’ naka-cotton barong.”
“Sino’ mga lalaki?” t’anong ni Rocky.
“Si Bob Hierro, iyong kasama namin’ naka-check-in dito?”
“’Di po. Kilala ko po si Sir Bob. Maaga po’ nag-check out iyon.”
“Si Mister Jack Dirigio, kilala mo rin ba?”
“Iyon po’ taga-Museum? Opo. Umalis po siya ’tapos po’ umalis ni Sir Bob.”
“Hindi mo namukhaan iyong dalawa’ lalaki’ naka-cotton barong?”
“’Di po. Akala ko po mga escort ni Madam Mayor. Sumaludo po sa’kin. Pinabayaan ko lang po.”
Siniyasat nila iyong footage nung mga CCTV nung hotel. Nakita’ pumasok si Kahn sa dressing room nung mga lalaki, at si HM sa dressing room nung mga babae. Paglabas ni Kahn, may kasama siya’ lalaki naka-cotton barong. Si HM naman, nung lumabas sa dressing room nung mga babae, sinalubong nung isa pa’ lalaki’ naka-cotton barong. Para’ karaniwan lang sila’ nag-usap. Wala’ takot sa mukha nung mga bata. Nagsingiti pa’t nagsitango’ mga ’to. Tumuro iyong isa’ lalaki sa direksiyon nung parking lot, sa harap nung hotel. Masaya’ sumama sa kaniya’ mga bata. Bumuntot naman sa kanila iyong ikalawa’ lalaki.
“Nakikilala n’yo ba?” t’anong ni Mang Jony kay Rocky.
Umiling si Rocky.
Patuloy nila’ pinanood iyong footage nung CCTV. Lumabas sina Kahn at HM at iyong dalawa’ lalaki sa harap nung hotel. Sumaludo iyong dalawa’ lalaki sa guard. Pinapasok iyong mga bata sa nakaparada’ sedan. ’Tanaw iyong plate number. Nabuhayan ng loob si Rocky.
Tumawag sila sa National Police para i-report iyong pagkawala nung mga bata. Pina-bulletin iyong mga bata at iyong sedan. In-access iyong footage sa mga CCTV na nakatutok sa mga daan, kahit sa mga kalapit na bayan. Huli nila’ nakita iyong sedan patungo’ Tagbilaran. Pero, tanaw rin sa footage, wala’ laman ’to kun’ ’di iyong nagmamaneho.
Na-trace iyong sedan sa isa’ rent-a-car company. Canadian tourist iyong umarkila nung sedan. Nag-iisa siya’ lumipad sa Bohol mula’ Cebu, at nag-iisa rin siya’ umarkila nung sedan para mag-sightseeing. Inamin niya’ dumaan siya sa Alona Beach Resorts, pero, ayon sa kaniya, wala naman siya’ kasama. Ininspeksiyon nung mga detective iyong kuwarto’t mga ari-arian nung tourist, pero, wala sila’ nahita. Ininspeksiyon din iyong loob nung sedan at wala sila nakita’ kahit ano’ indikasyon na may dinukot o sinaktan do’n. Malinis iyong loob nung sedan.
Dalawa’ araw iyong lumipas bago nakatanggap ng tawag si Rocky, mula sa isa’ unlisted number. Inasahan nung lahat na may tatawag kay Estrella o kay Rocky, kaya may tap iyong mga linya nila.
“Huwag n’yo ’to’ ’papaalam sa pulis,” s’abi nung lalaki sa kabila nung linya. Boses na ’di niya kilala.
“Sa’n iyong mga bata? Ibalik n’yo sila,” ang s’abi ni Rocky.
“Kayo muna’ magbibigay bago kami magbibigay,” s’agot nung lalaki.
“Magkano?”
“’Di pera’ kailangan namin. Iyong kinuha n’yo sa balon.”
“Ano ba iyon?”
“Alam n’yo kung ano iyon.”
Nagpulong sina Rocky, Estrella, Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa library ni Rocky nung araw rin’ iyon.
“Nakakapagtaka,” ang s’abi ni Rocky. “Na-trace iyong call sa isa’ server sa Boracay. Pero, ’di nila mahanap iyong pinanggalingan no’n.”
“Tinanggal na iyong SIM card no’n,” haka ni Paolo. “Pagtawag no’n uli’, sigurado’ iba’ SIM card na iyong gagamitin.”
“Iyong Canadian tourist, nasa Boracay ba?” t’anong ni Estrella.
“Hindi. Nasa Tagbilaran pa. Naka-schedule manood nung concert nung children’s choir sa Loboc.”
“Dead end iyong Canadian tourist,” sapantaha ni Mang Jony. “’Tingin ko, dead end din iyong Boracay.”
“Iyong setro’ gusto nila,” ang s’abi ni Estrella. “Ibibigay ko na. Mas importante sa ’kin iyong mga anak ko kesa ro’n.”
Wala’ sumalungat kay Estrella.
’Nilabas nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle iyong mga kabibe nila’ gloriamaris at golden cowrie. Pero, ’di dumating si Prinsesa Juana. ’Di rin dumating si Prinsesa Leonora.
Naala’la ni Mang Jony iyong huli’ sinabi sa kaniya ni Juana sa loob ng restaurant sa Maribojoc: “Wala na po kami’ tungkulin dito. Kung ano pa po iyong mga magaganap, kayo na po’ bahala. Nananalig po kami sa inyo’ lahat.”
Ibinalik ni Mang Jony iyong mga kabibe niya sa loob nung kahon’ abalone. “’Di sila darating,” ang s’abi niya.
’Tapos, ang s’abi niya, “Iyong Ermitanyo’ pag-asa natin ngayon.”
Sumakay sila’ lahat sa van at nagtungo sa Carmen.
Kaya lang, pagdating nila sa Tarsier Sanctuary, nalaman nila kaya Joannie Mary na wala ro’n iyong tatay niya. “Nagbakasyon po sa Mindanao,” ang s’abi ni Joannie Mary. “Isa’ buwan po siya ro’n.”
Nagbalik sila sa Residence.
Iyong sumunod na tumawag, lalaki rin. Iba iyong number na ginamit, pero unlisted din. Nagtaka lahat pagkat ’mula naman iyon sa L’Fisher Hotel, sa Bacolod.
“Ibibigay na namin,” ang s’abi ni Rocky. “Saan at kailan?”
“Saan: ako’ magsasabi. Kailan: ngayon na.
“Isa lang sa inyo iyong ’bibigay. Wala’ pulis.
“Maniwala kayo o hindi, nakabantay kami sa inyo. Lagi kami’ nakabantay. Lagi kami’ nakatingin. Alam namin’ lagi kung sa’n kayo naro’n at kung sino iyong mga kasama n’yo. Nakikita namin kayo, pero ’di n’yo kami nakikita.”
Kinilabutan si Tessa.
Nagsalita uli’ iyong lalaki. “Una, kunin sa loob nung kaha iyong setro.”
Umandar iyong mga isip sila. Bakit alam nung lalaki na setro iyong kinuha sa balon? Bakit niya rin alam na nasa loob iyon nung kaha de yero?
’Agad tumalima si Estrella. Pakiramdam niya, bumangon siya’t umakyat sa isa’ masama’ panaginip. Pumasok siya sa kuwarto niya, ’pinindot iyong digital combination, at saka binuksan iyong kaha. ’Nilabas iyong poster carrier. Muli’ ’sinara iyong kaha.
“Ikalawa, dal’in nung isa sa inyo iyong setro sa isa’ sasakyan. Iyong isa rin’ iyon iyong magmamaneho.”
“Ako na,” ang s’abi ni Rocky.
“Hindi. Ako na,” ang s’abi ni Estrella.
“Ako kaya,” alok ni Mang Jony.
Umiling si Estrella. “Hindi, Mang Jony. Ako’ liligtas sa mga anak ko. Ako’ magdadala nung setro. Tutal, sa ’kin ’binigay ’to.”
Wala uli’ tumutol.
Kinuha ni Estrella’ mobile ni Rocky. Nagbukas siya nung drawer ng credence table at naglabas ng isa pa’ mobile. Ito naman iyong in’abot niya kay Rocky. Pinindot ni Estrella’ numero ni Rocky sa sarili’ mobile niya. Nag-vibrate iyong mobile na na kay Rocky. Tinanggap ni Rocky iyong tawag at ’nilagay niya ’to sa speaker mode. Tumango si Estrella, lumabas ng bahay, at pumasok sa personal niya’ sasakyan na dala-dala iyong dalawa’ mobile: iyong mobile ni Rocky at iyong sarili’ mobile niya.
Mula sa sala, dinig nina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle iyong pag-andar nung sasakyan ni Estrella sa garahe.
’Nilagay ni Estrella iyong sarili niya’ mobile sa videocam mode. ’Sinuksok niya’ ’to sa cell phone cradle sa dashboard nung sasakyan. Kaya, sa loob nung sala, nakita nina Mang Jony, Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle kung sa’n papunta iyong sasakyan.
Inutos ni Governor Antimonio sa mga pulis na i-monitor iyong kuha nung mga CCTV sa daan. Nakiusap si Rocky na huwag muna’ lumusong alang-alang sa kaligtasan ni Estrella at nung mga bata, bagamat nagbabad siya sa landline at binigyan iyong police chief ng Tagbilaran nung detalyado’ report nung kinaroroonan at pinatutunguhan nung sasakyan ni Estrella.
Pinaikot-ikot si Estrella nung lalaki sa mobile ni Rocky, at pinadaan muna sa mga kalsada’ wala’ mga CCTV.
Inisip ni Estrella, “Sino ba ’to’ tao’ ’to? Para’ kabisado’-kabisado niya’ mga daan.”
Pinaliko nung lalaki kay Estrella iyong sasakyan. Pinaderetso sa daan. Lumampas iyong sasakyan sa mga pamilyar na lugar. Sa Aloha Beach Hotels. Nasa Panglao siya. Pinaderetso pa nung lalaki iyong sasakyan. Pinaderetso pa. Pinasampa sa damuhan.
“Bumaba ka,” s’abi nung lalaki sa mobile. “Dal’in mo iyong setro. Pumunta ka sa tubig.”
Kinipkip ni Estrella iyong poster carrier. ’Sinuksok iyong dalawa’ mobile sa bulsa nung blusa niya. Marahan’ bumaba sa sasakyan. Tumingin sa paligid. Wala’ katao-tao sa paligid. Wala’ iba’ sasakyan. Wala’ getaway car.
Naglakad si Estrella papunta’ tabi’-dagat. Nasa kaliwa niya iyong simbahan ng Panglao. Nasa likod no’n iyong kumbento. Nasa kanan naman niya iyong luma’ Panglao Watchtower, ’di ginuho ng panahon, matayog, at may apat na palapag.
Nagtungo si Estrella sa likod nung watchtower. Naghintay sa may-tubig. Wala siya’ matanaw.
Pero, sa loob nung ilan pa’ sandali, nakarinig siya ng tunog ng motor. Nakita niya’ lumalapit sa dalampasigan iyong isa’ speedboat. May sakay na apat na lalaki. Tumigil iyong speedboat, at dalawa sa apat na lalaki’ tumalon sa tubig at mabilis na humakbang palapit kay Estrella.
“Sa’n iyong mga bata?” t’anong ni Estrella. Hinigpitan niya’ hawak sa poster carrier.
’Di umimik iyong mga lalaki. Hinawakan si Estrella sa braso’t inakay palayo sa tubigan.
Pumasok sila sa loob nung watchtower. Umakyat sa una’ hagdanan. Sa ikalawa. Sa ikatlo.
At naro’n, sa tuktok nung watchtower, sina Kahn at HM. ’Di ’ginapos, ’di piniringan, at ’di sinaktan na ’gaya nung nasa imahinasyon niya.
“Mama,” ang s’abi lang nila. Mahinahon. Pero, may mga baril na nangakatutok sa mga ulo nila.
Naro’n, sa kaliwa’t kanan nung mga bata, ang dalawa pa’ lalaki. Si Jack. At si Director Cobre.
“Maganda’ tanghali, Madam,” ang s’abi ni Director Cobre.
“Ikaw.”
“Opo.”
“Akina’ mga bata.”
“Akina’ akin,” ngisi ni Director Cobre.
In’abot ni Estrella iyong poster carrier. “Ito’ gusto mo. Kunin mo.”
Natigilan si Director Cobre sa anyo nung poster carrier. “Buksan n’yo, Madam,” ang s’abi niya.
Nanginginig man iyong mga daliri, maingat na binuksan ni Estrella iyong poster carrier. ’Nilabas iyong nasa loob. Binulatlat iyong bubble wrap. Binulatlat iyong mulberry paper.
At naro’n nga, sa loob nung pagkakabalot, iyong setro’ ginto. Nagningning at nagsabog nung liwanag sa loob nung watchtower. Mas maliwanag pa sa sumisikat na araw.
Napanganga sila’ lahat. Si Director Cobre, unti-unti’ napaluhod. ’Niliyad niya’ mga braso’t kamay niya para tanggapin iyong setro.
In’abot ni Estrella iyong setro kay Director Cobre.
Pero, ’di nila inasahan iyong sumunod na nangyari.
Naglaho iyong setro na’ para’ bula.
Hindi maidrowing iyong mukha ni Director Cobre. “Ano iyang—” Napautal siya. “Nasa’an na? Ba’t nawala?”
Bakas din iyong pagtataka sa mukha ni Estrella. Nakapaabot pa rin iyong braso niya, na patuloy niya’ tinitigan, at nung lahat nung naro’n.
“’Di ko alam,” simula ni Estrella. “Ewan kung pa’no—”
Tumahimik siya nang marinig iyong pagtanggal sa safety nung mga baril.
“Huwag!” sumamo ni Estrella. “Director! Jack!”
“Iyong setro!” ’s’igaw ni Director Cobre. “Akin na iyong setro!”
Wala’ ma’sagot si Estrella.
Lumatag iyong katahimikan.
Maliban sa isa’ tunog. Para’ chainsaw, inisip ni Jack. Maliit na chainsaw.
Isa’ bubuyog iyong pumasok sa bintana at galit na gumuhit-guhit sa harap nung mukha ni Director Cobre. Napaurong iyong director. ’Winasiwas iyong baril na hawak niya sa bubuyog para umalis ’to.
Pero, ’di umalis iyong bubuyog. Isa pa’ bubuyog iyong pumasok sa isa pa’ bintana at nagpaikut-ikot na’ malapitan sa ulo ni Jack.
Lumakas iyong tunog nung maliliit na chainsaw. Daan-daan pa’ bubuyog iyong pumasok sa mga bintana. Libu-libo. Sinalakay si Director Cobre, si Jack, at iyong dalawa’ lalaki nakapigil kay Estrella.
“Mga kaibigan!” halakhak sa tuwa ni Kahn.
Inagaw nina Estrella, Kahn, at HM iyong mga armas na hawak nung mga kalaban.
Sa loob nung sala nung Residence, bumangon sina Rocky, Tessa, Paolo, at Michelle, at dali-dali’ nagsipasok sa van. Kumaripas sila patungo’ Panglao.
Sa loob nung kumbento sa likod nung simbahan ng Panglao, nagsilusong na iyong mga pulis na nangagtago’t nagsihintay ro’n. Tumakbo iyong ilan papunta’ likod nung watchtower, at tinutukan ng baril at dinakip iyong dalawa’ lalaki sa speedboat.
Tumalon si Jack papalapit kay Kahn para agawin iyong baril niya, pero maliksi’ nag-tumbling na’ palayo iyong bata. Nadupilas si Jack. Napatilapon sa labas nung bintana. Nahulog at bumagsak sa paanan nung watchtower, kagat-kagat pa rin nung mga bubuyog. Kita’-kita nung dalawa’ lalaki’ dinakip sa speedboat.
Humakbang si Director Cobre papunta kay HM para agawin naman iyong baril na nasa mga kamay nito. Nanlaban si HM. Nagulantang si Director Cobre sa husay nung bata sa jeet kune do. Nahulog iyong director sa hagdanan, kagat-kagat pa rin nung mga bubuyog.
Tinangka’ tumakas nung dalawa’ lalaki’ naghatid kay Estrella. Pero, mga pulis iyong nasalubong nila sa ikalawa’ hagdanan.
Nagliparan’ paalis iyong mga bubuyog pagpasok nung lahat nung nadakip sa mga mobile. Mula sa tuktok nung watchtower, kinawayan sila’t pinasalamatan nung magkambal.
Pagkagaling sa police headquarters, tumuloy sina Estrella, Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM sa bahay ni Rocky, sa Tagbilaran. Do’n sila nagsihilata’t nagpapanatag ng loob.
“Isa’ organized crime,” ang s’abi ni Rocky. “Pinag-isipan’ at pinagplanuhan’ maigi.
“Iyong s’abi nung mga dumukot sa magkambal, nasa Panglao Watchtower si Star at naghahanda ng sorpresa para kina Mang Jony. ’Dinala sila sa loob nung sedan. Nasa loob nung sedan si Director Cobre, na kilala nung mga bata, kaya ’di sila nabahala.
“Malapit lang iyong distansiya sa hotel nung Panglao Watchtower. ’Binaba sila sa tabi’-daan at naglakad sila papunta’ watchtower. Iyong sedan, na minamaneho nung Canadian tourist, nagpaikut-ikot sa iba’ iba’ lugar bago tumuloy sa Tagbilaran.
“Kasabwat, kung gano’n, iyong Canadian tourist,” ang s’abi ni Estrella.
“Sigurado iyan,” s’agot ni Rocky. “Suspetsa ko, umalis na siya sa Bohol. Baka lumabas na ng bansa. Kun’ ’di, kung nasa Maynila pa siya o nasa iba’ lugar, sigurado rin’ maaaresto siya.
“’Di lang siya’ kasabwat. Marami sila. Nag-uusap-usap gamit iyong iba’ iba’ cell phone. May nasa Boracay. May nasa Bacolod. Natural, marami sa Bohol.
“Malaki’ pera’ ginastos dito,” komento ni Estrella. “Kanino kaya’ pondo ’galing iyon?”
“Kay Director Cobre?” t’anong ni Michelle.
“Sa mas mataas na opisyal?” t’anong naman ni Paolo.
“Sa palagay ko,” ang s’abi ni Mang Jony, sa tao’ may hawak nung masa malaki’ pera kaysa sa mga iyon.”
Napatingin sila kay Mang Jony, pati na si Rocky at si Estrella.
“Sa hiniwalayan mo’ asawa, Star,” p’aliwanag ni Mang Jony, “kahit wala siya rito sa Pilipinas. May mga kontak pa siya sa Bohol. Kabilang do’n iyong mga may hawak na kapangyarihan at mga awtoridad. Natunugan no’n iyong expedition no’n pa’ Oktubre nung nakaraan’ taon. At nagkaro’n siya ng interes.”
“Sila rin, palagay ko, iyong nag-arkila nung binatilyo’ pumasok at nagnakaw sa loob nung Residence,” dagdag ni Rocky. “Ang s’abi nung superintendent, natuntunan na iyong cutlery at iyong computer na ninakaw. Natuntunan na rin iyong binatilyo’ nagnakaw. Sigurado’ kakanta iyon.”
“Pero, nasa’n iyong setro?” usisa ni Estrella. “Ba’t bigla na lang nawala? Sa’n iyon nagpunta?”
“Pumasok iyong setro sa braso mo,” s’agot ni Mang Jony. “’Gaya nung korona’ ’pinutong sa ulo mo, na pumasok sa ulo mo, nung nasa Loboc tayo. Alalahanin n’yo’ sinabi ko tungkol sa mga rituwal nung pangkat ni Rusty. Naglalaslas sila nung mga braso’t binti para magsuksok nung mga mutya sa loob nung mga iyon. Para magka-poder. Para magka-kapangyarihan. Engkanto’ pinagmulan nung mga rituwal na iyon. Tinutularan nila’ gawain nung mga engkanto hangga’ sa kaya nila’ tularan.”
“May nagpakilabot sa ’kin,” ang s’abi ni Tessa. “S’abi nung lalaki sa cell phone, sa maniwala tayo o hindi, nakabantay sila sa ’tin. Lagi sila’ nakabantay. Lagi sila’ nakatingin. Alam nila’ lagi kung sa’n tayo naro’n at kung sino iyong mga kasama natin. Nakikita raw nila tayo, pero ’di natin sila nakikita.”
“May simple’ paliwanag iyan,” ngiti ni Rocky. “Tiniktikan tayo nung mga security guard at katulong. Mga kasabwat din sila. Sa pakiwari ko, pagpunta natin sa Residence, nagsilayas na’ mga iyon. Pero, maaaresto rin iyong mga iyon.”
Tumanggi’ magbalik sa Residence si Estrella hanggat ’di nagalugad at nalinis nung mga pulis at nung LGU’ situwasyon do’n. ’Gaya nung sinapantaha ni Rocky, nag-alsa-balutan iyong buo’ household staff. Nag-AWOL din iyong dalawa’ security guard, isa’ pang-araw at isa’ panggabi. Sinundan sila’ lahat, inaresto, at kinasuhan.
“Ako mismo’ kukuha nung panibago ko’ staff,” ’giniit ni Estrella. “Malinis. Mapapagkatiwalaan.”
Nagpalipas sila ng hapon sa library ni Rocky. “Dito nagsimula iyong lahat,” ang s’abi ni Rocky. “Dito rin pala matatapos.”
Pinagmasdan uli’ ni Mang Jony iyong mga urna sa loob nung library. Pagkalipas nung ilan’ sandali, kumislap iyong mga mata niya’t nagliwanag iyong mukha niya.
“Ano, sa tingin n’yo, iyong origin nung mga ’to?” t’anong niya sa mga kasamahan niya.
“Chinese?” mungkahi ni Michelle. “Red kasi iyong dominante’ kulay.”
“Spanish,” s’abi naman ni Estrella. “Para kasi iyang mga tabernakulo. Tsaka, tingnan n’yo iyong mga santo. Impluwensiya nung mga Kastila iyan.”
“Pa’no kung a’lisin natin iyong mga santo?” ngiti ni Mang Jony.
Kumislap din iyong mga mata ni Paolo. “May catch ’to!” bulalas niya kina Kahn at HM.
Maingat na in’alis ni Rocky iyong mga imahe nung Purissima Concepcion sa urna, at ’pinatong niya ito sa isa’ side table.
“Spanish pa ba?” usisa ni Mang Jony. “Chinese?”
Napag-isip sila’ lahat.
“Palaisipan na naman ’to ni Mang Jony,” bulalas ni Michelle.
“Sirit na po!” sumamo ni Estrella. “Sabihin n’yo na!”
“Indian,” s’agot ni Mang Jony. “Tandaan n’yo, una’ dumaong dito’t nabuhay iyong mga Hindu. Bago pa man magsidatingan iyong mga Muslim at iyong mga Kastila.
“An’ tawag sa urna sa India, ‘ghar ke mandir’, o ‘home temple’, o ‘altar na pambahay’. Katulad iyon nung mga altar sa Tibet, na iyong tawag naman nung mga Buddhist, ‘butsudan’. May mga version nung butsudan na ’di lang may mga poste, kun’ ’di mayro’n din’ mga pintuan.
Nung nakita ko iyong mga urna dito, sa hotel sa Alona, tsaka sa ancestral house ng mga Marquez sa Loboc, inisip ko kung sa’n ba ’ko nakakita nung larawan o nakabasa nung tekstro tungkol sa mga ’to. ’Di ko matumbok kung sa’n. Naka-focus kasi ’ko sa expedition. Pero, ngayon, naala’a ko na.
“Una’ matatagpuan iyong mga ’to sa Bhagavad Gita, iyong sinauna’ epiko sa India. Binabanggit do’n iyong tinatawag nila’ ‘flying houses’. Iyong pagsasalarawan nila nung mga iyon, para’ mga altar na may apat na poste tsaka bubong.
“Para sa mga tumitik nung Bhagavad Gita, iyong flying houses na iyon iyong sinakyan nung mga diyos at diyosa nung lumapag sila sa lupa, mula sa iba’ iba nila’ pinanggalingan.”
“Spaceships!” bulalas ni Kahn.
“Wala kasi sila’ salita para sa ‘spaceships’ nung panahon’ iyon, kaya, ‘flying houses’ iyong ginamit nila,” ang s’abi ni Mang Jony.
“So, ang mga diyos at diyosa, pati na iyong mga engkanto, mga nanggaling sa iba’ iba’planeta?” Si Estrella.
“Maa’ri,” s’agot ni Mang Jony. “’Gaya nung mga higante, na baka iyong mga Nephilim. ’Gaya nung mga serpiyente, na baka iyong mga Serpentine.”
“Pero, Mang Jony,” usisa ni Rocky, “kung dumating sila, puwede rin sila’ umalis, ’di ba?”
“Kung mayro’n sila’ kakayahan,” s’agot ni Mang Jony. “Kung mayro’n sila’ mga spaceship, halimbawa, na naka-standby. Kasi, kung wala, abandonado na sila sa lupa. Para’ iyong mga higante. Para iyong mga Serpiyente.
“Isipin n’yo’ mga sarili n’yo’ stranded sa isa’ isla. Wala’ bapor, wala’ balsa, ’di kayo makalangoy. Haba’-buhay na kayo sa isla’ iyon. Wala’ sasaklolo sa inyo, wala’ maikipagkaibigan sa inyo, wala’ magmamahal sa inyo.”
Nagbalik sila sa Tarsier Sanctuary para magpasalamat kay Joannie Mary at magpaabot nung pasasalamat sa tatay niya.
“’Di uli’ mapakali iyong mga alaga ko,” k’uwento ni Joannie Mary. “Buo’ gabi na naman sila’ nag-iingay. ’Di pinatulog iyong mga caretaker.”
Sumaglit sila sa sanctuary para makipaglaro kina Ma, Pa, Sis, at Bro.
Saka lang sila nagpunta sa Residence, kung sa’n maayos na’ lahat.
Do’n nila pinag-usapan iyong return flight details nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle pabalik Maynila.
“Sa’n n’yo ba uli’ gusto’ magpunta,” alok ni Estrella, “bago kayo lumipad? River cruise? Mga simbahan? Dauis? Alam ko na—’di pa kayo nag-firefly watching.”
“Gusto ko uli’, sa Chocolate Hills,” ang s’abi ni Mang Jony. “Dalawa’ beses na tayo bumisita ro’n, pero, ’di tayo nakapag-photo-op. Mag-group photo tayo, na iyong background, iyong Chocolate Hills.”
Inisip nila’ lahat na makakapag-group photo naman sila kahit na sa’n, pero, ’di nila sinalungat si Mang Jony. Kaya, bago lumubog iyong araw, nasa Chocolate Hills na sila’t naglilitratuhan. Pagkat palapit na’ buwan ng Mayo, tuyot na’t nagsilaho iyong malalago’ halaman sa mga burol.
“Mukha na sila’ chocolates talaga!” komento ni Michelle.
“’Di naman umambon kanina,” puna naman ni Estrella, “pero, ang init! Ang init-init!”
Sumang-ayon sila’ lahat. Namaypay si Estrella’t nagdampi nung panyo sa mukha niya’t liig. Nagtanggal nung salakot si Tessa. Nagsiinom sina Kahn at HM sa dala-dala nila’ mga thermos.
“Mag-dinner na kaya tayo,” suhestiyon ni Estrella kay Rocky. “Maghanap tayo nung makakainan na malakas iyong aircon.”
Nang bigla’ sumigaw si HM: “Mama, look!”
Sinundan nila ng tingin iyong ’tinuturo nung daliri ni HM. May bitak sa kahabaan nung viewing deck.
Nataranta iyong mga turista’ naro’n, at bigla’ nagtakbuhan. Kasi, yumanig iyong lupa.
“Lumilindol!” Si Rocky.
Nagkapitan sila.
“Look!” Si Kahn naman iyong sumigaw. “Look, Mama!” ’Di siya sa viewing deck nakatingin kun’ ’di sa mismo’ Chocolate Hills. Pagkat, sa tuktok nung bawat mabilog na burol, may puti’ usok na bumulwak at para’ mainit na geyser na nagsirit pahimpapawid.
Bumiyak at nagsibukas na para’ nakanganga’ mga bunganga iyong mga tuktok—libu-libo’ tuktok—at nagsiakyat sa mga ’to mga bilugan’ spaceship na pumailanlang sa kalangitan. Para’ libu-libo’ makikinang at malalaki’ holen’ gawa sa puti’ bakal. Para’ libu-libo’ shooting star.
“Spaceships!” hiyaw ni Kahn.
Saka lang tumigil iyong lindol. Na nag-iwan nung mahabang bitak sa ibabaw nung view deck at libu-libo’ butas sa lupa’ na dati’ Chocolate Hills.
“Wala na’ Chocolate Hills ang Bohol!” iyak ni Estrella.
“’Di bali, Star,” iyong pahele ni Rocky. “Meron naman sila kastilyo’ ginto at kastilyo’ pilak.”
Tumawag sila sa Governor’s Office at sa National Police. Nasa balita na sa mga radyo’t TV iyong lindol sa Bohol, na malaki’ magnitude. Sinubaybayan nina Estrella’t Rocky iyong mga report nung pinsala sa iba’ iba’ bahagi nung isla. Lalo na sa Carmen. Natiyak nung mga geologist iyong epicenter: iyong Chocolate Hills.
Haba’ naghahapunan, patuloy nila’ pinag-usapan iyong kasindak-sindak na lindol na naganap.
Tiningnan ni Rocky nang matagal si Mang Jony. “Mang Jony,” simula niya. “Bakit n’yo kami inanyahan sa Chocolate Hills? Alam n’yo’ may mangyayari ro’n, ’di ba?”
Ngumiti si Mang Jony. “Hinala lang,” ang s’abi niya. “Alam ko’ may mga spaceship na lilipad na’ paalis.”
“Sino po’ sakay nung mga iyon?” usisa ni Rocky.
“Iyong mga bantay nung mga kastilyo,” s’agot ni Mang Jony.
“May mga alien pa ba bukod do’n sa mga higante at mga Serpiyente?” Nanlaki iyong mga mata ni Estrella na para’ ’di siya makapaniwala.
Tumango si Mang Jony. “Iyong mga tarsier.
“Napansin ko’ malapit iyong sanctuary sa Chocolate Hills. Pareho sila’ nasa Carmen. H’inala ko, may mga underground tunnel mula sa kinaroro’nan nung mga tarsier papunta’ Chocolate Hills. H’inala ko rin, nasa loob nung Chocolate Hills iyong mga spaceship nila.
“Iyong mga tarsier iyong totoo’ bantay nung kaharian nung Armenya. Sila rin iyong totoo’ bantay nung kastilyo’ ginto at nung kastilyo’ pilak. Nung sinauna’ panahon, lumapag sila sa lupa para siguraduhin iyan. ’Di sila makaalis-alis hanggat ’di napupuksa iyong mga Serpentine.
“Nung nasa mga underground tunnel tayo, nakahanap tayo nung lagusan papunta’ dagat, kung sa’n pinahahayo nung mga Serpiyente sa tubig iyong mga bago’-pisa nila’ itlog. May napansin ako ro’n. May bunton-bunto’ mga kalansay at buto nung marami’ Serpiyente. Inisip ko kung pa’no pinatay iyong mga iyon.
“Inisip ko’ baka may mga underground tunnel din do’n papunta’ Carmen. Dinaraanan iyon nung mga tarsier. Inaabatan nila iyong mga Serpiyente sa may-tubig, para patayin. Suspetsa ko, gumagamit sila nung mga sandata’ ’di pa rin natin natutuklasan.
“Ngayon’ wala na’ mga Serpentine, nagi’ ganap na iyong misyon nung mga tarsier. Nagi’ malaya na sila’ umalis. Nagi’ malaya na sila’ magbalik sa pinanggalingan.”
“Kahit napakaliit nung mga tarsier,” ang s’abi ni Mang Jony, “sila iyong mga pinakamakapangyarihan’ extraterrestrial sa lupa.”
“Mga ismol bat teribol,” ang s’abi ni Paolo.
Nag-huli’ bisita sila kay Joannie Mary sa Tarsier Sanctuary kinabukasan. Malungkot si Joannie Mary at iyong buo’ staff nung sanctuary.
“Wala na iyong mga tarsier,” ’binalita ni Joannie Mary. “Natakot yata sa lindol. Siguro, nakahanap nung malalabasan, sumuot lahat sa mga gubat. Ilan’ buwan kami aabutin sa paghahanap uli’ sa mga iyan.
Pero, alam na nina Estrella, Rocky, Mang Jony, Tessa, Paolo, Michelle, Kahn, at HM na wala na sila’ makikita’ mga tarsier.
Minabuti ni Mang Jony na ipaalam kay Joannie Mary iyong lahat. Nagpunta sila sa coffee shop sa labas nung sanctuary. Do’n sila nagsalitan sa pagsasalaysay kay Joannie Mary nung mga pangyayari mula Oktubre nung nakaraan’ taon.
’Di nabahala si Joannie Mary. Sa halip no’n, para pa siya’ natuwa. “Alam din siguro ni Tatay lahat niyan,” ang s’abi niya.
“Wala na tayo’ souvenir nung mga tarsier,” ang s’abi ni Michelle, “kun’ ’di iyong mga pigurin, bookmark, tsaka coin purse na in’uwi na natin sa Cubao.”
Dinala sila uli’ ni Joannie Mary sa sanctuary para ipakita sa kanila na mga punungkahoy at halaman na lang iyong naro’n. Tahimik sa loob nung sanctuary. Wala’ ihip ng hangin, kaya, kahit pinakamaliit na dahon, ’di gumagalaw.
“Mami-miss ko sila,” ang s’abi ni Joannie Mary. “An’ tagal na namin sila’ inalagaan. Ngayon, wala na sila.”
Bigla sila’ nakarinig ng pagsisiyap mula sa likod nung mga dahon. Isa’ tarsier iyong nahulog at lumapag sa balikat ni Joannie Mary.
“Bro!” bulalas nila’ lahat.
Nakirinig sila nung ilan pa’ pagsisiyap, at tatlo pa’ tarsier iyong tumalon at lumapag sa kabila’ balikat ni Joannie Mary at sa mga braso nito.
“Ma! Pa! Sis!”
Naghintay sila sakali’ may iba pa’ mga tarsier na magsisilabas, pero, iyong apat na mag-anak lang iyong nasa loob nung sanctuary.
“Nagpaiwan sila,” bigkas na’ buo’ tawa ni Joannie Mary. “Sila na lang ngayon iyong mga tarsier sa Bohol. Pero, alam ko, magpaparami sila. Mapupuno uli’ nung mga tarsier iyong Bohol.”
’Di lang si Joannie Mary, kun’ ’di iyong buo’ bayan, iyong nakaalam nung buo’ kuwento nung expedition. Nung sumunod na mga araw, nasa media na iyong mga artikulo’t larawan’ ’pinaglipana nung main branch ng National Museum sa Maynila. Marami’ nagsidatingan’ reporter, videographer, at blogger para kapanayamin sina Governor Antimonio, iyong Deputy Director ng Museum, si Estrella, si Rocky, pati na sina Kahn at HM. Higit sa lahat, marami rin’ nagsidatingan’ turista.
Tatlo lang iyong nanatili’ lihim:
Una, iyong tungkol sa mga extraterrestrial na higante, Serpiyente, at mga tarsier.
Ikalawa, iyong nagi’ papel nung mga engkanto sa mga pangyayari.
At ikatlo, iyong partisipasyon nina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa proyekto.
’Hinatid nina Rocky, Estrella, Kahn, at HM iyong team ni Mang Jony sa Tagbilaran Airport kinabukasan. Dahil naro’n si Estrella, nasamahan nung mga Marquez iyong mga bago nila’ kaibigan sa loob nung departure area, kung sa’n sila patuloy na nakapaghuntahan.
Bumangon sila nang mag-final boarding call. Muli’ nagpasalamatan. Nagyakapan.
Maluha-luha si Rocky nang bitiwan niya sa pagkakayakap si Mang Jony. Maluha-luha rin sina Kahn at HM.
“Sana, magkita-kita tayo’ ’uli,” ang s’abi ni HM.
“Hahanapin namin kayo ’pag nagbakasyon kami sa Manila,” ang s’abi naman ni Kahn.
“Mang Jony, I have one last request,” bumaling si Estrella kay Mang Jony.
“Ano iyon, Star?” t’anong ni Mang Jony.
“May I kiss you?”
Pinamulahan si Mang Jony. Naghagikhikan iyong lahat.
“Of course, Star,” s’agot ni Mang Jony.
Kaya, binigyan ni Estrella si Mang Jony nung malagkit na halik sa magkabila’ pisngi.
Natulog sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa loob nung eroplano. Ginising lang sila nung stewardess nang malapit na sila’ mag-landing sa International Airport.
Nasa tugatog na nung tag-init iyong Cubao. Mag-isa’ nagsusulat si Mang Jony sa study room. Bumangon siya nang matapos. Binuksan iyong glass cabinet sa harap nung writing desk. Ipinatong sa isa’ shelf iyong gloriamaris at iyong golden cowrie, na nasa kahon’ abalone, sa tabi nung puti’ maskara’ hinandog sa kaniya noon nung isa’ kaibigan’ eskultor.
Mag-isa rin siya’ namasyal sa Cubao nung hapon’ iyon. Para baga’ patunayan sa sarili na narito na nga siya, nakauwi na, at nasa nakaraan na’ sunuod-sunod na pangyayari sa Bohol.
Marami’ iba’ tao’ namamasyal din sa Cubao, palib’asa mahaba’ bakasyon at panay iyong sikat nung araw.
Tumigil ’uli si Mang Jony sa harap nung marquee nung Coliseum. Sa isa’ iglap, naglaho iyong mga tao sa paligid niya. Nagi’ kastilyo ng Berbanya uli’ iyong Coliseum. Bumaba iyong drawbridge. Dumaan siya sa ilalim nung portcullis. At tumuloy sa malaking bulwagan, kung sa’n naroro’n, sa kani-kanila’ trono, sina Haring Fernando at Reyna Valeriana, Prinsipe Pedro at Prinsesa Leonora, Prinsipe Diego at Prinsesa Juana, at Prinsipe Juan at Prinsesa Maria Blanca.
Yumukod si Mang Jony sa harapan nila’ lahat. Pinabangon siya ni Haring Fernando.
“Magaling, Mang Jony,” ang s’abi nung hari. “Tatlo’ daigdig iyong natulungan n’yo: iyong daigdig nung mga taga-iba’ planeta, iyong daigdig nung mga engkanto, at iyong daigdig nung mga tao.”
“’Na’sagawa po namin’ iyon dahil po sa masusi n’yo’ paggabay.”
“At dahil sa talino’t dunong nung tao,” ang s’abi nung hari. “’Di talino’t dunong nung isip niya, kun’ ’di talino’t dunong nung puso niya.”
Nagpasalamat sila’ lahat kay Mang Jony, at nagpasalamat si Mang Jony sa kanila’ lahat.
Naala’la ni Mang Jony iyong hiling ni HM sa departure area nung airport: “Sana, magkita-kita tayo’ ’uli.”
Inisip ni Mang Jony, haba’ naglalakad na siya’ pauwi, na, sa mga tunay na magkakaibigan, wala’ tunay na pagpapaalam.
Lumipas iyong isa’ buwan bago nagkita-kita’ ’uli sina Mang Jony, Tessa, Paolo, at Michelle sa study room ni Mang Jony sa Central Boulevard. Hulyo na no’n. Nagtuturo uli’ si Tessa sa pamantasan. Sina Paolo at Michelle naman, nasa una’ semester nung school year.
Araw ng Sabado. Nagkaisa sila’ repasuhin iyong Ikalawa’ Aklat ng Ibong Adarna.
“Kung papansinin n’yo,” pasimula ni Mang Jony, “may dalawa’ antas ng pakakahulugan iyong mga kuwento: literal at psychological-developmental. Iyong Una’ Aklat, tungkol sa pagkamulat ng bata’ lalaki sa tahanan, sa pagkabata’ lalaki niya, sa pakikipagkapatid, sa pagkaro’n ng gilas nung isip, puso, at katawan, at, higit sa lahat, sa pagig’ mabuti’ anak sa mga magulang.
“Iyong Ikalawa’ Aklat, tungkol sa pagbibinatilyo, sa una’ pakikitungo ng lalaki sa babae, sa pagkahumaling, sa pagkilala na may iba’ mga tahanan at iba’ mga kaharian sa mundo, at sa una’ paggising ng katawan.
“Nakita rin natin na dalawa’ magkaiba’ babae sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora: si Juana, mapusok, si Leonora, malamig at mapagsarili.
“Sa kontekstong pampanitikan, masasabi natin na talinghaga ng libog iyong Higante. Iyong Serpiyente naman, talinghaga ng pagigi’ manhid sa kapwa.”
“Ano naman kaya, Mang Jony,” t’anong ni Paolo, “iyong kuwento’t mga kahulugan sa Ikatlo’ Aklat?”
Nagkibit-balikat lang si Mang Jony.
“Malalaman lang natin iyan, Paolo,” s’agot ni Mang Jony, “kung papalarin tayo.”
--Cubao, Lungsod Ng Quezon
Oktubre 26, 2017